Chapter 26

359 23 1
                                    

Chapter 26

Maingay ang cafeteria dahil sa dami ng estudyanteng nasa loob nito. Ibinaba ko ang tingin ko sa relo ko para malaman kung anong oras na dahil kanina ko pa hinihintay si Athena.

"Sigurado ka bang darating si Pres, Bro?" Sinamaan ko nang tingin si Greg. Sino bang nagsabing samahan nila ako? Tch!

"Oh, ayan na pala si Pres," Napatingin kaagad ako sa direksiyong itinuro ni Fiona. And speaking of Fiona, sila na ni Tyler kaya palagi siyang kasama nang grupo namin. Aaway-away pa tapos magsusunggaban din naman.

Tumayo ako para salubungin si Athena. Mas makapal pa sa mukha ni Nate ang dala-dala niyang mga libro. Sa dami ng taong nakaharang at nakikita ko sa dadaanan ko ay tanging si Athena lang ang nakakakuha ng atensiyon ko.

"Ako na," Sabi ko nang makalapit ako sa kanya saka kinuha ko ang mga librong bitbit niya.

"Sana nagpasundo ka na lang sa'kin," Inayos niya ang salamin niyang muntik ng malaglag bago ako tiningnan.

"Kaya ko naman iyan, Hades. Ilang taon ko nang ginagawa yan," Rason niya. Napanguso na lang ako. Ang sweet-sweet ko tapos ang bitter ng babaeng 'to.

Hinawakan ko ang kamay niya habang naglalakad kami pabalik kina Tyler. Ewan ko, mukhang nasasanay na talaga ako sa paghawak sa kamay niya tuwing magkasama kami. Parang hindi kumpleto ang kamay at daliri ko kung hindi ko mahawakan ang kamay niya.

"Ang sakit niyo naman sa mata! Magkaka-sore eyes yata ako," Reklamo ni Greg habang tinatakpan pa ang mga mata niya.

Napahalakhak ako dahil sa inasta niya.

"Sabihin mo na lang kasing naiinggit ka dahil wala kang girlfriend," Kutya sa kanya ni Tyler.

"Bakit naman ako maiinggit? Sa gwapo kong to ay maraming nagkakandarapa sa'kin," Pagmamayabang ni Greg. Aba't!

Pinaghila ko ng upuan si Athena.

"Thank you," Sabi niya na sinagot ko nang kindat.

"Kukuha lang ako ng pagkain," Tumayo si Greg. Alam kong palusot niya lang iyon para makaalis sa harap namin.

Tumayo siya at pipili na sana ng pagkain ng mabunggo siya ng babaeng may maikling buhok kaya natapon kay Greg ang iniinom nitong iced tea.

"Fuck!" Napailing na lang ako. Ayaw talaga ni Greg na madumihan ang sinusuot niya, maarte pa yan sa babae.

"S-sorry," Nakayukong sabi ng babae. Kung maka-'fuck' naman kasi itong si Greg ay para siyang may pakpak.

"Gianne!" Nilingon ng babae ang mga kasama niya.

"S-sorry talaga, babayaran na lang kita n-next time," Mahinhin na dagdag pa niya bago umalis sa harapan ni Greg na ngayon ay nakatunganga pa rin.

"Kanina pa ba kayo?" Napatingin ako kay Athena, nakatingin na siya sa akin kaya awtomatikong napangiti na lang ako.

"Oo, pero wala akong pakialam kung gaano ka tagal kitang hihintayin basta siguraduhin mong dadating ka," Sagot ko habang mariing tinitingnan ang kamay naming magkasalikop na nasa itaas ng mesa. Kagaya ko, hindi na niya iniisip ang maaaring sasabihin ng kung sino man ang makakita sa sitwasyon namin.

"Talaga? Tch! Kung alam ko lang nong wala ako dito, buntot ng buntot iyang mata mo sa ibang babae," Gustong-gusto ko talaga kapag umaakto ng ganito si Athena. Baby, huwag kang mag-alala dahil sa'yong-sa'yo ako, hehe.

"Bakit nagseselos ka ba?" Tanong ko pagkatapos kong mangalumbaba sa mesa. Hindi ko maiwasang hindi mapanguso dahil sa pagpipigil ng ngiti ko, baka mabanas pa ito sa akin mamaya at biglang hiwain ang leeg ko.

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon