19.
Day 3 ngayon ng foundation week, second game ng volleyball at basketball, nanalo kami sa volleyball kahapon at kapag nanalo parin kami champion na sa volleyball. Pero sa basketball natalo kami, kaya dapat bumawi sila ngayon!
Basketball naman 'yung unang game sa afternoon ang volleyball, hindi ata makakapag laro si, Kolleen dahil sa paa n'ya.
Pum'westo na kami dito sa bandang gitna, katabi ko ngayon si, Myline at Kiara, katabi naman ni Kiara syempre si Vic nasa unahan ulit si Ada kasama ang mga classmate n'ya. May dala ulit silang banner.
Nagulat ako ng mag labas din si, Kiara, ng banner nakalagay do'n 'Go! Captain Kenny' ibinigay naman saakin ni, Ada, 'yung banner n'ya na nakalagay 'Master lang sakalam' nahihiya pa akong kunin 'yon dahil hindi naman talaga ako nag checheer!
"Go! C.A team! Whoooooo!" Sigaw ni Ada, kailangan raw ng matinding cheer para manalo kami ngayon!
Pumunta naman saakin si Levi, nagulat ako dahil bigla n'ya kong niyakap!
"Pampalakas lang, boss!" Sabi n'ya sabay kurot sa pisngi ko at bumalik na sa court. Pinag tinginan naman ako ng mga tao!
"HOPE ALL!" Sabay-sabay na sigaw nila, Myline, Ada, Vic, at Kiara. Nahiya naman ako bigla do'n!
Pinasok ulit sila sa first 5 si, Ken at Levi. May sugat pa 'yung kamay ni Ken pero kaya naman raw n'ya mag laro.
In favor saamin 'yung first quarter na kay, Ken 'yung bola. Pinasa n'ya kay Levi, tumakbo naman si Levi papunta sa court namin akala namin ishoshoot n'ya pero pinasa n'ya ulit kay Ken, at si Ken 'yung nag shoot!
"Aaaaaaaaahhhhhh! Go! Cypress! Go! Go! Cypress!" Cheer ng mga cheerleader, naki sabay nadin kami.
Nakita ko na nag tatanguan at nag tutulungan na sila! Nice game!
Bola na ng kalaban binabantayan naman ni, Ken si #02 s'ya daw ang captain ng kabila, makikita mo sa muka n'ya na sobrang yabang n'ya talaga! Magkasing tanggkad lang sila ni Ken, at mag kasing katawan.
Nakita ko na tinulak n'ya si, Ken pero hindi pinituhan ng referee!
"Hoy! Foul 'yon! Pumito ka naman referee, ano ka display?" Sigaw ni, Ada pero hindi naman s'ya rining dahil nag checheer ang kabila at adami ding maingay.
Naka score naman 'yung kabila at nag cheer rin ang mga cheerleader nila.
"Ma-ma-ma-ma-Majestic! Go! Majestic High!"
"Ma-ma-ma-ma-Mabaho kayo!" Sigaw ni, Ada, palaban talaga s'ya.
"Ada, akala ko ba may bet mo 'yung captain ng Majestic High? Bat mo sila binabash?" Pang asar ni, Vic.
"Hindi ko s'ya bet pag nasa court! Napaka rumi nila mag laro! Pero pag wala na siya sa court, bet kona ulit." Binatukan naman s'ya ni, Myline.
"Marupokpok!" Pang aasar din ni, Myline. Nag tawanan nalang kami at tinuon na ulit 'yung attention sa game.
Nilabas muna si, Levi dahil mahirap na kapag napagod silang dalawa wala ng susuporta sa game. Naging smooth naman 'yung laro lamang kami ng 1 point sa 1st quarter.
Tinext ko si, Levi at si Ken habang iniintay pa nila ang 2nd quarter.
Me:
Good luck! Alam kong mananalo kayo! Fight! Mr. Cypress! :)
BINABASA MO ANG
Cypress Academy
Teen FictionColyn Villarin. The woman who is not accustomed to socializing with others, but when she moved to Cypress Academy and she met the only Master in this school, everything has changed. Will the past ruin everything? "I will always choose you even at ti...