42. Final love

53 6 0
                                    

42.




"Tara na, tapusin na natin 'to!"




Sabi ni, Myline, tinapos lang namin 'yung opening sa coffee shop n'ya sa, Rizal. At sabay-sabay na kami umuwi.




Sabay-sabay na kaming pumunta sa school dahil sa reunion, naka slacks lang ako na white at tube black nag coat ako para hindi lamigin.




Dahil medyo malayo ang, Rizal, gabi na kami naka rating sa Cypress road.




Pagkarating namin ng school, nagulat kami ng lahat sila naka uniform.




"Oh? Bakit hindi kayo naka uniform? Hindi talaga kayo nag babasa sa gc. Minsan lang tayo magiging high school ulit, e, sulitin na natin!" Sabi ni, Kolleen.




Ngayon ko nalang ulit s'ya nakita, ang laki na ng pinag bago n'ya mas naging sexy s'ya at tumangkad. CPA nadin s'ya katulad ko.




"Colyn!" Napalingon ako sa tumawag saakin. Si, Kiara.




"Sumama ako sa reunion n'yo. Si, Ken parang walang pinagbago mukhang high school parin. Grabe! Hindi tumatanda, e!" Natatawang sabi ni, Kiara.




"Hoy! Bakit hindi kayo naka uniform? Madaya kayo!" Sabi ni, Ken. Pinag masdan ko naman s'ya sa suot n'ya. Bitin na sa kan'ya 'yung slacks n'ya. Tumangkad lang talaga s'ya pero ganun parin 'yung itsura n'ya, pogi parin.




"E'to, oh!" Binigyan kami ni, Myline ng uniform. Nagulat ako dahil may dala s'ya.




"Dinalhan namin kayo ni, Vic, alam naman namin na wala kayong mga messenger. Tara bihis na tayo." Sabi n'ya at pumunta ng cr.




Nagkatinginan pa kami ni, Levi at natawa bago pumuntang cr.




Pagtapos kong mag bihis, tinignan ko 'yung sarili ko sa salamin.




Sobrang iksi na ng uniform ko saakin. Hindi na ako kumportable na suotin 'to. Pero kahit gano'n masaya ako dahil feeling ko high school ulit kami.




Lumabas na ako ng cr at nakita kong nag iintay sa labas sila, Levi. Pinag tawanan ko pa s'ya dahil ang laki ng tinangkad n'ya!




"Grabe! Nasisira 'yung reputasyon ko dahil sa suot ko ngayon!" Natatawang sabi n'ya.




"Attorney, Franco, ampogi n'yo naman po." I tease him. Inakbayan lang n'ya ako at pumunta na kami sa table namin.




"Good evening, students!" Natatawang sabi ni principal Galvez. "Na-namiss n'yo bang maging estudyante?"




"Hindi naman masyado." Sigaw ni, Finella. Ngayon ko lang s'ya nakita, balita ko natupad na n'ya 'yung pangarap n'ya na makapag patayo ng cosmetic business.




I'm happy na onti-onti na naming natutupad lahat ng pangarap namin.




'Yung iba may mga pamilya na, 'yung iba naman fiancée. I'm so happy for all of us.




"Para mamiss n'yo pa lalo ang pagiging estudyante, here's the video clip way back 2019-2020" sabi ng principal.




Lumabas naman dun 'yung mga masasayang nangyari sa batch namin buong taon.




"Ohoy! Ganda ng kuya n'yo d'yan, oh!" Sabi ni, Vic.




Iyun 'yung araw ng foundation week, 'yung laro nila sa basketball. Napicturan rin pala kami ni, Levi na nasa wedding booth. At sila Myline rin na inis na inis kay, Vic dahil sa jail booth sila napunta.




Cypress AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon