Chapter 11

544 53 3
                                    

Chapter 11

"One Vote, One Kiss!"sigaw nina Greg.

Napabuntong-hininga ako saka napatingin sa langit. Naku naman, bakit ba ipinanganak ang isang napakagwapong nilalang na katulad ko?

Napatingin ako sa nakatayong sina Greg, hawak-hawak nila ang placards na may nakasulat na 'Free Kiss'.

Hay, hindi ko alam na sobrang talino ko na pala para maisip ang paraan na ito para ako ang manalo.

"Hoy! Ayusin niyo naman ang pagkakahawak, hindi pantay oh!"sabi ko.

Paano makikita ng fans ko nang mabuti ang nga placards na iyan kung hindi pantay? Babatukan ko talaga silang tatlo mamaya.

"Hades! Baby!"

Napangisi ako ng makita ko ang mga fans at supporters ko na halos magkanda dapa-dapa na sa sobrang pagtakbo at pagmamadali para lang masilayan ang mukha kong kahit sino ay hindi makakapantay.

Ang hirap talagang maging gwapo.

"Hades, pati rin ba ikaw kasali dyan sa One Vote One Kiss? Makakatanggap ba ako ng free kiss mo?" Tanong ng isang supporter ko.

Napangiwi ako. Hindi ako kasali no!Virgin pa kaya tong lips ko, bawal pang tikman. Nanlaki ang mata ko ng may maalala. Hindi na pala to virgin, natikman na pala ni Pres. itong super yummy so delicious lips ko. Pfft!

"Hindi, hindi ako kasama pero nakikita mo ba iyang tatlong lalaking nakatayo dyan? Pwede mo silang halikan basta sa'kin ang loyalty mo," Sabi ko.

Inilagay ko sa bulsa ang kamay ko. Hindi talaga mapipigilan ang paglaganap ng kasamaan este kagwapuhan ko pala.

"Hades! Nangangalay na ako. Ayoko na," Sabi ni Greg.

Huwag siyang magkakamaling bitawan ang placard na iyan dahil ihahampas ko iyan sa mukha niya.

"Pumayag na kayo diba? Kaya tumayo ka dyan," Sagot ko.

Ang gung-gong talagang ito pinapa-stress ako. Kailangan kong mag relax dahil baka magka-pimples ako, mahirap na. Pero kahit may pimples ang isang tao, hindi ito dapat tawaging pangit. Lahat tayong ginawa ni G ay magaganda at gwapo, medyo lamang lang ako ng zero point five percent, joke. Sumusobra na talaga ang pagiging matalino ko.

"Hindi ko naman alam na ganito pala ka dami eh! Mabubura ang labi ko!" Sabi ni Tyler.

Bakit parang maiiyak sila? Mga taksil! Kanina hindi pa nga ako tapos magsalita pumayag na  kaagad sila tapos ngayon iiyak-iyak?

"Bakit parang maiiyak ka? Bibigyan ko naman kayo ng sahod ah!" Nakangusong sagot ko.

Bigla namang nagliwanag ang mukha nila. Kita mo tong nga baliw na ito, kanina iiyak-iyak tapos ngayon ay ngingiti-ngiti.

"Talaga, Hades? Baka niloloko mo lang kami ha? Ilang libo ba?" Tanong ni Nate.

Libo? Bakit libo?

"Anong pinagsasabi niyo?" Tanong ko.

"Ang sabi ko, ilang libo ba ang isasahod mo sa amin?" Tanong ni Nate.

Akala ba nila pera ang isasahod ko? Ayoko nga.

"Sinong nagsabing pera ang isasahod ko? Ayaw ko nga! Nag-iipon ako para sa future. Magpapagawa ako ng underground dahil baka magkaroon ng zombies at doon ako magtatago. Siguradong ako ang uunahin ng mga iyon dahil sa nakaka-agaw pansin kong mukha," Sagot ko.

Sabay na kumunot ang noo nila. Parang mga tanga talaga ang tatlong ito. Mabuti na lang at hindi ako nahawaan.

"Walang zombies, tanga at anong ibig mong sabihin? Ano naman ang isasahod mo sa'min?"  Tanong ni Greg.

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon