Chapter 12
"Aray, Pres. Ang sakit!" Reklamo ko. Takte talaga. Baka bigla na lang maputol ang tenga ko nito. Ang sadista talaga ng babaeng 'to.
Habang naglalakad ay pingot-pingot niya ang tenga ko. Pagkatapos niyang pagalitan ang lahat ng babaeng pumunta sa kampanya ko ay bigla na lang niya akong hinila papunta sa loob nitong bakanteng classroom.
"Aray, ang sakit na ng tenga ko, Pres." Sabi ko.
Binitawan na niya ang tenga ko at kaagad akong hinarap. *pout*
"Hindi ka pa rin ba natututo, Madrigal?" Tanong niya.
Ramdam ko ang galit niya habang sinasabi iyon. Naitago ko ang kamay ko sa likod ng maramdamang nanginginig ang mga iyon. Ano na naman ba ang maling ginawa ko?
"Sadyang ganyan ka lang ba talaga o baka ginagawa mo iyan dahil gusto mong mamatay ako sa sobrang inis at galit sa inyo?" Tanong niya.
Napakurap ako. Ano ba ako? Ano ang ginagawa at sinasadya kong gawin? Kahiy naman magkaaway kami, hindi ko naman gustong mawala siya. Ano na naman ba 'tong pinagsasabi ko?
Hindi ko magawang magsalita. Tanging ang pagtitig lang sa kanya ang nagawa ko. Hindi ko na naisip na gwapo ako.
"Punong-puno na talaga ako, Madrigal," Mahinang sabi niya.
Nagulat ako ng biglang gumaralgal ang boses niya. A-anong nangyayari sa kanya?
Napayuko siya at kitang-kita ko ang pagbagsak ng luha galing sa mga mata niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. May nagawa ba akong masama? Wala naman akong sinabing masakit sa kanya ah?
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko para magbago ka naman kahit papaano. Pagod na pagod na talaga ako," Kita ko kung paano niya pigilan ang sariling humikbi. Guilt filled me.
Anong dapat kong gawin? Aalis ba ako o mananatili ako rito?
Tinakpan niya ang mukha niya at kaagad na yumugyog ang balikat niya. Ilang beses ko nang nakitang umiiyak si Athena at mahirap mang amining kailanman ay hindi ko nagustuhan iyon.
Hindi ko alam kung anong unang igagalaw ko, ang mga paa ko ba para makalapit ako sa kanya o ang kamay ko para abutin siya?
Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi ang lapitan at yakapin siya.
Bakit ganoon? Hindi ko na magawang isipin ang ibang bagay? Wala na akong pakialam kong sapakin o balian niya ako dahil niyakap ko siya.
"Pagod na talaga ako. Ayoko na," Sabi niya sa gitna ng paghikbi sa dibdib ko.
Hinaplos ko ang buhok niya na parang sa ganoon ay mababawasan ko ang sakit o galit na nararamdaman niya. Kahit na hindi siya gumaganti ng yakap sa akin ay wala akong pakialam. Ramdam kong nabasa na ng luha niya ang uniform ko. Hindi sumagi ngayon sa isip ko na baka mabawasan ang porma ko dahil sa mga luha niya, mas nangingibabaw sa akin ang kagustuhang i-comfort siya.
Hindi ko maiwasang ma-guilty. Ganoon ba kasama ang nagawa ko para umiyak siya ng ganito?
Narinig ko ang pagsinghot niya bago siya kumalas sa yakap ko. Namumula ang ilong at pisnge niya dahil sa pag-iyak. Ang salaming suot niya ay basang basa.
"I'm tired. Please, don't make any nonsense thing even just in one day. Kahit na isang araw lang, bigyan niyo naman ako ng pahinga," Pabulong na sabi niya.
Ang mga mata niya ay nagmamakaawa at nagsusumamo.
"I'm sorry if I cried," Pinunasan niya ang luha niya gamit ang mga kamay niya.
I sighed. Lumapit ako sa kanya saka pinigil ang mga kamay niya sa pagpupunas sa pisnge niya. Natigilan siya saka itinaas ang tingin sa akin.
"What are you doing?" Ngumiti ako ng walang halong biro o kutya. Tinuyo ko ang luha niya gamit ang sarili kong mga kamay.
BINABASA MO ANG
In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~
RandomAthena is her name. Ang presidente naming pinaglihi sa sama ng loob. Napakasungit na tila ba may galit siya sa mundo. Siya ang huling babaeng naiisip ko na magugustuhan ko sa buong buhay ko. Makakaya ko kaya siyang magustuhan kung kami ang the best...