Chapter 23
Tahimik akong nakatingin kay Pres na nagsasabi ng mga instructions sa harap naming lahat.
Damn. Ang ganda niya talaga.
"We prepared tents that will serve as our permanent house while we are here at the forest," Pagpapatuloy pa niya.
Naramdaman niya siguro ang tingin ko kaya napadapo ang mga mata niya sa akin. Nakita ko kung paano siya napatikhim ng mahina at napaiwas nang tingin.
"F-for the food, kanya-kanya t-tayong luto," Nauutal niyang sabi.
Napangisi ako. Ganyan ba ang epekto ko sa iyo, Pres? Nauutal ka dahil sa pagtitig ko sa'yo?
"We will be staying on a tent? Bakit sa tent? Akala ko ba sa hotel?" Maarteng tanong ni Fiona.
Tangina, tanga!
"Huwaw! Sa hotel? Sure ka ba Fiona? Need mo ba ng utak? Halika bili tayo sa vulcanizing shop," Pang-aasar ni Tyler.
Napatawa ang ilan sa amin dahil sa sagot ni Tyler sa tanong ni Fiona. Kaya pala naka high heels at naka crop top pa siya dahil akala niya sa hotel kami mag s-stay. May nagka-camping ba sa hotel?
"Keep quiet," Saway ni Dean.
"That's all. You can proceed to your respective tents," Sa sinabing iyon ni Pres ay nagsi-alisan ang mga estudyante at inayos ang mga gamit nila sa tents.
Napangiti ako ng makitang si Pres na lang ang naiwan sa upuan nila nina Dean kanina kaya dali-dali akong naglakad papunta sa kaniya. Hindi pa ako nakakalahati sa paglalakad ng kaagad na pinuntahan at tinabihan ni Dion si Pres sa pagkakaupo. What does he think he's doing?
Napatingin sa kaniya si Pres. Napapikit ako. Ako lang dapat ang nakikita ni Athena. Ako lang dapat ang dinadapuan ng berde niyang mga mata at ako lang dapat ang nag-iisang lalaking nakikita niya.
Napakuyom ang kamao ko ng makitang bahagyang inakbayan ni Dion ang upuan ni Pres kaya nagmumukhang si Pres ang inaakbayan niya. Hindi pa siya nakuntento, inilapit niya pa ang bibig niya sa tenga ni Pres na para bang may ibinubulong.
Kumunot ang noo ko. Alam kong ramdam niyang nakikita ko sila pero bakit hindi siya dume-distansiya? Sinasadya niya ba itong gawin? Hindi niya pa rin ba tanggap na ako ang nanalo?
Nanatiling nakatingin si Pres sa kanya, ibang-iba kung paano siya tumingin sa akin. Mas gusto ba siya ni Athena kaysa sa akin para tingnan siya ng ganyan? Tangina, gusto ko sabing ako lang ang titingnan ni Athena eh.
Nag-uusap silang dalawa at kitang-kita ko ang pagiging interesado ni Pres sa kung ano man ang pinag-uusapan nila. Hindi ko matiis ang panonood sa kung gaano kalapit si Dion kay Pres. Lumipas ang ilang minuto na nanatili sila sa ganoong posisyon. Fuck!
"Pres!" Tinawag ko si Athena, sinigurado kong maririnig niya ang boses ko.
Nabaling ang tingin niya sa akin. Ganyan nga Athena, sa'kin ka lang dapat tumingin at hindi kay Dion.
Lumapit ako sa kanila.
"Tinatawag ka ni Dean may sasabihin daw siya sayo," Pagsisinungaling ko.
Kumunot ang noo ni Pres. Maniwala ka na lang sa'kin pwede ba?
"Okay, susunod na lang ako," Kibit-balikat na sagot niya.
"Hindi na siya makapaghintay, Pres. Bilisan mo na raw dahil napaka importante ng sasabihin niya sa'yo," Alam kong masama ang ginagawa ko pero hindi ko kayang makita si Pres kasama ang Dion na ito.
Mukhang nakumbinsi ko si Pres dahil kaagad niya kaming iniwan ni Dion at pumasok sa tent ni Dean.
"Liar," Masama kong tiningnan si Dion na ngayon ay nakadekwatro at nakahalukipkip na nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~
RandomAthena is her name. Ang presidente naming pinaglihi sa sama ng loob. Napakasungit na tila ba may galit siya sa mundo. Siya ang huling babaeng naiisip ko na magugustuhan ko sa buong buhay ko. Makakaya ko kaya siyang magustuhan kung kami ang the best...