25. New year

42 5 0
                                    

25.




"Sabay-sabay tayong tumalon mamaya! Baka sakaling tumangkad pa tayo!!"




Sigaw ni, Myline, andito kami ngayon sa park dito kami mag mag co-count down sa new year. At sabay sabay papanoodin ang fire works!




Hinanda na ng mga boys 'yung tent at kami naman nag lagay ng matting sa lapag, inayos din namin 'yung mga pagkain. Kami-kami lang mag kakaibigan, sila, Levi, Vic, Myline, Ada, at Ken. Si Kiara bukas pa ang uwi n'ya.




"Oo. Italon mo din ilong mo, Ada, para tumangos." Pagbibiro ni, Vic. Sinamaan naman s'ya ng tingin ni, Ada.




"Matangos naman ilong ko, ah? Ikaw huwag mo nang italon iyang baba mo mahaba na, e!" Ganti naman ni, Ada.




"Tologo bo? Iba ata ang mahaba saakin hindi baba!" Binato naman s'ya ni, Myline ng marshmallow. Tumawa lang naman si, Vic.




"Huwag n'yo nga sayangin 'yung marshmallow, wala na tayong maiihaw, hotdog nalang," Sabi ko.




"Madami namang hotdog d'yan sa tabi tabi!" Sabi ni, Myline pero naging double meaning ata 'yon dahil tinawanan nila 'yung sinabi ni, Myline.




"Guys, ang green, ha?"




Nag patuloy na kami sa pag aayos, nag iihaw lang ako ng hotdog para may makain kami. Lumapit naman saakin si, Ken.




"Cols!" Tawag n'ya saakin.




"Uy,"




"Uhm, pinsan mo?" Tanong n'ya at nakakamot pa sa ulo, I looked at him suspiciously.




"Hmm? Bakit mo hinahanap si, Kiara?" Taas kilay kong sabi.




"Ha? W-wala lang...Oy! Oy! Oy! Ano 'yang mga tingin na 'yan ah? Tinanong ko lang e," dipensa n'ya.




"Why?" I chuckled, "Nasa U.S," nag bago namam 'yung reaction n'ya sa sinabi ko mukhang hindi na sila nag uusap ni, Kiara.




"She decided na do'n mag aral next school year," I continued. Tumango lang s'ya at tinulungan lang ako sa pag iihaw ng hotdog.




"Guys halikayo! Para hindi tayo ma boring sa pag iintay ng count down, mag laro ulit tayo!" Sigaw ni, Myline saamin. Umupo naman kami sa matting.




"Anong lalaruin?" Tanong ni, Ada.




"Truth or Dare! Kapag ayaw mong sagutin ang truth at ayaw mong gawin 'yung dare, kaylangan mong hubarin 'yung isang bagay na suot-suot mo ngayon." Paliwanag ni, Myline. Lahat naman sumang-ayon dahil wala rin kaming magawa.




Ini-spin na ni, Myline 'yung empty bottle at tumapat 'yun kay, Ada.




"Truth or Dare?" Myline, asked.




"Hmm? Truth nalang baka hirapan mo ate, pag nag dare ako."




"Kung may hihilingin ka sa bagong taon, sa 2020 ano yun? At bakit?"




"Hmm," panimula ni, Ada. "Kung may hihilingin ako, 'yun ay magbago na sana si...mama," she seriously said. Wala namang umusap saamin.




"Okay, spin kona." Bigla naman nag bago mood n'ya, I'm sure nasasaktan rin si, Ada sa nangyayari sa mama n'ya ayaw lang n'ya 'to ipakita.




Cypress AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon