Chapter 4
"Mommy!!! Si Sadako papatayin niya ako!!!" Parang maiihi na ako sa pantalon ko. Mabilis akong umakyat ng hagdan. Wala akong pakialam kung magmukha akong unggoy dito, ang importante ay mabuhay pa ako.
"Mommy!!! Tulong!!!!" Natataranta na ako.
"D-dude bilisan mo m-malapit na si Pres.," Sana ako na lang ang unang umakyat. Dahil sa sobrang pagmamadali ay nadulas ang isa kong paa kaya muntik na akong mahulog, mabuti na lang ay nakakapit agad ako.
"D-dude ang lapit na ni Pres., Bilis!!" Lintek na mga kaibigan 'to! Mas lalo akong kinakabahan. Halos mamatay ako ng may maramdaman akong humawak sa paa ko. I'm dead.
Napa sign of the cross ako kaagad. Lord, help me! Nanginginig ang tuhod ko at hindi na ako makaalis.
"B-bitawan mo ako, P-pres!" Napatingin ako sa baba kung nasaan nandoon siya. Wala akong nakikitang emosyon sa mga magagandang mata niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa paa ko kaya kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi pa rin siya bumibitaw.
"Hindi kita bibitawan hanggang hindi ka bumababa diyan!" Sigaw niya.
"Pres, baka mahulog ako dito. Sasaluhin mo ba ako?" Tanong ko para sana i-distract siya pero tumaas lang ang kaliwang kilay niya.
"Hindi kita sasaluhin dahil dudurugin kita!" Sagot niya.
Napakagat labi na lang ako. Delikado ang babaeng 'to dahil pakiramdam ko ay nanggaling siya sa jungle.
"Magpapakabait na ako, Lord! Basta iligtas niyo lang ako," Sabi ko. Kunti na lang talaga ay maiihi na ako. Naghihintay na sa itaas ang mga kaibigan ko at kailangang umabot kami sa tamang oras. Hindi ako tumigil sa kakapumiglas mula sa pagkakahawak ni Pres.
Halos sumigaw ako sa saya ng mabitawan niya ako. Maluwag kasi ang sapatos ko kaya nahubad iyon at doon sumama ang kamay ni Pres.
Nang makapunta na ako sa itaas ay kaagad kaming tumalon. Kahit na ang taas at pwedeng ikamatay namin ay talagang kinaya namin dahil papatayin rin naman kami ni Pres. kapag nahuli niya kami kaya wala nang pinagkaiba ang sasapitin namin. Tumakbo kami papunta sa naghihintay na kotse.
"B-buksan mo, Bro!" Utos ni Nate. Nanginginig ang kamay ni Greg habang nakahawak na sa pintuan ng sasakyan.
"Bakit wala si Manong? Nasaan si Manong?" Tanong ko. Napatalon na si Tyler dahil sa takot. Bakit ngayon pa nawala si Manong? Wala na kaming oras para pumuntang radio station at manawagan kung nasaan siya.
Kumunot ang noo ko nang makitang sumasayaw-sayaw si Tyler. Nakulam ba 'to?
"Bakit ka sumasayaw? Wala namang music ah?" Tanong ko. Napakurap ako nang tumalon-talon pa siya at iginiling-giling ang beywang niya.
"Para na akong maiihi, pinipigilan ko lang," Nakangiwing sabi niya. Ganoon pala kapag pipigilan mo ang ihi mo? Sasayaw-sayaw ka?
"Nandiyan na si Pres," Mahinang sabi ni Nate.
Napalingon ako sa likuran namin at nakita kong nakatalon na nga si Athena mula sa itaas nang pader.
Woah! Baka ampon lang talaga siya nina Tita Aphro? Baka talaga anak siya ni Jackie Chan. Pinagtaksilan kaya ni Tita Aphro si Tito Zeus at may relasyon silang tinatago ni Jackie Chan? At posibleng anak nila ay si Athena? At namana ni Athena ang mga moves na iyon sa Tatay niyang si Jackie Chan? Omygulay! Kailangang isumbong ko 'to kay Tito Zeus! Kailangan na niyang malaman ang totoo.
"Where are you going?" Napatayo kami ng tuwid nang makalapit na si Pres. sa amin.
"A-ahh! T-to a far a-away land! Where you can f-find Alice and the Wonderland! hehe," Pumalakpak pa si Greg ng sabihin niya 'yon kay Pres. Bagot lang na tiningnan ni Pres si Greg na ngayon ay kumakamot na nang batok. Hindi nakakatawa! Parang tanga.
"Is that so? I think you'll prefer if I bury you six meter under the ground. Maybe you can find Alice there?" Pagkasabi no'n ni Athena ay biglang kumulog at kumidlat ng malakas na siyang mas lalo kong ikinatakot. Sinusundo na ba kami ni kamatayan? A-at si Athena ang G-grim reaper?
"B-babalik din naman kami k-kaagad Pres.," Nakangiting sabi ko kahit na nanginginig ang labi ko.
"Go back. We will have a punishment if the Dean will caught us here," Sabi niya. Alam kong siya ang mabibigyan ng mas mahirap na parusa kapag nahuli kami kaya may naisip ako.
"If you won't let us, we will tell Dean about all of this shits and you'll not be excepted," Napaharap siya sa akin saka kumunot ang noo niya. Napaatras na lang ako at ramdam ko ang pagyakap nina Tyler sa braso ko. Bakla ang mga pucha!
Napanguso naman ako ng makitang hawak pa rin ni Pres ang sapatos ko. Hindi naman siguro mabaho 'yon diba? Pilit kong inalala kung gumamit ba ako nang foot powder.
"You think I'm scared?" Nakangising sabi niya saka tumalikod. Akmang aalis na siya ng ginawa ko ang bagay na naisip ko.
Wala na akong choice kung hindi gawin ito. Mabilis ko siyang hinula saka sinampay sa balikat ko. Pakiramdam ko para akong si Hulk.
Binuhat ko siya na parang sako. Pinaghahampas niya ako sa likod gamit ang kamay niya. Napaliyad ako dahil sa sakit no'n. Para akong hinampas ng maso ni Thor.
"Buksan mo na ang kotse, Greg!" Sigaw ko na kaagad naman niyang sinunod.
Mabilis na binuksan ni Greg ang kotse at nang pumasok si Nate ay ipinasok ko rin si Athena na ngayon ay pinagsisipa na ako. Para siyang kiti-kiti sa tubig.
"Tara na!" Walang nagawa si Athena nang umupo na ako sa tabi niya at inilock ang kotse. Kino-corner namin si Athena para hindi makalabas. Takte! Patay kami kapag nagsumbong siya.
"T-teka, paano si Manong?" Tanong ni Greg. Oo nga nakalimutan namin siya.
"Balikan na lang natin mamaya!" Sagot ni Tyler. Nanginginig ang kamay ni Greg kaya nagkanda hulog-hulog pa ang susi ng kotse at hindi niya pa 'yon mapulot. Ay tanga!
Gusto ko siyang kutusan at kalbuhin! Siya ang may kasalanan nito eh! Nagmumukha na akong amang problemado sa anak niyang asungot.
"Umalis ka dyan!" Singhal ni Tyler. Nagpalit sila ng pwesto kaya si Tyler ang magmamaneho.
"Pabalikin niyo ako kung hindi sisipain ko kayo palabas!" Nanggagalaiti si Pres. sa galit. Pinaghahampas niya kami.
Napapabaluktot nalang si Nate habang ako ay tumalikod na lang sa kanya, baka madamay pa ang mukha ko sa hampas na pinapakawalan niya.
Kung hindi niya kami sinundan edi wala sanang problema.
"S-sorry Pres, talagang gipit lang kami," Sabi ni Greg. Mabilis na pinaharurot ni Tyler ang sasakyan. Halos magkanda bunggo-bunggo ang ulo namin dahil sa mabatong nadadaanan namin. Putangina nitong si Tyler, mukhang hindi lang sira sa mukha ang aabutin ko sa ginagawa niya, mukhang mako-comatose ako. Pucha ang sakit nang ulo ko.
Tinago ko ang mukha ko dahil baka masugatan, you know.
"Mga bata, hintayin niyo ako!" Nakita ko pa si Manong na humahabol sa amin. Sorry talaga, Manong.
Bahala na!
Dalawang oras pa bago kami makarating do'n kaya matagal naming makakasama si Athena sa loob ng kotse.
Napatingin ako kay Pres. na nakadekwatrong nakaupo saka naka cross arms pa. Nakasimangot siya habang tahimik lang siyang nakatingin ng diretso sa daan.
Nakasuot pa kami ng school uniforms pero hindi ako nag-aalala dahil gwapo pa rin ako.
Bakit ko ba siya tinitingnan?
Halos mamula at kabahan ako ng magtama ang mata namin sa salamin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya saka ibinaling ang atensiyon sa gilid nang sasakyan.
Kinuskos ko ang bintana ng sasakyan kahit na wala naman iyong dumi para makaiwas sa nagbabagang tingin ni Athena.
Sana matapos ang araw na to ng walang nabubugbog sa aming apat. May this day be success.
BINABASA MO ANG
In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~
RandomAthena is her name. Ang presidente naming pinaglihi sa sama ng loob. Napakasungit na tila ba may galit siya sa mundo. Siya ang huling babaeng naiisip ko na magugustuhan ko sa buong buhay ko. Makakaya ko kaya siyang magustuhan kung kami ang the best...