17. In love

45 6 1
                                    

17.




Pupunta ngayon si, Levi. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan? Mag pra-practice lang naman kami diba?? Oo. Tama! Mag pra-practice lang! Whooo!




Maaga ako naligo at sinabi ko rin kay manang na pupunta dito si, Levi dahil mag pra-practice kami. Sa Monday na start ng foundation week! Sa Friday pa ang Mr. And Ms. 1pm, sa umaga ang awarding ng mga nanalo sa games coronation naman ng pageant sa hapon.




Ang alam ko puro booth lang kami sa Monday, then laro ng basketball sa Tuesday ang foundation week namin ay dinadayo ng ibang school sa basketball at volleyball game, naka gawian na 'yon dito. Sa hapon ang laro ng basketball hindi ko pa alam sinong kalaban, then sa umaaga volleyball. Wednesday ang game 2 at Thursday final game. Pressure para sa kanila 'to dahil champion ang Cypress Academy last year.




Tinext ko si, Levi na mag chat saakin or mag text if papunta na s'ya. Para makapag handa ako, wala naman akong natanggap na reply sa kan'ya, baka walang load.




Bumama ako para tulungan si, Manang sa kusina pero na malengke raw sabi ni ate, Neli. 'yung isa naming katulong sa bahay.




Gumawa nalang ako ng hot cake at nag timpla ng kape. Nakita ko naman si, Kiara na pababa, nag katinginan kami pero umiwas rin s'ya ng tingin.




Nag timpla rin s'ya ng kape, inalukan ko naman s'ya ng hot cake na ginawa ko.




"Thanks," she said with a half smile on her face. Wala namang nag salita saamin.




"Colyn," Kiara's broke the silent. Tinignan ko naman s'ya at iniintay ko kung anong sasabihin n'ya.




"I know, hindi kayo nag papansinan ni, Ken. He's trying his best to avoid you, para hindi na mas lumalim 'yung nararamdaman n'ya sa'yo." I didn't talk, I just listened.




"He choose to be with me, 'cause you didn't choose him," because I know, I am not the one for him. Pero hindi kona sinabi 'yon nakinig parin ako.




"Nasasaktan s'ya. I tried my best para saakin nalang mabaling 'yung attention n'ya huwag na sa'yo. Pero alam ko tuwing kasama n'ya ako, ikaw parin 'yung iniisip n'ya." I saw the pain on her face.




"Kiara," panimula ko napatingin naman s'ya saakin. "I know we're not closed back then, we have small fight before, even now. But I want you to know that you are enough, Ken, needs a person who will stay by his side. At alam ko ikaw 'yon. Ngayon ka pinaka kaylangan ni, Ken, huwag mo sana sukuan 'yung best friend ko."




"Pinipili mo naba talaga si, Levi? Sure kana ba sa kan'ya?" Bigla n'yang tanong. Hindi ko naman alam kung pano 'yun sasagutin.




"Uhm..."




"Just forget it, answer it when you are hundred percent sure sa feelings mo para sa kan'ya. Baka kasi akala mo you are in love with him na already but the truth is ayaw mo lang bumalik sa dati mong sitwasyon." She said it before leaving.




Napa buntong hininga naman ako do'n. Paano ko ba malalaman if hundred percent na akong in love sa kan'ya? Sabi sa Google na naisearch ko ako lang daw ang makakaalam kung in love na ako o hindi kusa ko raw 'yun mararamdaman.




"Ikaw talagang bata ka, oo. Kahit hindi ako ang nag bike hiningal parin ako," rinig ko boses ni, Manang. Napatingin naman ako sa kasama n'ya si, Levi pala.




Natigilan naman ako ng ilang minuto roon at tinitigan ko s'ya. Naka plain white shirt lang s'ya at iconic short pero sobrang lakas na ng dating n'ya!




Cypress AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon