29.
"Mabuhay ang bagong mag jowa!!!"
Sigaw ni, Myline at Ada. Nandito kami ngayon sa school kakatapos lang namin mag pa enroll para sa second semester.
Mag kaklase parin kami dahil blocked section naman 'to. 'Yung Cypress Academy na ang nag adjust sa mga subject ko. Good thing na madami kaming parehas na subject kaya hindi masyadong nahirapan iadjust.
"Ano ba kayo! Huwag nga kayong maingay!" Sita ko dahil kanina pa nila ako inaasar.
"So anong tawagan n'yo?" Myline said with a big smile on her face.
Papunta kami kila Aling Basing ngayon do'n kami mag lalunch. Si Levi at Vic, kaylangan nilang umuwi agad dahil tutulungan nila sa pag hahakot ng gulay 'yung Nanay nila.
"Tawagan? Kaylangan paba no'n?" Kunot noong tanong ko.
"Ano ka ba syempre! Ano bang maganda hmm?" She put her index finger on her forehead para mag isip.
"Eh, kung honey cake at bunny cake kaya ate?" Singit ni, Ada. Tumingin naman ako sa kan'ya.
"Hindi! Masmaganda 'yung potpot at patpat!" Sabi ni, Myline. Napatingin rin ako sa kan'ya.
"Eh kung sweetie pie?" Sabi ni, Ada.
"Papa bear at mama bear!" Sabi ni, Myline
"Baby mosh at baby bosh!" Sabi ni, Ada.
"Pangga nalang!" Sabi ni, Myline.
"Guys, stop." Awat ko sa kanila dahil kanina pa ako nagpapabalik-balik ng tingin sa kanilang dalawa.
"Umorder nalang tayo." I shrugged.
We ordered our favorite food that we usually ordered here in Aling Basing's karinderya. Pagkatapos naming kumain umuwi nadin kami agad.
Pag katapos kong batayan si, Manang pumunta na ako sa kuwarto ko dahil mag vi-video call kami ni, Kiara.
[Cols, how are you?] Bungad n'ya saakin naka higa lang ako sa kama ko.
[I'm okay, I have something to tell you.] Sabi ko, balak ko sabihin sa kan'ya na kami na ni, Levi.
[We-wait, I'm gonna go outside.] She said.
[Asan kaba?] Tanong ko kasi parang nasa nasa bar s'ya, maingay yung paligid n'ya at madaming tao at mga disco lights.
[Hey!] She said, nung nakalabas na s'ya.
[So asan ka nga?] Tanong ko ulit.
[I'm here at Nathaly's house, she invited me on her house party.] She said.
[Don't worry, I'm not drunk...yet.] She chuckled.
[Kiara, hotel room mo ang uwi, huwag sa hotel room ng iba.] Sabi ko, tumawa lang naman s'ya ng mahina do'n.
[You have something to tell me right? What is it?] Tanong n'ya, bumuntong hininga muna ako bago ako mag salita.
[Kiara, I answered Levi.] Diretso kong sabi, tinignan ko naman s'ya at bakas sa mukha n'ya yung gulat na may halong saya.
BINABASA MO ANG
Cypress Academy
Teen FictionColyn Villarin. The woman who is not accustomed to socializing with others, but when she moved to Cypress Academy and she met the only Master in this school, everything has changed. Will the past ruin everything? "I will always choose you even at ti...