8.
Dalawang araw kami walang pasok dahil inaayos pa nila 'yung schedule namin. Dalawang araw ko ding hindi naka usap si Levi, tungkol sa nangyari, gustohin ko man s'yang ichat, pero mas okay na sa personal ako mag sorry.
Friday ngayon at P.E namin, hindi nabago ang schedule ng P.E namin 9:00-11:00 am parin ito.
Baka ngayon... Pwede ko na s'yang makausap, pero natatakot ako baka wala akong masabi kapag kaharap ko na s'ya.
Buong magdamag ko rin inisip 'yung pinag usapan namin ni Manang at hanggang ngayon hindi ko padin alam ang sagot! Baka kapag nag usap kami ngayon.. Baka sakaling malaman ko na 'yung sagot.
I am wearing our P.E uniform today. Brown pants with a lettering of Cypress on the side and white V-neck shirt with the logo of Cypress Academy on the other side and a lettering of a senior high on the front.
Naalala ko na ngayon nga pala ako pipicturan para sa I.D sabi ni, Manong Oblak.
8:30 am na ng pumunta ako school, hindi nadin ako nag baon ng lunch uuwi nalang ako. Tutal isang subject lang naman kami ngayon.
Hindi ko madalas makita si, Kiara, sa bahay. Laging s'yang wala? Or maybe wala naman kasing dahilan para magkita kami, besides may kan'ya kan'ya naman kaming buhay, iisa nga lang ng bahay.
Nasa tapat na ako ng school ng tumunog 'yung phone ko at nakita kong nag chat si Kolleen sa gc namin ng ABM-1
kolleendt: guys, sa rooftop tayo.
Pagkatapos kong ma-seen 'yun tinago kona 'yung phone ko sa bag, medyo mababaw kasi ang bulsa ng pants.
"Good morning, iha." Bati saakin ni Manong Oblak.
"Good morning din po. Ahh.. Manong Oblak, anong oras po ako mag papa I.D?" Tanong ko dahil nabanggit ni Manong Oblak na Friday ako mag papa I.D pero hindi naman n'ya sinabi kung anong oras.
"Pagkatapos ng klase mo, iha." Sagot ni Manong Oblak at nag go-good morning din s'ya sa ibang estudyanteng pumapasok.
Si Manong Oblak parang mag kasing edad sila ni Manang Welma. i-pair ko kaya sila? Nang magkaroon manlang ng love life si Manang. I don't know if Manong Oblak has a family? Hindi ko rin naman natanong.
61 years old na si Manang Welma, hindi na s'ya nakapag asawa dahil tinuring na n'yang mga anak sila Daddy at tito Miguel. Si Manang 'yung tumayong Mommy nila because my grandma and grandpa was so busy to our business at that time.
"Colyn!" Bumalik ako sa realidad ng may tumawag sa pangalan ko. Hinanap ko naman kung kanino galing 'yung boses na 'yon.
"Colyn!" Tawaga n'ya ulit si, Ken pala. Tumatakbo s'ya papunta sa direksyon ko.
"P.E n'yo?" Obvious na tanong n'ya. Duh? Malamang naka P.E uniform ako e. Tumango nalang ako bilang pagsagot.
"Ba't ka naka-ganyan?" Tanong ko dahil naka jersey s'ya ngayon, uniform ata nila sa basketball. Kulay white 'yun at may print na puno sa front, I think it's a Cypress tree, Bald Cypress tree? If I'm not mistaken, then may nakasukat na Cypress team. Sa likod surname n'ya BANAAG. #25. Then may suot-suot pa s'yang headband.
Malapit na pala birthday n'ya next next week na. May 25 birthday ko, June 25 naman 'yung sakanya.
"Bakit? Pogi ko 'no?" Pag bibiro n'ya. Well... pogi naman talaga 'yung best friend ko.
BINABASA MO ANG
Cypress Academy
Teen FictionColyn Villarin. The woman who is not accustomed to socializing with others, but when she moved to Cypress Academy and she met the only Master in this school, everything has changed. Will the past ruin everything? "I will always choose you even at ti...