38. Levi

49 6 2
                                    

38.

Warning: suicide.

-----




"Now what?"




Sabi n'ya ng mapunta kami dito sa likod ng hospital.




Hindi ko alam kung paano ako mag sisimula, kung paano ko sasabihin sa kan'ya lahat.




"Since when did you know that she's my mom?" Tanong n'ya saakin. Bumuntong hininga ako bago sumagot.




"Iyung sa family picture...."




Flashback...




"S'ya 'yung mommy mo?" Takang tanong ko. Parang nakita ko na dati 'yung picture na 'to.




Ipinakita n'ya saakin 'yung mas malinaw na picture ng mommy n'ya at do'n ko na nakumpirma na si Nanay nga ang totoong mommy n'ya.




Pag uwi ko galing school tinanong ko agad si Nanay ng deretso kung s'ya ba ang totoong Ina ni, Colyn.




"O-oo anak..." Umiiyak na sagot n'ya, nandito kami sa likod ng bahay.




"Bakit ayaw n'yo pong mag pakilala sa kan'ya?" Naguguluhan kong tanong.




"H-hindi pa ako handa...anak...hanggang ngayon sobra parin akong nasasaktan..." Sabi ni Nanay habang umiiyak.




"Nasasaktan sa ano po?" Tanong ko dahil naguguluhan ako.




"Sa tuwing nakikita ko si....Colyn... bumalik lahat ng masasamang alala na pilit kong kinakalimutan.." Iyak na ng iyak si Nanay ngayon. Niyakap ko naman s'ya at tinapik ang likod para pagaanin ang nararamdaman n'ya.




"Nay, na-ngungulila si, Colyn sa pag mamahal ng isang ina...huwag mo po sanang ipagkait 'yon sa kan'ya." Mahinahon na sabi ko.




"Kung alam mo lang anak na gustong gusto ko nang mag pakilala sa kan'ya.... pero... pinapangunahan ako ng takot... Sobrang mahal n'ya ang Daddy n'ya. Ang taong naging dahilan kung bakit naging misirable ang buhay ko..." Sabi ni Nanay habang umiiyak, mas lalo naman akong naguluhan do'n.




"Ano pong ibig n'yong sabihin, Nay?" Takang tanong ko.




"Si.. Manuel... pi-pinagnasaan n'ya ako..." Nanlaki 'yung mata ko sa sinabi ni, Nanay.




"P-po?" Utal kong sabi. Iyak lang si Nanay ng iyak. Niyakap ko s'ya lalo at tinapik-tapik 'yung likod n'ya.




"S-si, Colyn po ba ang naging bunga no'n?" Tanong ko. Tumango lang si Nanay habang umiiyak.




Hindi ako makapaniwala na 'yung taong pinag-mamalaki at pinaka-minamahal ni, Colyn ay isang rapist!




"Kung papipiliin ako, ayokong maging totoong Nanay si, Nanay Ella." Sabi ko.




"What?" Naguguluhan tanong n'ya.




Ayoko s'yang maging totoong Ina dahil sa'yo... patawarin mo ako, Colyn kung sa amin napunta 'yung pag mamahal ni, Nanay na dapat ay sa'yo...




"Colyn...gaano mo kakilala 'yung papa mo?" Hindi ko alam kung bakit natanong ko 'to..




"Bakit mo naman natanong?" Naguguluhang sabi n'ya.. ngumiti nalang ako at sinabing 'wala.'




Cypress AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon