Chapter 19

447 25 1
                                    

Ilang weeks akong hindi naka update dahil busy ako sa modules. Heto na medyo hinabaan ko ang chapter na ito. Sorry mga anak^_^^_^

Chapter 19

"Pres, hindi tayo dyan pupunta," Sabi ko saka hinila si Pres paalis sa horror house. Hanggang ngayon ay bitbit ko pa rin si Cuchi na mahimbing na natutulog, hehe.

"Akala ko ba ako ang bahala kung saan tayo pupunta, Madrigal? Bakit ngayon ay pinipigilan mo ako kung saan ko gustong pumasok? Huwag mong hintayin na mabatukan kita," Masama ang tingin na binabato sa akin ni Pres.

Tangina, takot ako sa multo. Alam ko namang hindi iyon totoo pero tangina talaga, hindi ako nakakatulog sa gabi dahil naiisip ko na may multong hihila sa paa ko sa ilalim ng kama.

"Are you scared, Madrigal? Really? You're 19 yet you're acting like you're a kid," Inirapan pa niya ako. Hindi ko na ulit papayagang umirap si Pres. Ako kasi ang kinakabahan, baka sa sobrang pag-irap niya ay matanggal na lang bigla ang mga mata niya.

Iniimagine ko pa lang na papasok ako sa horror house ay gusto ko nang mahimatay.

"I'm not scared. Gusto mo suntukin ko pa multo dyan sa loob eh," Tiningnan niya ako ng walang gana saka walang sabing pumasok sa horror house.

May iilang estudyanteng napapatingin sa aming dalawa saka magbubulungan. Kahit talaga saang lugar ako pumunta ay mayroon talagang chismosa na nakaantabay, dinaig pa ang tanod.

"Pres, hintayin mo ako!" Sigaw ko saka pikit matang tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Athena. Hinawakan ko siya sa braso niya.

"Bitawan mo ako, Madrigal," Umiling ako sa sinabi ni Pres saka mas hinigpitan pa ang pagkakakapit sa braso niya.

Ang dilim dilim dito sa loob. Umaga naman pero kapag pumasok ka dito ay talagang aakalain mong gabi na.

"Oh shit!" Napasigaw na lang ako ng may bumulaga sa aming lalaking puno ng dugo ang mukha pati ang barong na suot.

Kaagad kong tinakpan ang mga mata ko. Ipapatanggal ko talaga ang horror house na to sa loob ng campus kapag nahimatay ako.

Mas napapikit pa ako nang sumigaw pa iyong lalaki sa harap ni Pres. Ayaw pa kaming padaanin. Nagbibiro ba siya o seryoso?

Nakita ko ang paghalukipkip ni Pres sa harap ng zombie. Mukhang nainip na ang isang ito.

"Alis," Utos ni Pres.

Gusto kong pumalakpak ng hindi sinunod ng zombie ang utos ni Pres. Tangina, matapang!

"Umalis ka dyan dahil dadaan kami," Ulit ni Pres. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Para silang magkaaway sa teleserye na nag-aagawan ng asawa.

Aba't ang gung-gong binali bali pa ang leeg. Akala ba niya natatakot si Pres? Baka totoong baliin ni Pres ang leeg niya kapag nagkataon.

"Tsuu! Alis na kasi, dadaan lang kami, promise. Saka wala akong utak kaya hindi mo ako makakain," Saway ko sa zombie pero hindi talaga siya natinag.

Nagtago ako sa likod ni Pres nang nagtangka siyang humakbang papalapit sa'kin.  Sinabi na ngang walang akong utak eh. Kapag talaga ako ang nabanas ay magtatanim ako dito ng mga plants para patumbahin ang zombie na'to.

Hindi na nagawang humakbang pa ng zombie nang bigla siyang suntukin ni Pres sa mukha. Sapol na sapol! Oh, boy walang mintis!

Pinigilan ko ang sarili kong mapatalon sa sobrang gulat nang mahimatay ang zombie dahil sa ginawa ni Pres.

Damn. Mapapagalitan kaming dalawa nito ni Dean. Hayaan na, ayaw naman kasing papigil nitong zombie kaya matulog muna siya.

Sumunod ako kay Pres nang pinagpatuloy niya ang paglalakad. Maraming bungo tapos may mga buto pa sa daraanan namin. Sana dinala ko si Pogi dito, gustong-gusto pa naman non ng buto.

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon