Chapter 27

343 19 0
                                    

Hades Pov

"Loveydabs, pansinin mo na ako. Sorry na kasi."napakamot na lang ako sa ulo ko ng hindi man lang ako nilingon ni Athena, mas pinagtuunan niya ng pansin ang niluluto niya.

Sabado ngayon at nakasanayan ko nang pumunta dito sa dorm niya para may kasama siya. Nandito kami sa kusina niya at pinanonood ko lang siyang nagluluto ng adobo na ipananghahalian naming dalawa.

Ilang beses ko na siyang sinundot-sundot pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Nakatalikod siya sa akin at ramdam ko pa rin ang tampo niya dahil sa nangyari sa cafeteria kahapon.

"Loveydabs, hindi ko namam kasi alam na magagawa iyon ni Marga. Sorry na, pansinin mo na ako, loveydabs."sabi ko. Parang wala lang siyang narinig at hindi man lang ako nilingon. Nakatayo ako malapit sa mesa niya, nanatili ang isang metrong distansiya ko sa kanya, mahirap na baka hampasin niya ako ng sandok.

Napapikit na lang ako ng maisipan kong lapitan siya.

Wala akong ingay na lumapit sa kanya saka ko siya niyakap mula sa likod. Napatigil siya sa paghahalo ng adobo at ramdam ko ang pagtigil ng hininga   niya ng ilang segundo.

Inilagay ko ang baba ko sa balikat niya habang yakap-yakap pa rin siya.

"Sorry na, hindi ko rin gusto ang ginawa ni Marga kaya simula ngayon hindi ko na siya lalapitan."sabi ko.

Tiningnan ko kung anong reaksiyon niya sa sinabi ko pero nanatili ang mga mata niya sa adobong nasa kawali. Napanguso na lang ako.

"I'm starting to hate adobo."sabi ko.

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya bago ko siya hinalikan sa pisnge. Napangiti na lang ako ng makitang nabaling ang mata niya sa akin.

"Napakapangit mo talaga, Madrigal, nakakainis,"sabi niya saka ako inirapan. Hindi ko magawang sumimangot dahil sa sinabi niya, mas lalo pa akong nasiyahan dahil sa pagkakalapit ng mukha namin.

"Bakit?"tanong ko.

Napabuntong-hininga na lang siya bago ako hinarap.

"Hindi naman talaga ako nagtatampo, Hades. Naiinis ako sa sarili ko."sabi niya.

Inayos ko ang buhok niyang tumatakip sa magandang mukha niya.

"Bakit naiinis ang loveydabs ko?"tanong ko habang iniipit sa tenga niya ang iilang hibla ng buhok niya.

Ang ganda mo talaga, Athena.

"Hindi ko pala kayang makita kang may kasamang iba."sagot niya. Pinisil ko ang ilong niya. Gustong-gusto ko talagang nagkakaganito si Athena, pinararamdam niya sa akin na sa kanya ako at akin siya.

"Ako rin naman, ayaw kong lumalapit-lapit ka sa iba, lalong lalo na kay Dion."sagot ko. Mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa, nakayuko siya at ako naman ay patuloy siyang tinitignan.

"Naaalala mo ba ang sinabi ko sayo no'ng umamin ka sa aking mahal mo ako?"tanong niya. Siya ang unang bumasag sa katahimikan. Sumeryoso ang mukha niya kaya nawala rin ang ngiti sa labi ko.

"Ang alin don?"tanong ko.

"Iyong sinabi kong hahayaan kitang burahin ang nararamdaman mo para sa akin at maari kang mahulog at magmahal ng iba,"sagot niya. Kagat-kagat niya ang labi niya habang namumula ang ilong.

Bumalik naman sa alaala ko ang sinabi niyang iyon.

"Bakit? Binabawi mo na ba? Ayaw mo na bang burahin ko ang nararamdaman ko para sayo at ayaw mo nang magmahal ako ng iba?"tanong ko.

Mahina siyang tumango.

"Oo, binabawi ko na. Alam kong masamang maging selfish pero hindi ko mapigilang hindi mainis kay Marga dahil sa ginawa niya. Na realize ko na hindi ko pala kayang makita na may ibang humahawak sa kamay mo dahil gusto kong ang kamay ko lang ang hahawakan mo."sagot niya. Kitang-kita ko ang pagkislap ng luha sa gilid ng mga mata niya.

"Takot pala akong mawala ang nararamdaman mo para sa akin at makitang may mahal kang iba."dagdag pa niya.

"Ayokong dumating ang araw na maghihiwalay tayo at puro alaala na lang natin ang matitira."gumaralgal ang boses niya at ang kaninang luha na pinipigilan niya ay unti-unting bumagsak.

"Hindi ko ma-imagine na may iba kang sasabihan nang three magic words bukod sa akin."sabi niya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanatili lang akong nanonood at nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Naiinis ako dahil hindi ko kayang panindigan ang sinabi ko sayong hahayaan kitang magmahal ng iba."pumiyok ang boses niya kaya hindi ko na siya natiis.

Hinila ko siya papalapit sa akin. Ramdam ko ang  mahigpit na paghawak niya sa t-shirt ko at ang pagkabasa ng dibdib ko dahil sa luha niya.

"Shhh...tahan na, Athena. Ano bang dahilan kung bakit ka umiiyak? Sabihin mo sa akin, makikinig ako."sabi ko.

Gumapang ang kaba sa dibdib ko.

"Hayaan mo muna akong umiyak, Hades. Mas mabuting masanay ako kaagad."sabi niya. Paulit-ulit kong hinalikan ang ulo niya.

"Alam kong alam mo na may itinatago ako, pero pwede bang sa ngayon na hindi mo pa iyon nalalaman, pwede bang patuloy mo na lang akong mahalin?" Napapikit ako. Ano nga ba talaga ang bagay na itinatago mo sa akin, Athena? Bakit ayaw mo pang sabihin sa akin iyon? Bakit sa tuwing pinag-uusapan natin ang tungkol sa ating dalawa, bakit palagi ko na lang nahihimigan ang lungkot sa boses mo?

Mahina akong tumango.

"Kahit na malaman ko iyon, patuloy kitang mamahalin, Athena."sagot ko.

"Walang hiya ka talaga, Hades. Bakit ba kasi sinanay mo na akong nandiyan ka? Bakit kasi hinayaan mong mahalin kita ng ganito? Bwesit ka talaga, Madrigal." Mahina akong napatawa.

"Dahil mahal kita, Athena.Tahan na loveydabs ko. Masusunog na ang niluluto mo."hindi ko mapigilang hindi magbiro para mabawasan ang bigat ng paligid namin.

"Baliw!"hinampas niya ako ng sandok kaya napahalakhak na lang ako.

Ipinorma ko ang labi niya sa isang ngiti.

"Ngumiti ka, Athena. Ayaw kong umiiyak ka."sabi ko. Inilapit ko ang kamay ko sa mukha niya upang punasan ang mga marka ng luhang bumagsak mula sa mga mata niya.

"Nagugutom ka na ba, Hades?"tanong niya.

"Oo, gutom na ang future husband mo."ngumuso pa ako.

Pinanood ko siyang maghanda ng kakainin namin.

"Bagay na bagay ka talagang maging misis ko, Loveydabs."sabi ko.

"Kumain ka na lang, Madrigal." Sagot niya.

Ramdam ko ang pagsunod ng mga mata niya sa bawat galaw ko at ang mariing pagtitig sa mukha ko.

"May problema ba, Loveydabs?"tanong ko. Umiling lang siya.

"Wala, mini-memorya ko lang ang mukha mo."sagot niya.

Kinagat ko ang loob ng pang-ibabang labi ko. Bakit ka ba nagkakaganyan?

"Gusto mo bang hawakan?"tanong ko saka dumukwang sa mesa upang mapalapit ang mukha ko sa kanya.

Napangiti siya at naramdaman ko ang  pagdampi ng daliri niya sa mukha ko.

"Nagtataka talaga ako,"sabi niya.

"Sa ano, Pres?"tanong ko.

"Maganda naman ang lahi ng Daddy at Mommy mo, pero bakit nakuha mo ang itsura mo sa aso niyong si Pogi?"napasimangot at napanguso ako sa sinabi niya.

Mahina siyang napatawa ng makita ang itsura ko. Nagulat ako ng bigla rin siyang dumukwang papalapit sa akin.

Napapikit ako ng dumampi ang labi niya sa labi ko.

"I love you, Hades."sabi niya.

Bakit ganoon? Imbes na makaramdam ako ng saya, bakit nakakaramdam ako ng kaba at takot?

"I love you too, Athena."sagot ko.

Patuloy kitang mamahalin, Athena. Kung may hihilingin man ako sa mga oras na ito, iyon ay sana hindi na magbago ang lahat.

*****

AUTHOR:

Mga anak huwag munang mag-isip ng kung ano-ano.😁Walang sakit si Athena at hindi siya mamamatay kaya chillax lang😳Enjoy reading mga anak❤️❤️❤️❤️

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon