36.
"Okay na ba lahat? 'Yung food? 'Yung cake and cupcakes? Okay na ba?" Tarantang sabi ni, tita Ven.
"Mommy chill, everything will going to be okay. You're not supposedly here, bawal kang ma-stress. So let me and the organizer do these." Mahinahon na sabi ni, Kiara.
"You, debutant." Tinuro n'ya ako, nandito kasi ako ngayon sa sala kumakain ng cupcakes, nandito rin si, Myline tumutulong, uuwi rin s'ya mamaya para mag palit ng susuotin.
"Go back to your room, aayusan kana. Tutulungan ako ni, Myline dito at ikaw umakyat kana dahil nand'yan na 'yung mag-aayos sa'yo." Sabi ni, Kiara na parang Nanay na pinagsasabihan ako.
"Okayyyy." Sabi ko nalang. Sabay kami umakyat ni, tita Ven dahil pati s'ya pina-akyat na rin ni, Kiara.
"Tita, anong oras po makaka-uwi si Tito?" Tanong ko dahil pumasok si tito ngayon may inasikaso sa kumpanya.
"Saglit lang s'ya do'n, hmm...siguro mga hapon nandito na 'yon." Tita Ven plainly said. Tumango nalang ako.
"Hmm... Cols? 'Yung Nanay nila Levi?" Tita Ven asked.
"Si tita Ella po?" Kunot noong sabi ko.
"Ella?" Tanong ni tita pabalik.
"Opo, bakit po?" Tanong ko.
"Is she, uhm.. invited now?" Tita Ven stutter.
"Yes po, why?" Tanong ko ulit.
"Hmm...nevermind." Sabi lang ni tita at ngumiti saakin, naguluhan naman ako do'n pero hindi na ako nag tanong pa dahil kaylangan ko ng make up-an.
Ipinakita na saakin 'yung susuotin kong gown. It's a royal blue gown, off shoulder 'to na may feather or cotton something sa top. Yung pangalawang gown ko ay fitted strapless gown black na may slit sa gilid, hanggang hita 'yung slit no'n.
Inayusan na ko, kinulot 'yung buhok ko sa dulo and nilagyan ako ng nude make-up, bagay raw kasi yun sa suot ko.
Nag pictorial pa ako ng naka gown kasama 'yung isang bouquet na red rose. 7pm Ang start ng program 6:30 madami ng tao sa venue sabi ni, Kiara.
Naka bihis narin s'ya nung pumunta s'ya sa kuwarto ko, she's wearing a silver fitted tube gown and hills.
"Are you ready? Madami ng tao sa baba," she said.
Dapat excited lang ako ngayong araw pero bakit kinakabahan ako?
"You are so beautiful, kaya pinag-agawan ng dalawang poging lalaki, e," Kiara quirks me. Natawa naman kami do'n ng mahina.
"Just kidding, I'll go na, get ready okay? Later on tatawagin kana ng emcee, your escort will be waiting for you down stairs, huwag ka sanang matapilok." Natatawang sabi n'ya bago bumaba.
Napailing nalang ako sa kan'ya at tinignan ang sarili sa salamin. Huminga ako ng malalim at shinake ang dalawang kamay dahil sa kaba.
I wear two necklace, the one that Daddy gave me with my name on the pendant and the one that, Levi gave me, the infinity necklace.
Maya-maya sinenyasan na ako na mag ready dahil tatawagin na ako, sumilip ako sa baba at ang dami na ngang tao!
"Let's all meet our debutant, Miss. Colyn Villarin!" Sabi nung emcee, saakin naman tumapat 'yung ilaw at dahan dahan na akong bumama.
BINABASA MO ANG
Cypress Academy
Teen FictionColyn Villarin. The woman who is not accustomed to socializing with others, but when she moved to Cypress Academy and she met the only Master in this school, everything has changed. Will the past ruin everything? "I will always choose you even at ti...