Chapter 32

351 20 0
                                    

Hades Pov

Patuloy kong pinanood ang paggalaw ng kamay ng orasang nakasabit sa puno dito sa gitna ng field. Napangiti ako ng maalalang nang tumunog ang orasang ito ng hatinggabi ay doon na nagsimulang makaramdam ako ng kakaiba para kay Athena.

Kinuha ko ang singsing na nasa bulsa ko. Hindi pa rin nawawala ang pag-asa kong babalik si Athena at maisusuot niya ang singsing na to ulit.

Mahinang buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ko ipinatong ang singsing sa gilid ng orasan. Kung pwedeng araw-araw ko itong puntahan para malaman ko kung kinuha na ni Athena ang singsing na ito rito ay gagawin ko.

"Hades,"napalingon ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses sa likuran ko.

"Nate,"sagot ko. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin sa pagkakatayo habang nakatitig rin sa orasan. 

Ilang minuto rin ang lumipas ng siya mismo ang bumasag sa katahimikan.

"I knew I made a mistake but I just gave Athena a chance to be with you. Sino ba ako para hindi siya pagbigyan kung ang maaaring resulta naman nang pagtatago at pagsisinungaling ko sa'yo ay kasiyahan niyong dalawa?" Ngumiti siya ng mapait habang nakatingin sa singsing na nasa gilid ng orasan.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa ginawa niya pero sigurado akong hindi ako galit sa kanya.

"Nang nangako kayo sa isa't isa ay isa ako sa mga taong naging masaya para sa inyong dalawa."dagdag pa niya.

Mukhang nag-mature na talaga ang kaibigan kong dati ay napaka-kapal ng mukha. Akala ko noon hindi na niya talaga gustong makipagkaibigan sa amin.

"I'm glad that you can bear the pain."sabi niya saka nilingon ako.

"Syempre, masasayang lang ang gwapo kong mukha kung hindi lang naman si Athena ang makakatuluyan ko."mayabang kong sagot ko.

Napangisi na lang siya gaya ng tipikal na ginagawa niya tuwing nagyayabang ako.

"Sorry dahil hindi ko sinabi sa'yo na pinsan ko si Dion."alam kong sinsero siya sa pagso-sorry sa akin. Minsan lang siyang mag-sorry pero sa tuwing ginagawa niya iyon ay alam kong totoo at walang halong biro.

"Wala na sa akin iyon, ang mahalaga sa akin ay ang mabago ang isip ni Sir Albert."sagot ko.

Hinarap niya ako.

"Isa pa iyon sa gusto kong sabihin sa'yo."sabi niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit?"tanong ko.

Matunog siyang napabuntong-hininga na para bang nag-iipon ng lakas ng loob.

"Na-realize ko na mas mahalaga ang pagkakaibigan natin kaysa sa inuutos ng pinsan ko kaya, sasabihin ko na sa iyo ang totoo."sabi niya.

Totoo? Mayroon pa ba akong hindi nalalaman?

"Anong gusto mong sabihin?"tanong ko.

"Hindi totoong si Dion ang nagligtas kay Athena ilang taon na ang nakakalipas."sabi niya.

Bigla akong nabuhayan ng loob ng marinig ko ang sinabi niya. Ang bang ibig sabihin non ay nagsisinungaling lang si Dion? At maaaring ipatigil ni Sir Albert ang kasal dahil hindi naman si Dion ang nagligtas kay Athena.

"Paano mo nalaman?"tanong ko. Inilagay niya ang kamay niya sa bulsa niya.

"Ang jacket na iyon ay kinuha niya lang sa akin para mas maniwala si Sir Albert na siya ang batang lalaking nagligtas kay Pres."sabi niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso. Gusto kong mas maintindihan at maging malinaw ang sinasabi niya sa akin.

"Pwes, alam mo kung sino ang batang lalaking iyon? Huwag mong sabihin na ikaw iyon."sabi ko. Napatawa siya ng mahina.

"Lahat ng nasa batch natin ay mayroong jacket na kapareho non pero isa lang ang batang may bitbit na bag, may asul na sapatos at berdeng banner sa atin noong foundation day. At hindi ako iyon."sagot niya.

"Pwede bang diretsuhin mo na lang ang gustong mong sabihin? Sino ba talaga ang batang iyon?"tanong ko.

Ngumisi siya saka hinawakan ang pisnge ko. Nababakla ba to?

"Ang batang lalaking iyon ay ang pinakamahanging tao sa buong school nating ito." Bigla akong kinabahan. Ibig sabihin nag-aaral din dito ang lalaking iyon?

"Ikaw iyon, Hades."dagdag  niya. Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanya.

"Natatandaan mo ba noong foundation day ay pinilit ka ng Mommy mong magdala ng bag na puno ng pagkain at pinahawak ka ng teacher natin ng green na banner para mag-cheer sa section natin?"napakurap ako. Talagang ako ba iyon?

"Sa camera ng Mommy mo may litrato tayong apat nina Greg ng araw na iyon, bakit hindi mo hanapin ang camerang iyon at ipakita kay Sir Albert?"napamaang ako.Ganito na ba ka talino si Nate?

"Sandali, ako ba talaga iyon?"tanong ko. Natataranta ako, hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o ano.

"Gwapo ka lang talaga, Bro pero napakaulyanin mo."sabi niya. Sa sobrang saya ko ay niyakap ko siya, alam kong nakakabakla pero masaya lang talaga akong ako pala ang batang iyon.

"Nakakadiri ka talaga, Bro. Hanapin mo na iyong camera, sasamahan kitang pumunta sa mansion nina Pres."sabi niya.

Hindi na ako nag-abala pang magsayang ng oras, tinakbo ko na ang field papunta sa dorm ko kung nasaan ang camerang tinutukoy ni Nate.

Wala akong pakialam kung madapa ako at magasgasan ang mukha ko, ang importante ay masiguro kong ako talaga ang dapat na pakasalan ni Athena.

Nang makapasok ako sa dorm ko ay hinagilap ko kaagad ang bag ko kung nasaan ang camera. Nanginginig ang kamay ko para akong naka-jackpot sa lotto.

Huminga ako ng malalim bago ko inisa-isa ang mga litratong nilalaman ng camera.

Nasaan na ba iyon? Ilang ulit pang nahulog ang camera dahil sa panginginig ng kamay ko.

Marami nang litrato ang tinignan ko pero wala pa rin.

Paano kung hindi nga ako iyon? Paano kung mali si Nate?

Susuko na sana ako ng makita ko ang isang litratong kauna-unahang nakuha ng camerang ito.

Nanlaki ang mata ko, ito na ang sinasabing litrato ni Nate. Litrato nga talaga namin ito nina Greg. Makikita sa litrato ang batang ako habang magkakatabi kaming nakatayo nina Nate, Greg at Tyler.

Hindi ko pinansin kung anong itsura ko noon, una kong tinignan ang sapatos na suot ko at ang nga bagay na hawak ko.

Napaawang ang bibig ko, tangina ako nga, ako nga ang batang nagligtas kay Athena.

Bigla kong naalala ang nangyari noong foundation day. Si Athena kaya ang batang iyon?S-si Athena? Si Athena iyong batang nakabusangot at maraming icing ng cake sa mukha na kinaladkad ko papunta sa gilid ng kalsada dahil muntik ng mabundol ng truck? 

Napatayo ako. Gusto kong kutusan ang sarili ko. Bakit hindi ko iyon naalala kaagad? Ibig sabihin ako ang papakasalan ni Athena dahil ako ang nagligtas sa kanya at hindi si Dion, mas mapapatunayan ko pa iyon dahil sa ebidensiyang hawak ko.

Buo na ang loob kong harapin ulit si Sir Albert. Sa pagkikita namin ay sisiguraduhin kong ako na ang panalo.

******

AUTHOR:

Shemmaayy..😁😁Enjoy reading mga anak.

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon