4.
Isang linggo nadin ang lumipas nung pumunta kami ni Ken kay Daddy, inabot na kami ng gabi no'n sapag kwekwentuhan. Hindi naman halatang namiss namin yung isa't isa no?
Hinatid n'ya ako samin at nakita s'ya ni Manang, pati din si Manang Welma na miss din s'ya haha!Ngayon na mag sisimula ang klase namin dahil Monday ngayon may flag ceremony, kaya maaga ako umalis ng bahay para makapag flag ceremony.
"Good morning Manong Oblak!" Bati ko.
"Good morning din po ma'am." Formal n'yang bati saakin pabalik.
"Grabe naman manong oblak Cols nalang po."
"Maaga ka ata, iha ah,"
"Aattend po kasi ako ng flag ceremony." I shrugged.
"Ah buti kapa masipag si, Master at 'yung side kick n'ya, e, hindi nag flaflag ceremony mula nung nag aral sila dito." Pagdadaldal ni, Manong Oblak.
"Sinong side kick monong Oblak?" Napalingon namam kami sa nag salita.
"Good morning Manong Oblak, fake news ka nag flaflag ceremony kami." Sabi ni Levi.
"Oo nga si Manong Oblak sinisiraan ka pa kay, Cols!" Asar ni Vic.
"Naku kuya, Vic pahirapan ka panga maligo dahil sayo hindi kami nakakapag flag ceremony ni kuya dahil ayaw mong maligo ng maaga!" Pambubuking ni Ada.
"Hello ate, good morning!" Masayang bati sa'kin ni, Ada.
"Good morning din, Ada." I smile back.
"Hoy Kuya ano? Nakalimutan mona bang magsalita at hindi kana makapag good morning kay ate Cols? Kanina lang prinapraktis mo 'yon
sa banyo ah." Pang aasar ni Ada. Natawa naman ako ng mahina do'n."Sino kayang umiyak kagabi dahil sineen lang s'ya ng crush n'ya?" Ganti naman ni Levi.
"Oo nga sino kayang nanghiram pa ng cellphone kay Nanay para lang ma chat si crush na hindi naman s'ya pinapansin?" Dagdag ni Vic. Nakita ko naman na masama na yung tingin ni, Ada sa kanila.
"Tang ina mers kayo!" Inis na sabi ni Ada.
"Bunganga mo pag narinig ka ni Nanay mapapalo ka nanaman nun. HAHAHA!" Asar ni Levi at nakitawa nadin si Vic. Itong mag kapatid talagang 'to laging nag aaway.
"Good-" Hindi natuloy ni Levi yung sasabihin n'ya saakin dahil may biglang tumawag sa'kin.
"MAYMAY!" Pag lingon ko si Ken pala.
"Good morning!" Sabi nya sakin at niyakap ako, niyakap ko namam s'ya pabalik at bumati din ng Good morning.
"Pila na tayo nag tatawag na, maya maya mag start na ang flag." Sabi n'ya sa'kin sabay kuha ng bag ko. Ganyan yan si, Ken minsan sweet, madalas nakakaasar.
"Guys let's go na pila na tayo." Sabi ko namam sa kanila.
"Manliligaw mo ba si fafa Ken? O boyfriend mo?" Curious na tanong ni, Ada. Nagulat naman ako sa tanong n'ya at natawa din, hindi ko pala napakilala sa kanila si Junjun.
"No, he is not my boyfriend nor manliligaw. He is
my best friend, my childhood best friend." Pagpapakilala ko kay, Ken."Ken, sila pala 'yung mga una kong naging friends dito, Si Ada, Si Vic, at si Levi." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Cypress Academy
Teen FictionColyn Villarin. The woman who is not accustomed to socializing with others, but when she moved to Cypress Academy and she met the only Master in this school, everything has changed. Will the past ruin everything? "I will always choose you even at ti...