Chapter 7
Nakaupo ulit kami sa sofa. Nasa gitna namin si Pres habang nakadekwatro at pa chill-chill lang na nakikipagtitigan sa mag-inang chaka.
Walang nagsasalita, para na akong napakagwapong baliw na nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanila.
"I'm not expecting to see you here, bitch," Naway patnubayan niyo po si Gina paakyat ng impyerno.
How dare her to call my Pres. a bitch?
Nanlaki ang mata ko. A-ano? M-my Pres? Kailan naman naging akin si Pres? A-ang ibig kong sabihin, 'our Pres.' Hindi ba pwedeng magkamali? Gumising ka nga, Hades!
"Oh, should I say thank you for that wonderful compliment?" Takte! Ako ang kinakabahan.
"Athena, stop this nonsense! Is it true that the guy beside you is your boyfriend?" Mabilis pa sa kidlat na napalingon sa akin si Athena.
Iniwas ko ang tingin ko. Pakiramdam ko sesentensiyahan ako ng habang buhay na pagkakabugbog.
"Ako? Girlfriend niya? Hahahaha!" Umalingawngaw ang tawa ni Athena. Ang sama niya talaga, gwapo kaya ako
"Bakit mo pa tinatanong Tanda? Hindi ba obvious? Kung sabagay, malabo na pala mga mata mo. Maganda ako, plus, gwapo siya, equals, bagay kami. Ganoon lang ka simple," My heart skipped a beat because of what she said. Is she really Athena? Nasapian kaya 'to no'ng nasa baba pa siya? O baka naman may lagnat siyang umabot nang 45°?
I felt my heart got bigger inside my chest right now. Napapa-english talaga ako kapag nasa ganitong sitwasyon, pasensiya na.
"My daughter is way better than you. I will give whatever she wants," Ay ang kapal! Mas makapal pa ang mukha niya sa encyclopedia ni Daddy sa bahay. *pout*
Lumaban ka Pres, kami nga binubugbog mo lang, sila pa kayang mga patpatin lang? Kanina nagpustahan kami, pero lahat kami ay team Pres kaya nagpalitan na lang kami ng pera hehe!
"How could you say that she's better than me? We all knew that I was born like this, without any single drop of silicon in my gorgeous body," Hindi lang pala ako ang mahangin, pati rin pala si Pres. Yehey!!
"Hindi kayo bagay! Sa akin lang sila!" Tanginang Gina na to! Hindi ko siya type no!
"Ayo-" Magsasalita sana ako nang patahimikin ako ni pres. Kaya ayan tuloy para akong batang pinagalitan ng machine gun na bibig ng nanay niya.*pout*
Ang tatlong loko naman ay kulang na lang ay kumain ng pop corn, mukha silang nanood ng teleserye. Tch! Buti na lang gwapo ako! Kinuha ko ang lollipop sa bulsa ko at ipinasok sa bibig ko.
"Ganyan ka na ba ka gutom, Gina? Inaangkin mo ang hindi sayo? I really felt sorry for you. Do you see this blue eyed man beside me?" Tinuro ako ni Pres. B-bakit? Ilang beses akong napakurap dahil sa takot. Babalatan niya na ba ako ng buhay?
"He is my boyfriend and he's mine, only mine," Dugtong pa ni Pres. Para bang nag slow motion yong paligid ng sabihin niya iyon. Nakita ko pa ang paglaglag ng mga panga ng tropa ko. Hindi lang pala pamatay ang kamao niya, pamatay din ang mga banat niyang pati yata kambing kikiligin.
Kinurot ako ni Nate, pero parang manhid ang katawan ko at walang maramdaman. Hindi, hindi pwede...
"Break up with him!" Kung hindi lang matanda to, tinapon ko na to diretso sementeryo.
"I won't do it. Hindi ko nga sinusunod lolo ko, ikaw pa kaya, duh? For your information, his name was Hades while I'm Athena. He's a God and I'm a Goddess that's why were destined," Fan na talaga ako ni Pres. Pinaglihi kaya siya ni Tita Aphro kay Hulk?
"Do you think natatakot pa ako sayo? Hindi na," Sabi ni Gina. Mag-ina nga to!
"Akala mo ba Athena nakalimutan ko ang pinangga gawa mo sa anak ko?" Pinagtutulungan na nila si pres na parang walang pakialam na hinihipan lang ang kuko niya.
"Akala ko nga limot niyo na eh, gusto niyo bang ipaalala ko sa inyo? No'ng kindergarten, hinampas kita ng libro, diba comatose ka ng dalawang linggo? No'ng grade six sinapak kita ng isang beses, diba comatose ka ng dalawang buwan? Ngayon, gusto mo bang sipain kita sa mukha mong kahit silicon ay hindi umepekto at habang buhay ka nang hindi magising?" G-ginawa niya yon? Nakita ko ang paglunok ni Gina.
"I will kill you!" Pinigilan ni Tanda si Gina na akmang susugudin si Athena. Buti na lang dahil baka bumaha ng silicon dito.
"I'm always waiting for that but I'm disappointed that it didn't happened. But I'm warning you, you can't beat me but I can beat you endlessly if you want. What do you think? Its a good idea right?" Para kaming mga pipi na nakatingin lang kay Pres. She's not that bad at all, now I realize.
"Let's end this shitty conversation," Tumayo na si Pres. saka tumalikod na. Susunod na sana kami ng nakita ko ang baston ni Tanda na papunta sa direksiyon ng nakatalikod na si Athena.
I didn't know that I could do this unbelievable thing.
Napaliyad ako ng tumama ang bakal na baston ni Tanda sa likod ko. Tangina ang sakit! Bakit naman kasi sinalo ko pa?
Lumingon sa akin sina Pres. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya pero nawala iyon kaagad.
"Gina, do you know what's nose job?" Nakangiting tanong ni Athena.
"If you don't, then here it is," Umikot si Pres. at biglang binigyan ng malupit at masakit na high kick si Gina sa ilong.
Aww! Sigurado akong nakakamatay yon.
Napatulala si Gina at biglang may tumulong dugo sa ilong niya. At ayon tuloy rest in peace sa kanya.
"What did you do, Brat?" Galit na galit si Tanda. Her daughter deserves it.
"I served her right!" Galit na rin si Pres.
"I will pull out all of my investments! Your company will be in trouble!" Hindi pwede, patay kaming lahat!
"C'mon Rita! Your company is in the falling state. You need their company more than they need yours. Hindi mo pwedeng i-pull out ang investment mo dahil ang kompanya mo ang babagsak," Natameme si Tanda.
"You just blackmailed these brainless men," Napaawang ang labi ko. Grabe talaga tong si Pres kanina may pa 'he's mine' pa siya tapos ngayon brainless na.
"Let's go," Sumunod na kaming lahat.
Lahat ng mga tauhan ni Tanda ay pinapanood lang kami. Sarap pa lang feeling na parang boss ka no? Hehe....
Tahimik lang kami hanggang makarating sa school.
Napatingin ako sa palayong bulto ni Athena. Nauna siyang umalis ng wala man lang sinasabi.
How can I thank her?
I can't supressed my smile. She did saved us, she saved me.
Why do my heart flutters by just thinking that she was worried on us?
I should thank her for defending us. She's not that bad at all.Thank you Miss President, thank you Athena. I really do.
BINABASA MO ANG
In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~
RandomAthena is her name. Ang presidente naming pinaglihi sa sama ng loob. Napakasungit na tila ba may galit siya sa mundo. Siya ang huling babaeng naiisip ko na magugustuhan ko sa buong buhay ko. Makakaya ko kaya siyang magustuhan kung kami ang the best...