Chapter 6

644 54 1
                                    

Chapter 6

"Sigurado ka bang dito talaga y-yon?" Ano ba tong si Nate hindi lang makapal ang mukha niya, ulyanin rin. Sinabing oo nga eh!

"O-oo dito na nga yon." Nakita ko pa ang pasimpleng  pagpunas ni Greg sa pawis niya. Ang kati niya kasi eh ayan tuloy papasok kami sa abandonadong building na to.

Bakit ba dito napiling makipag-usap nina Gina? May saltik ba siya? Baka namana niya yon sa nanay niya. Kung sabagay like mother like daughter nga pala ang tandem nila kaya madaling makipaghawaan nang sira sa ulo.

Akala ko ba mayaman sila? Hindi ba totoo yon? Scam lang ba yon? Baka naman leader sila ng budol-budol gang at kami ang next target nila?

Napailing-iling na lang ako. Hindi pwede, bibili pa ako nang lollipop mamaya.

"Be sure that this is the right place. If your wrong, I will kick your ass for wasting my precious time, idiot!" Nanlaki ang mata ko. Kasama nga pala namin si Pres. Bakit ko naman yon nakalimutan?*pout*

Nakita ko ang pagsalikop ng dalawang palad ni Greg. Mukhang maaga ang akyat nito sa langit kapag nabanas si Pres.

"Y-yes I'm sure, Pres. Let's go?" Tinaasan lang siya ng kilay ni Pres, saka inirapan.

"Why should I? We're not even close, so stop making funny things around and move your ass now," Napakamot na lang sa batok si Greg.

Napanguso ako, wala talaga siyang pakialam sa akin este sa amin.

Sumandal siya sa kotse at sinalpakan ng earphones ang tenga niya. Hayaan na nga!

Pinaglihi nga yata siya ni Tita Aphro sa ampalaya.

"T-tara na," Sabay kaming pumasok sa loob, hmm ang tahimik naman dito.

"It's so quiet in here. Maybe there are zombies here that will popped out and will eat my yummy and delicious body," Napatingin silang tatlo sa akin. Bakit totoo naman ah?!Ang yummy ko kaya. Honest ako no!

Nakaabot na kami sa ikatatlong palapag pero wala paring bakas ng tao.

"Baka talaga mali ka, Greg," Naiinis na sabi ni Tyler. Umiling na lang si Greg.

"Nasan na ba sila?" Bakit ang atat nitong si Nate? Excited ba siyang makita si Gina? Baka naman may gusto siya sa babaeng yon?  Wala talagang taste ang isang to! Hindi katulad ko!

"Alis na lang tayo." Pagkasabi no'n ni Greg ay may nagsilabasang mga men in black. Nasa shooting ba kami?

Aba't hindi ko gustong maging artista. Baka lahat na lang ay magkagusto sa akin kapag na expose ang mukha kong ito sa TV na galing pa sa lahi ng mga Madrigal.

"Kanina pa kayo hinihintay nina Madam," Sabi no'ng isa. Sino naman to?

Anak ng malaking daga naman oh! Malalaki ang katawan nila katulad ng mga bouncer sa club.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Is he gay? May pahawak-hawak pa sa seksing muscle ko. *pout* Ang muscle ko!

Dinala nila kami sa isang lumang kwarto.

Pagpasok pa lang namin ay halos masuka ako sa amoy ng sigarilyo at alak. Hindi dahil sa maarte ako ha? Lollipop lang kasi sapat na para sa akin.

"OmyG! You're all here, my babes?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Gina. Should I say yuck?

Lumapit si Gina sa amin na halos wala ng telang suot. Nakita ko na naman ang labi niyang dalawang kilo ang timbang.

"Oh you're here hijo, sit down," Sabi nang Nanay ni Gina kay sumunod na rin kami. Dikit-dikit kaming umupo sa sofa.

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon