Chapter 9

624 55 1
                                    

Chapter 9

Nakanguso akong nakaharap sa salamin na hawak ko dito sa loob ng classroom. Tch! Ang gwapo mo talaga Hades! Ngumiti ako. Hay, kahit anong anggulo talaga ng mukha ko, ang gwapo pa rin. Pero minsan nakakainis maging gwapo dahil pati aso hinahabol ako.

"Hades sabay tayo mag lunch ha?" Kapag sinabi kong aso, si Alyana yon. Habol ng habol sa akin eh. Sinadya niya talagang maging magkaklase kami. Nakakatakot! Obsess ba siya sa'kin?

"Why should I? Mag lunch ka mag-isa mo," Rinig ko ang mahinang pagtawa ng mga kaibigan ko sa likod.

Walang teacher kaya ang ingay-ingay namin. Habulan dito, batuhan doon, kalat dito at kalat doon. Hay, hindi ko talaga alam ang gagawin ko, mabuti na lang at biniyayaan ako nitong mukha na walang kasing tindi.

Rinig ko ang mga tunog ng mga pinagbabato nilang mga bagay. Kahit anong mahawakan nila yon ang pinangbabato nila.

Prente lang akong nanonood sa kanila pero minsan umiilag ako, mahirap na baka magasgasan tong makinis kong mukha. Tch! Napaismid ako ng hindi matamaan ng isa kong kaklase ang kaaway niya. Hindi man lang niya matamaan ang kaaway niya? Duling! So bad!

Halos magsiliparan ang mga gamit sa loob ng room. Mga isip bata!

Kinuha ko na lang ang lollipop ko saka isinubo iyon. Mabuti pa tong lollipop ko, masarap parang ako hehe. Nawala ang atensiyon ko sa mga kaklase ko ng biglang may kumatok. Sino ba tong pa importante? Kitang naglalaro classmates ko eh. Istorbo!

Mabagal iyong bumukas.
Kumunot ang noo ko ng bumukas iyon ng tuluyan. Napabalikwas ako sa pagkakaupo at tinanggal ko kaagad ang shades ko ng makilala kung sino ang nasa hamba ng pintuan namin.

Putek na malapot si Pres! Umusok ang ilong niya dahil sa nakikita niya. Ang mga tungek ay hindi man lang siya napansin. Kaagad na napaayos ako ng upo. Magkaka world war III na ba? Kailangan ko ng granada o di kaya ay canyon.

"Anong ginagawa niyo?! I will count one to five! One!-" Halos mamutla ang mga kaklase ko at parang mga estatwa na nakatingin kay Pres. Napalunok na lang ako ng ilang beses. Wala akong kinalaman, promise.

"Tangina bilisan niyo" Mabilis pa kay flash ang paggalaw ng mga kaklase ko. Mabilis pa sa alas kwatro na nalinis ng mga kaklase ko ang mga kalat sa loob ng room.

Wow, wala kang makikitang kahit anong alikabok sa paligid. Ang pulido ng pagkakalinis, para bang huling linis na nila sa mundo dahil paglalamayan na sila.

Pagkatapos nilang maglinis ay nagsiupuan kaagad sila na parang walang nangyari saka nagsibuklat ng libro at nagbasa. Ah....GOOD DOG!

"I will be incharge for your today's class." Napapikit ako. Kahit umaga pa lang ay rinig ko na ang kuliglig dahil sa sobrang tahimik. Tanging ang paghinga lang ng bawat isa sa amin ang naririnig ko. Umupo si Pres. sa silya ng teacher namin sa harapan at masama kaming tiningnan.

Hindi pa man siya nakakailang segundong nakaupo ron ng may nagbukas na naman ng pintuan. Huwag niyong sabihing may isang Athena pa na papasok.

Hindi na namin kaya yon. Kay Athena pa nga lang ay halos mamatay na kami. Huwag nang magdagdag pa. Parang awa niyo na, tama na. Napataas ang kilay ko ng makita kung sino ang iniluwa ng pintuan.

May biglang pumasok na lalaki sa room at nakangiting pumunta kay Pres.

A-anong nginingiti-ngiti ng lalaking yan? Hindi bagay sa kanya! Napatingin ako kay Pres. kung saan diretsong nakatitig ang estrangherong lalaking yon.

Huh! Ang hanep! Kanina lang ay halos kainin niya kami, tapos ngayon, kung makangiti siya sa harap ng lalaking yan ay wagas. Aba't, kumalma ka, Hades.

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon