Cypress Academy. Public school pero daig pa ang private school sa ganda at laki nito.Isaang beses na akong napunta dito when I was 11 years old. Sinama ako ni Daddy dahil 'yung stepmom ko 'yung president ng school na 'to. 'Yung totoong Mom ko ay wala na hindi ko s'ya nakilala dahil sabi ni Dad namatay daw si Mom pagka panganak sa akin. Si Tita Mommy na 'yung kinalakihan kong ina 'yung kinakasama ngayon ni Dad.
Pero hindi pa sila nag papakasal. I don't know why? Tita Mommy is kind to me and I know she love my Dad. But I really don't know kung anong pumipigil kay Dad na magpakasal. Maybe he's still love my Mom kahit hindi ko nakilala si Mommy I know na mahal na mahal nila 'yung isa't isa.
Nung unang beses kong makatapak sa school na 'to sinabi ko kay Dad na dito ko gustong mag-aral. Pero hindi n'ya ako pinayagan because I'm still young that time. Cypress Academy is only for senior high school students. So he promised me na kapag nag grade 11 na 'ko dito sa school na'to n'ya ako pag aaralin. But in one condition... my course should be accountancy. So... dapat ang kukunin kong strand ay ABM. Accountancy, Business, and Management. Para ako na daw ang maging Accountant ng company namin paglaki ko.
Kaya simula pagkabata ko naka tatak na sa isip ko na ang kukunin kong course ay Accountancy.
But something bad happened.
My Dad died.
I was 14 years old that time. Kakauwi ko lang galing school no'ng tumawag si Tita Mommy na nabangga raw ang car ni Dad. Tinawagan ko agad 'yung driver namin para ihatid ako sa hospital. Tito ko may ari ng hospital kaya hindi ako nahirapan na makita 'yung room ni Daddy.
I saw Tita Mommy. She's crying. I hug her and asked what happened?
But she didn't respond to my question she still cry. I don't know what to do that time. My Dad. Gosh! What happened to my Dad?
I was about to open the door to look at my father when the Doctor came out.. my tito. And he said that my Dad wants to see me. 'Only me.'
Tumingin ako kay Tita Mommy and she's still crying, she nodded at me like she say "I'm okay. Go!"
When I opened the door. I was shocked and I didn't hold back my emotion. I cried so loud when I saw how hard the situation of my father is.
Sobrang dami n'yang pasa, galos, at namamaga pa 'yung muka n'ya. May benda nadin 'yung kaliwang binti ni Dad.
I cried and hug him. Iyak ako ng iyak at sinabi ko sa kanya na 'wag n'ya akong iwan. I don't know what to do kapag nawala si Dad sa buhay ko.
Tinaas ni Dad 'yung mga kamay n'ya para mayakap din ako. At may sinabi s'ya sakin na naging dahilan kung bakit kinamumuhihan ko silang lahat.
May binigay din s'ya saking picture. Isang babaeng maganda at sobrang amo ng mukha. May hawak s'yang baby at masayang-masaya 'to. Dad told me that she's my Mom, my real Mommy. Her name is Cecilla. He lied to me when he said that my Mom was died... sinabi lang raw niya 'yun para hindi na ako mag tanong about kay Mom. Iniwan kami ni Mom dahil niloko s'ya ni Dad pinag palit n'ya 'to kay Tita Mommy.
Sinabi ni dad na patawarin ko raw s'ya, I don't know what he say pero hindi ko na'yon inisip ang tanging gusto ko lang no'ng araw na 'yon ay mabuhay ang Daddy ko.
He also said na magpakatatag raw ako 'wag raw agad ako magtiwala sa kahit na sino. Even Uncle pogi his brother... silang lahat. Wala dapat akong pagkatiwalaan kundi ang sarili ko lang. Sinabi din n'ya na hanapin ko si mom at wala dapat akong pag sabihan nito.
He's about to say what happened to him, pero bigla nalang s'yang nanginig at tumirik ang mata. Tinawag kona din sila Tito Doc at Tita Mommy para humihingi ng tulong na pagalingin nila si dad. Pero huli na 'yung lahat iniwan n'ya na kami... iniwan n'ya na ako.
Bago s'ya tuluyang mamaalam 'yung mga mata ni Dad nakatingin kay Tita Mommy na parang sinasabing "Why?" Or "Sorry?" I don't know, pero ang alam ko galit ako sa kanilang lahat. Tumingin ako kay Tita Mommy and she still crying and hindi s'ya makatingin kay Dad. Hanggang sa tuluyan na s'yang bawian ng buhay.
At sa pag kawala ni Dad ay ang paglabas ng totoong kulay ni Tita Mommy.
Meron silang relasyon ni Uncle pogi at 5 months palang ang nakalipas nung namatay si dad nag pakasal na agad sila.
Sa bahay din namin sila naka tira si Tito Miguel, 'yung anak n'ya sa pagkabinata na hindi ko close dahil sobrang arte at si Tita Ven. I stop calling them Tita Mommy and Uncle pogi when they get married.
Sa akin din pinamana ni Dad lahat-lahat ng ari-arian n'ya pati 'yung company. Pero wala akong magawa dahil bata pa ako no'n. Kaya si Tito yung pumalit sa pwesto ni dad pero sabi naman ng abogado may karapatan na ako sa lahat kapag nag 18 na ako.
They still care about me. It just that I don't trust them anymore. Dahil tumatak sa'kin 'yung sinabi ni Dad na 'wala dapat akong pagkatiwalaan kundi ang sarili ko lang.'
____________________________________________________________________________
❥
BINABASA MO ANG
Cypress Academy
Teen FictionColyn Villarin. The woman who is not accustomed to socializing with others, but when she moved to Cypress Academy and she met the only Master in this school, everything has changed. Will the past ruin everything? "I will always choose you even at ti...