Chapter 30

358 26 6
                                    

Hades Pov

"Hades,"nakatingin lang ako kay Athena. Ilang araw ko siyang hindi nakita at hindi ko man sabihin, inaamin kong miss ko na siya.

"I'm sorry,"dagdag niya. Nandito kami ngayon sa park kung saan kami madalas na nagkikita noon.

"Alam kong galit ka kaya ayos lang sa'kin kung sabihan mo ako ng masama." Nakayuko lang siya at nanatili ang distansiya sa pagitan naming dalawa, bagay na hindi namin nakasanayan.

"Natakot lang naman akong baka hindi ko na maranasang maging masaya kung hihiwalayan mo ako kapag nalaman mong gusto akong ipakasal ng lolo ko kay Dion." Nangako akong patuloy kitang mamahalin kahit na malaman ko na ang tungkol dito, hindi ko magawang isatinig iyon dahil gusto kong makinig sa boses niya.

"Naging sobrang selfish ko na ang tanging inisip ko na lang ay ang nararamdaman ko at hindi ang maaaring mararamdaman mo sa huli."napakagat labi siya.

Tama nga ang sinasabi nila, ang saya ay palaging may kapalit na sakit at ito na nga iyon.

Umihip ang malakas na hangin dahilan kong bakit gumulo ang buhok niya. Pinigilan ko ang kamay kong ayusin iyon at ipitin sa tenga niya gaya ng ginagawa ko palagi.

"Alam kong nasira ang pagkakaibigan niyo ni Nate pero wala siyang kasalanan, ako ang nag-utos sa kanyang huwag sabihin sa iyo dahil sigurado akong mawawalan ako ng pag-asang makasama ka." Nanatili akong tahimik kahit na gusto ko siyang patahanin at haplusin ang buhok niya.

"Pupunta na akong France bukas. Doon na ako mag-aaral at baka matagalan ako bago makabalik."napakuyom ang kamao ko. Talagang sa araw pa ng kaarawan ko, Athena?

"Kahit nasa malayo ako, hindi pa rin ako bibitaw sa pangako nating dalawa, patuloy pa rin kitang mamahalin." wala akong pinakitang kahit anong reaksiyon, tanging ang pagtitig lang ang nagawa ko sa kanya.

"Sa pag-alis ko, patuloy kong hihilingin na sana ay patuloy pa rin akong mahalin ng isang mahanging katulad mo."napatawa siya pero patuloy pa rin siyang umiiyak.

"Hindi ko ginustong ipagkasundo ako ng lolo ko kay Dion kaya pipilitin kong  pigilan na mangyari iyon." Ngumiti siya ng mapait.

"Kung hindi mo na kaya at gusto mo na lang kumawala sa akin, kahit masakit, handa akong pakawalan ka para magawa mong magmahal ng ibang mas higit pa sa akin. Magiging masaya akong titigan ka mula sa malayo kahit na ang dahilan ng kasiyahan mo ay hindi na ako." Nakangiting sabi niya. Paano mo nasasabi ang mga bagay na iyan kung ako mismo ay hindi kayang mawala ka sa akin?

"Gusto ko nang makapagpaalam sa'yo ngayon para mas madali nating  matanggap na baka hanggang dito na lang talaga." Gumaralgal ang boses niya.

Ayokong hanggang dito na lang tayo, Athena. Simula pa lang sinabi ko nang  kahit malaman ko pa ang tinatago mo, mamahalin pa rin kita.

Gusto ko munang mag-isip at hanapin ang sarili ko para pagdating ng araw ay mabawi kita. Pag-alis mo, hahayaan kong dalhin mo ang puso ko. Sisiguraduhin kong sa pag-uwi mo ay sa akin ang bagsak mo at hindi sa iba.

Pinanood ko kung paano niya kinuha ang promise ring sa daliri niya. Lumapit siya sa akin saka niya inilagay iyon sa palad ko.

Matunog na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago ako tignan sa huling pagkakataon.

"Ilagay mo iyan malapit sa orasang nasa gitna ng field. Kapag lumipas ang mga taon na hindi ko pa rin nakukuha iyan, ibig sabihin hahayaan na kita habang buhay." Sabi niya.

Humakbang siya paatras mula sa akin.

"Paalam, Hades." Huling mga salitang sinabi niya bago niya ako tinalikuran at tahakin ang daang salungat sa akin. Wala na palang mas sasakit pa sa nakikita kong paglayo ni Athena mula sa akin. Tinignan ko ang palad ko kung nasaan ang promise ring na ibinigay ko sa kanya.

Ayaw kong mawalan ng pag-asang dadating ang panahon na masusuot niya ulit ito.

Pinanood ko ang unti-unting pagkawala ng bulto ni Athena hanggang sa hindi ko na siya makita.

Hindi ako iiyak dahil hindi ka mawawala sa akin, Athena. Aalis ka lang pero kahit anong layo ng pupuntahan mo, hindi ko bibitawan ang kamay mo gaya ng hindi ko pagbitaw sa puso mo.

"Paano ako magiging masaya kung alam kong hindi naman kita kasama?" Alam kong wala na siya pero gusto kong sabihin ang nais kong marinig niya mula sa akin.

"Paano mo ako pakakawalan kung ako mismo ang ayaw kumawala mula sa iyo?"dagdag ko pa habang ramdam ang hanging ginawa kong simbolo para kay Athena.

"Alam kong ayaw mong bumitaw kaya hindi ko rin gagawin iyon." Mukha na akong baliw pero pinagpatuloy ko ang pakikipag-usap sa hangin.

"Hahayaan kitang lumayo sa akin para magkaroon ako ng sapat na oras para ipaglaban ang relasyon nating dalawa. Ayoko nang masaktan ka pa kaya ako na lang ang aako sa lahat ng sakit habang nasa malayo ka. Ako ang pipigil sa gusto ng lolo mo para hindi ka na mapagod." Itinago ko ang singsing sa bulsa ko. Ayaw ko tong itapon dahil alam kong maisusuot pa to ni Athena kapag bumalik na siya.

"Hindi ka na niya maririnig, Hades."napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Dean.

Umupo siya sa bench sa gilid ko. Bumuntong-hininga siya.

"Alam mo ba kung bakit hindi ko ninais mag-asawa?"tanong niya.

"Hindi, Dean."sagot ko.

"Iyon ay dahil itinuring ko na kayong mga anak ko, bakit ko pa nanaising mag-asawa kung may ilang libong anak naman ako dito sa loob ng campus?"hindi ko alam kung ano ang gustong sabihin ni Dean pero pinili ko pa ring makinig.

"Alam ko sa sarili kong dito ako naging masaya kaya gusto ko ring mahanap niyo ni Athena ang tunay niyong kaligayahan."tinignan niya ako.

"Unang punta niyo dito ng una ko kayong makita. Nasa labas palang kayo ng gate ng University na to, kitang-kita ko na kung paano ka tignan ni Athena."kumunot ang noo ko sa sinabi ni Dean.

Umupo ako sa bench at tinabihan siya.

"Alam mo bang minahal ka na ni Athena bago ka pa umamin sa kanyang mahal mo siya?" Dumeritso ang tingin ko sa papalubog na araw.

"Isang araw, tinanong ko siya kung bakit sa tagal nang nanliligaw ni Dion sa kanya ay bakit hindi niya pa rin magawang sagutin si Dion, alam mo ba kung anong naging sagot niya sa akin?"umiling ako sa tanong ni Dean.

"I'm in love with someone else."napangiti si Dean sa sariling sagot.

"Kahit hindi niya sinabi kung sino ang lalaking iyon ay alam kong isang Madrigal ang mahal niya."napangiti ako sa sinabi ni Dean.

Damn, Athena, bakit mo ako ginaganito?

"Sa tuwing ikinukwento niyang nahuli niya na naman kayong magkakaibigan, oo nakikita kong naiinis siya pero hindi niya maitatago sa akin ang pagkislap ng mata niya sa tuwing pangalan mo na ang binabanggit niya." Yumuko ako, tangina, umiiyak na naman ako.

"Malapit kayong dalawa sa puso ko kaya kahit ano pang mangyari tutulungan ko kayong makasama ang isa't isa." Ang swerte namin dahil nagkaroon kami ng pangalawang nanay sa katauhan ni Dean.

"Tama ang desisyon mong huwag siyang pigilan sa pag-alis. Mas mabuting nasa malayo siya upang mas makagalaw ka ng mabuti at hindi kaagad sila makakasal ni Dion."sabi niya.

Tama, iyon nga ang dahilan kung bakit ayaw kong magsalita sa harap ni Athena kanina, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong magmakaawang huwag na lang siyang umalis.

Hindi ko sasayangin ang araw na magkalayo tayong dalawa, Athena. Hanggang sa muli nating pagkikita.

********

AUTHOR

Sorry kung medyo boring na ang story ko but I'll assure all of you na magiging masaya tayo after some days 😁 Enjoy reading,❤️ Thank you for following me here in wattpad mga anak.❤️

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon