Chapter 13

522 55 2
                                    

Chapter 13

Mabilis akong naglakad papunta sa gate ng makita ko sina Mommy. Nakanguso pa rin ako hanggang ngayon. Sangkatutak na sermon kasi ang inabot ko sa kanila ni Daddy ng sabihin ko ang nangyari. Favorite kasi talaga nila si Pres. Pakiramdam ko nga si Pres ang anak nila at hindi ako.

"Bilisan mo dyan, Hades. Anong oras na, baka tulog na si Athena!" Sigaw ni Mommy. Kita mo 'tong si Mommy, kung makasigaw sa akin ay parang snail lang ako kung maglakad. Ang bilis ko kaya.

Napakamot na lang ako sa batok ko. Kung sigawan niya ako parang hindi niya ako anak. Ampon lang ba ako? Pero imposible..gwapo ako eh.

Alam kong namana ko ang mukhang 'to sa Mommy at Daddy ko. Hay, nababaliw na yata ako.

"Naku, Hades. Kung malapit ka lang sa akin ay kanina pa kita kinutusan. Mas mabilis pa sayong maglakad ang uod," Sabi ni Daddy.

"Talaga?Kaya bang talunin ng uod sa takbuhan ang cheetah? Bakit hindi ako na update Daddy?" Nakangusong tanong ko.

Ganoon na ba talaga ang nangyayari sa labas? Wala naman akong nababalitaang natalo ng uod ang cheetah eh? Baka niloloko ako nitong si Daddy? Hindi ko talaga alam kung bakit nagustuhan siya ni Mommy.

Masama akong tiningnan ni Daddy. Hawak-hawak niya si Pogi gamit kaliwang kamay niya. Napakunot ang noo ko nang makitang nakalabas ang pangil ni Pogi at masama ring nakatingin sa akin. Huwag siyang magkakamaling angasan ako dahil baka gawin ko siyang caldereta. Si Mommy naman ay napatampal na lang sa noo niya. Problemado siguro tong si Mommy dahil nadadagdagan ang pagiging magandang lalaki ko.

Nang makalapit ako sa kanila ay kinuha ko na kaagad sa kamay ni Daddy ang bagay na hinihiling ko.

"Sigurado po bang effective to?" Tanong ko habang sinisipat ang bagay na iyon.

"Promise anak, effective iyan. Hindi mo lang alam kung gaano kahirap ng pinagagawa mo sa amin kanina. Take note, muntik na kaming mahuli," Sagot ni Mommy at napangisi pa siya. Yabang talaga nito.

"Sure ka dito, Mommy ha? Kapag ito hindi effective naku, patay ka-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng pitikin ako ng mahina ni Mommy sa labi.

"Sinong patay, Hades? Subukan mo lang dahil kahit anak kita babalian kita ng buto," Sabi ni Mommy.

*Pout*

"I love you, Mommy. I love you Daddy. Thank you rito ha? hehe," Sabi ko.

"Basta mag-ingat ka habang inaabot mo sa kanya iyan. Baka mahuli ka," Sabi ni Daddy.

Kumunot ang noo ko. Ano ba tong pinagsasabi namin? Para kaming nagbebentahan dito ng droga. Flashdrive lang naman to eh.

"Hala, sige na Hades. Ayusin niyo ng daughter-in-law ko ang problema, huh? Paano kayo makakagawa ng apo ko kung nag-aaway kayo?" Dagdag pa ni Mommy.

Tinakpan ko ang bibig ko at umaaktong nasusuka dahil sa sinabi niya. Sobrang advance talaga nitong si Mommy kung mag-isip. Hindi na ako magugulat kung nakapagpagawa na siya ng bahay at playground para sa magiging anak at apo ko in the future.

"Huwag kang mag-inarte, Hades at baka mahampas kita. Naku naman anak, jowain mo na si Athena," Nagmamaktol na sabi ni Mommy.

Heto na naman tayo.

"Sige na Mommy. Umuwi na kayo. Ingat ha? Bye Daddy, bye Mommy," Sabi ko habang mabilis na tumakbo palayo. Kumaway-kaway pa ako sa kanila.

Ano bang nangyayari sa Mommy ko? Halos ingudngod na niya si Athena sa akin.

Mabilis akong nakarating sa dorm ko para magbihis. Kaagad kong binuksan ang pinto para makapaghanda na ako.

"Putangina!" Napasigaw ako sa sobrang gulat ng makita mismo sa harapan ng pinto sina Greg habang masamang nakatingin sa akin.

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon