3.
"Dahil Master 'yung name n'ya. Master Levi Franco."
"Ang bantot diba?" Sabi ni Levi at napatawa.
"So I'm correct pala that your name is Master. Pero bakit Levi Franco lang yung ginagamit mo sa school? They did not aware ba na your true name is Master Levi Franco?" Curious na tanong ko. Kailan pa 'ko naging curious sa ibang tao? Ngayon lang ata.
"Dami mo atang tanong tungkol sakin, ah? 'Di mo naman sinabi na nasa getting to know each other stage na pala tayo." Sabi n'ya sabay kindat sakin, urg! Nakakainis talaga s'ya alam na alam talaga n'ya kung paano ako inisin.
"You know what? Sometimes ang sarap mo nalang ihulog dito no? And I'm gonna ask you if you're okay!" I said sabay irap. Nakakapag taray talaga ako pag dating sa kan'ya.
"Oohh, gusto ko yun! Killer sweet!" He chuckled.
"Ewan ko sayo!" Sabay irap ulit sa kan'ya.
"D'yan!" Sigaw ni Victor. "D'yan nag katuluyan yung Lola at Lolo ko!"
"Hindi mo sila nakilala kuya Vic, 'wag kang epal." sabat naman ni Ada.
"Oh tapos na ba kayo kumain? Bumaba na tayo at tutulungan pa natin si Nanay sa palengke." Sabi ni Levi.
Unang bumaba si Ada, then Victor mga sanay na sila pano bumaba ako kasi nanginginig na ulit yung binti ko hindi ko na alam kung paano bumaba.
"Kumapit ka sa akin aalalayan kitang makatapak sa hagdan." Sabi sa akin ni Levi. Nilulugar ko naman ang pagiging maarte ko.
Pag ka baba naming lahat sabay-sabay nadin kaming lumabas ng Campus.
"Saan ka nakatira ate Cols?" Tanong sakin ni Ada.
"Doon lang sa kabilang kanto. Kayo ba? Sa iisang bahay lang ba kayong tatlo?" I curiously asked.
"Ah... do'n pa kami malapit sa may palengke ate, at opo iisang bahay lang kaming tatlo, kinupkop napo kasi kami ni Nanay-"
"Daldal ka?" Singit ni Victor.
"Tara na baka iniintay na tayo ni nanay sa palengke kaya mo bang umuwi mag isa? Pwede namang ihatid muna kita." Sabi sa'kin ni Levi.
"Ano yan? Hindi pa kayo pero may paghatid na? Saan aabot ang limang piso mo, pre?" Pang aasar ni Victor.
"Tarantado ka talagang hayop ka e'no? Panira ka ng Damoves, e." Levi quirks. Natawa naman ako sa kanilang dalawa.
"Okay lang ako don't worry ang lapit lang naman ng bahay namin ingat kayo." I said.
"Sige bye ate, bye Manong Oblak!" Sigaw ni Ada kay manong guard.
"Sige ingat kayong mga bata kayo." Sabi ni, Manong guard.
Left yung daan nila at right naman daan 'ko.
Pag uwi ko sa bahay sobrang saya ko. Parang merong dumating sakin na hindi ko naman hiniling. Sobrang sarap pala mag karoon ng kaibigan... although hindi ko alam kung friend na 'yung turing nila sa akin.
"Ang saya-saya mo ata ngayon anak ah?" Sabi sa'kin ni Manang Welma.
"Opo manang, hindi po talaga ako nag sisisi na lumipat ako sa Cypress Academy." Ngiti ko kay manang.
BINABASA MO ANG
Cypress Academy
Teen FictionColyn Villarin. The woman who is not accustomed to socializing with others, but when she moved to Cypress Academy and she met the only Master in this school, everything has changed. Will the past ruin everything? "I will always choose you even at ti...