34. His other side

52 6 0
                                    

34.




"Masaya ba sa EK?"




Tanong ni, Ada. Hindi kasi s'ya nakasama dahil pag grade 12 nalang raw n'ya. Mukhang sa EK rin kasi next year.




"Oo sobra!" Masiglang sabi ni, Vic. Nandito kami ngayon sa garden dahil lunch break palang.




"Next month practice nalang tayo ng graduation, tapos sa April graduation na, grabe ang bilis! College na tayo agad-agad!" Pagdadaldal ni, Vic.




"Kaya nga, e! Hayst. Sobrang memorable ng high school ko dahil sa inyo," Sabi ko.




"Oh, prenny sa graduation na iyakan wala pa nga, e!" Tukso ni, Myline napailing nalang ako. But honestly mamimiss ko 'to. 'Yung atmosphere dito mamimiss ko.




Wala na namang nangyari sa mga susunod na linggo naging abala lang kami sa midterm at finals dahil minamadali na nga at lahat gusto ng mag bakasyon!




Usap-usapan na nga nung iba kung saan sila mag sa-summer. Ako, ewan ko pa kila Tito.




Running for Valedictorian raw ako sabi ni, ma'am. Nagulat ako ron dahil hindi ko 'yon in-expect. Sinabi nadin 'yung mga may honors at nakakatuwa dahil lahat naman kaming apat ay pasok.




Busy lahat ng mga teacher dahil sa pag cocompute ng mga grades at paghahanda sa graduation, next week na ang start ng practice namin, nakakamiss rin pala 'yung kanta sa graduation.




"Ang Tito Miguel mo ang sasama sa'yo sa stage." Sabi ni, tita Ven. Hindi pa gaanong kalaki 'yung tiyan ni, tita dahil mag aapat na buwan palang naman. Present nga pala si tita do'n kaya malamang nandun s'ya sa graduation day.




Tumango nalang ako at ngumiti hindi ko sinabi na ako 'yung Valedictorian, gusto ko sila ma-surprised.




Aakyat na dapat ako pero bigla akong tinawag ni, tita.




"Colyn?" Tawag n'ya saakin, napalingon naman ako at nag aantay ng sasabihin n'ya.




"Malapit na 'yung birthday mo, what's your plan?" Tita asked me. Oo nga pala birthday ko na sa May 25.




"Hmm, hindi ko po alam tita." I shrugged. Wala naman kasi talaga akong plano.




"After your graduation you can schedule your pictorial for your debut. I will hired a best event organizer and papupuntahin ko rito si Lady Yolly, one of the best stylist here in the Philippines. S'ya ang bahala sa gown mo." Paliwanag ni, tita. Mukhang mas excited pa s'ya saakin.




"Hmm, thank you po tita." Sabi ko bago pumuntang kuwarto. Mag susulat sana ako ngayon ng speech ko. Hindi ko naman alam kung paano ako mag sisimula.




Napabuntong hininga nalang ako at naisipan nalang matulog kesa gumawa ng speech, bahala na sa graduation, puwede namang impromptu.




Nag practice lang kami sa mga sumunod na linggo, madaming hindi umaattend dahil practice lang naman.




"Tara kain tayo sa karinderya ni, Aling Basing!" Aya ni, Vic. Lahat naman kami sumang-ayon dahil miss nadin namin ang pagkain kila Aling Basing.




"Excuse me ikaw ba ang panganay na anak ni, Billy?" Sabi nung babae kay, Levi. Napa kunot noo naman si, Levi na parang hindi alam kung ano 'yung tinutukoy no'ng babae.




"Si, Billy? Bilinda Franco." Dugtong nung babae, nagulat naman kami dahil 'yung mama ni, Levi pala 'yung tinutukoy n'ya.




"Bakit?" Walang emosyong sabi ni, Levi.




Cypress AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon