33. Tour

48 6 0
                                    

33.




"Hope all, may ka-date ngayong Valentine's!"




Sabi ni, Ada. Naiingit s'ya kasi wala raw s'yang ka date kaya sinama nalang namin s'ya sa double date namin nila, Myline. Wala namang kaso saamin 'yon kakain lang naman kami kaya isinama nanamin s'ya.




Wala nanamang ganap sa mga susunod na linggo, kakatapos lang rin ng preliminary exam namin kaya new lesson nanaman para sa midterm.




"Class I have announcement before I'll dismiss." Panimuala ni ma'am. Nakuha naman ni, ma'am Lor 'yung attention naming lahat.




"We will have a tour-" hindi pa natutuloy ni ma'am 'yung sasabihin n'ya, nag tilian na 'yung mga classmate ko. Mga excited!




"You are not required to join, but if I were you? I will be joining because this is your last tour as a senior high school, so have fun!" Paliwanag ni, ma'am.




"Ma'am, saan po ang tour?" Nag taas naman si, Vic ng kamay para mag tanong.




"Ang tour ay sa Enchanted Kingdom," Ma'am answered.




"EK nanaman!" Kumento agad ng iba.




"Makakasama na tayo, pre ito 'yung pinag ipunan natin 'di ba?" Vic whispered to, Levi. Katabi ko si, Levi, so rinig ko 'yon.




"Pupunta rin tayo sa Ninoy Aquino Parks and
Quezon Memorial Circle bago sa EK." Dagdag ni, ma'am. "Next next Saturday na 'to so may time pa kayo para mag bayad sa treasurer." She continued.




Pagkatapos mag dismiss ni ma'am, usap-usapan naman 'yung tour. Maraming excited marami ding hindi. Frist time ko lang makakapuntang EK dahil hindi naman kami mahilig ni, Daddy na gumala. Pag kanta at tugtog lang talaga ng instruments ang hobby namin. Isa pa takot ako sa matataas, nalulula ako. At puro ocean park, beach at out of town 'yung tour sa dati kong school.




"Anong plano?" Naka-pangalumbabang sabi ni, Myline. Nandito kami ngayon sa tambayan sa may puno ng mangga sa duyan.




"Sama tayo! Last tour na nga naman natin 'to as senior high school," sabi ni, Myline.




"Bonding moment nadin natin 'to dahil malapit na tayong grumaduate ng senior high school." Sabi ko.




"Oo nga! Two months nalang grabe ang bilis! Mamimiss ko 'tong school na 'to!" Myline said it cutely.




"Iyung Cypress Academy lang ba 'yung mamimiss mo?" Tanong ni, Vic. Mukhang gusto n'yang marinig na pati s'ya mamimiss rin ni, Myline.




"Syempre pati...kayo mamimiss ko rin," Myline said.




"Pati si, Vic mamimiss ko rin! 'Yun dapat sabihin mo." Confident na sabi ni, Vic. Napairap nalang si, Myline at natawa.




"Whooo! Excited na akong mag EK!!!" Sigaw ni, Vic. "ENCHANTED KINGDOM HERE WE COMEEE!!!!!






"Ang dami mo namang dala, Myline, pinalayas kaba?" Puna ko dahil ang dami n'yang bit-bit na bag may bag s'yang maliit at may dala pang travel bag.




"Hindi pa nga kas'ya 'yung iba, e, puro pagkain 'yan baka magutom tayo sa byahe!" Naka-simangot n'yang sabi. Napailing nalang ako. Isang bag lang dalaga ko laman non ay jacket ko at wallet, hindi naman ako nag dala ng snacks dahil balak ko na sa EK na bumili, 'yung lunch ko lang rin buti nakapag luto agad 'yung mga yaya namin.




Cypress AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon