Chapter 10

642 53 2
                                    

Chapter 10

"Poging Hades for SSG Vice President!" Sigaw ni Tyler. Nakataas noo ako habang naglalakad sa hallway. Tch! Ang rami kong supporters, may pa banderitas pa at may pa sound system ang kampanya ko ngayon. Nagchi- cheer pa ang buong cheering squad para sa akin.

Ang sarap pala sa felling no? Hayaan niyo, pagkapanalo ko rito, tatakbo naman ako bilang Presidente ng Pilipinas.

Pinasabog ni Greg ang confetti sa gilid ko hudyat para magsilabasan ang mga member ng dance club na naka-costume pa. Hanep! May mga bulaklak pa sa mga ulo nila kaya maganda silang tingnan. Napatalak ako dahil sa nangyayari. Ganito talaga kapag ako na isang gwapo ang magkakandidato. Nagsihawian ang mga estudyante para paraanin kami sa hallway.

Nang masiguro kong nasa gitna na ako, itinaas ko ang kanang kamay ko para patigilin ang mga supporters ko sa pag-iingay.

Kinuha ko ang microphone kay Greg na nagsisilbing assistant ko. Kinuha ko muna ang lollipop sa bibig ko na kanina ko pa subo-subo para makapagsalita nang maayos.

"Good morning, my beautiful and handsome schoolmates! Hades Madrigal is now in front of you, running for SSG Vice President!" Nagsipalakpakan ang mga nasa paligid. Tumango tango pa ako sa kanila na para bang naiintindihan ko kung bakit sila pumapalakpak.

"Iboboto kita, Hades!" Kinindatan ko ang babaeng sumigaw non and as usual, para siyang ginisang kamatis na may kasamang bawang at luya.

"Dude, sisimulan ko na ba?" Tumango ako kay Nate. Syempre may intermission number ako. Hindi ako magpapatalo sa mga dancers na to. 

"Nate, drop the beat!" Utos ko. Nagsimulang tumugtog ang kantang love shot. Ewan ko ba, ang sexy kasi nang sayaw na iyon, bagay sa hot at seksing ako. 

May back-up dancer ako, syempre, ano ako tanga? Si Greg, Nate at Tyler ay nasa likod ko. Moment ko to kaya ako ang nasa unahan.

Nagsimula akong sumayaw at as expected, naghiyawan ang mga fans ko. Pakiramdam ko tuloy para akong kamukha at kasinggaling ni Enrique Gil, ay mali, si Enrique Gil pala ang may kamukha at gumagaya sa akin. Ako ang original!

"Nananananananana," Kanta ko pa. Iyon lang naman ang kaya kong kantahin, hehe.

Maraming nagsipuntahan sa amin. Ginalingan ko pa ang pagsayaw. Nang nasa chorus na ay umikot ako saka binuksan ang butones ng long sleeves ko saka hinubad iyon. Damn! Ang eight pack abs ko ay ere-reveal ko na for the first time in forever. Kanta yon diba?hehe! Humarap ulit ako sa fans ko pero bakit walang palakpakan?

Nang sasayawin ko na sana ang chorus part ng kanta ay nagsihawian ang mga fans ko kaya nakita ko ang reyna ng mga leon na kahit anong oras ay kakainin na ako nang buhay.

Nakapameywang siya habang namumula sa galit ang mukha niya. Hawak-hawak pa niya ang ginagamit naming microphone. Napanguso ako, microphone ko yan eh!

Wala ni isa man ang nagsalita o gumalaw sa amin na pati hangin ay naririnig ko na.

"Bwesit ka talaga, Madrigal!!!" Takte mababasag yata ang eardrums ko dahil sa sigaw niya. Ang sakit sa tenga nang boses niya lalo na dahil ginamit pa niya ang microphone.

Lumapit siya sa akin habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. Napakurap-kurap na lang ako.

"Anong ginagawa niyo?" Nagka-campaign lang naman kami. Kita mo tong si Pres, sabi niya mangangampanya kami eh.

"Y-yow, P-pres! Nangangampanya kami hehe," Nabaling ang mala-agilang mata ni Pres kay Greg. Pusang gala na naman ito....

"Anong nangangampanya? Binulabog niyo lang naman ang mga klase. Tangina, hindi ito kampanya dahil ginawa niyo 'tong fiesta! Ulo mo talaga walang laman," Ang honest naman ni Pres! Wala naman talagang laman ang ulo ni Greg. Pfftt.....

Naglilipat-lipat ang tingin sa amin ng mga estudyante hindi pa rin umaalis.

"Anong tinatawa-tawa mo, Madrigal? Kung nababaliw kana, huwag ka namang manghawa.Kita mo tong mga mukhang to?" Tinuro niya ang mga nakapaligid sa amin na ngayon ay namutla.

"Malapit na lang ay ipapasok ko na sila sa mental hospital kung saan ka nanggaling!" Napanguso ako. Ang harsh niya talaga sa akin. Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko. Feeling ko ay naa-attract siya sa akin.

Tumaas ang kilay niya. Feel free siya kung gusto niyang hawakan.

"Sexy ko Pres, no?" Napatawa siya sa sinabi ko. Baka nagkakamali lang si Pres. Mukhang siya ang nanggaling sa mental. Sayang, ganda sana niya. Di bale siya ang magiging reyna ng mga baliw hehe.

"Saan ang sexy dyan? Para kang walking skeleton na nanggaling sa kabaong. Pwede na nga kitang ipalit sa buto ng aso ko dati. Buto't balat na yang katawan mo," Grabe naman siya kung mangutya. Ang sexy ko kaya, ang mga muscles ko kawawa naman, inaapi lang nitong masungit naming Pres.

"Umalis na kayo at pumasok na sa klase. Ngayon na!" Nagtitimpi pa siya ng galit. Sinamaan niya ng tingin ang mga estudyante.

Nagsiliparan este nagsitakbuhan ang mga estudyante papasok sa classroom nila na kasing bilis nang kidlat. Okay na sana eh. Ang lupit na nang entourage ko. Naman eh! Gusto kong maiyak, isusumbong ko siya sa Mommy ko. 

Kaso baka mag-away parents namin, mahirap na, baka ipakain ng Daddy niyang si Tito Zeus sa alaga niyang lion at tiger ang parents ko. Wala kaming laban kapag nagkataon dahil puppy lang meron kami samantalang sila ay mga king of  jungles. Galing rin kaya si Pres don kaya kung magalit siya parang mabangis na hayop?

"P-pres, p-pasok na rin kami," Sabi ko habang nakangiti. Yayayain ko pa sana sina Greg pero ang mga walang hiya, nauna pa talaga silang tumakbo kaysa sa akin. Aalis na rin sana ako nang pigilan niya ako. Takte! Ampupu naman oh!

"Bakit, Pres?" Tinuro niya ang mga basura at mga confetti na pinasabog namin kanina na nakakalat sa hallway.

"Linisin mo lahat yan, Madrigal. Baka ipakain ko lahat sayo yan," Umupo siya sa bench habang ako ay nag-umpisa nang maglinis at mamulot ng basura, mahirap na baka umabot na naman sa America ang tenga ko kapag piningot niya.

Hindi nga ako pinapadapuan ni Mommy at Daddy nang lamok at langaw tapos heto ako, nagmumukhang basurero! Hmmp!

Bakit ba niya ginagawa sa akin ang karumaldumal na krimen na to? Sasampahan ko talaga siya ng kaso. Napapadyak na lang ako nang may mapagtanto. Judge nga pala ang Lola niya. Tangina naman talaga.

"Ano 'yang itsura mo, Madrigal? Nagrereklamo ka ba? Kayo naman ang nagkalat nang mga iyan kaya linisin mo yan lahat," Nakahalukipkip siya. 

"Saka, magbihis ka nga. Kinikilabutan ako dahil pakiramdam ko nasa sementeryo ako dahil nagmumukhang kalansay ka na,"Humaba pa ang nguso ko dahil sa pangungutya niya sa katawan ko. Ang sama niya talaga! Pinaglihi talaga siya sa sama ng loob!

"Athena!" Napalingon ako sa tumawag kay Pres. Aba ang epal ng lokong to.

"Yes, Dion may kailangan ka ba?"Ginaya-gaya ko ang pagsasalita ni Athena ng mahina. Kung sa iba ang bait-bait samantalang sa akin kulang na lang ipakulam niya ako.

"Mamayang hapon ako mangangampanya. Gusto kong nandon ka," Ang lupet! Bakit pa niya isasama si Athena? Anong gagawin niya kay Athena? Gagawing Yaya?

"Okay. I'm okay with it," Nakangiting sagot ni Athena. Sinamaan ko nang tingin si Dion. Nagpapapansin ba siya?Hindi bagay sa kanya. Kalahi niya si Browny.

Aba ang pangit tumabi pa kay Athena! Sarap ingudngod nang nguso niya.

Sinipa ko ang basurahan. Naiinis talaga ako sa pagmumukha niya.

"Ano na naman ang problema mo, Madrigal?" Humarap ako kay Pres.

"Wala, Pres. Ang pangit kasi nitong basurahan," Nagkamot pa ako sa ulo ko. Tumaas lang ang kilay niya na para bang napakatanga ko dahil sa ginawa ko.

"Eh kung yang mukha mo ang sipain ko? Mas pangit ka pa kaysa sa basurahan!" Sigaw niya. Tita Aphro, ano bang pinakain niyo sa anak niyo? Hindi niyo ba siya pinainom nang purga noong bata pa? 

Naman eh, nababara talaga ako ng amazonang to. Sa susunod na kampanya ko sisiguraduhin kong magugustuhan na niya yon. Just wait and see.

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon