Lucas POV:
Maaga akong lumabas ng trabaho dahil balak kung surpresahin ang nobya kong si Katrina. Plano ko na kasing mag-propose sa kaniya ngayon dahil sa ayaw ko na siyang pakawalan pa. Limang taon na din kaming "in a relationship" at sa tingin ko panahon na para baguhin ang status naming dalawa. Kampante akong "Oo" ang magiging sagot nya dahil alam ko naman na mahal na mahal niya ako kagaya nang kung gano ko sya ka mahal.
Nasa tapat na ako ng condo niya ng biglang tumunog yung cellphone ko. Agad ko naman itong sinagot, "Hello." Bungad ko dito.
"Lucas, Ok na lahat dito." Ani ng kaibigan kung manager sa isang sikat na restaurant na ni-rent ko para ngayong gabi, si Mike.
"Sige-sige. Thank you Mike. Maaasahan ka talaga." Masayang sabi ko.
"O siya sige na. Goodluck pare." May halakhak na sabi pa nito sa kabilang linya. Pagkatapos nun, ibinaba ko na rin yung tawag.
Medyo kinakaban ako na hindi ko mapaliwanag, hindi ko alam. Siguro ganito talaga yung feeling kapag magpropropose kana sa taong pinakamamahal mo, yung parang excited ka na medyo may kaba. Hayst. Huminga muna ako ng malalim bago ko pinihit yung doorknob nang condo ni Katrina. Nagulat naman ako ng bigla itong bumukas. Usually kasi, parating naka-lock yung pinto ng condo nya at kaylangan ko pang mag second attempt para buksan yung pinto nito through her condo's password. "Maybe, nakalimutan niyang mag-lock." Pagre-reason out ng utak ko.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng condo niya. It was dark, and it was my first time na pumasok ako sa loob ng condo niya na nakapatay ang ilaw. Hindi nya kasi pinapatay ang ilaw because she always told me that she was scared of the dark. Medyo kinabahan ako and my thoughts started to panic. Baka kasi pinasok siya ng magnanakaw. Kaagad nakung naglakad papuntang living room and I was shocked of what I saw at that very moment. Biglang huminto yung mundo ko. Biglang nanginig yung buo kung katawan and suddenly tears came out in my eyes. "Is this really happening?" tanong ng utak ko.
Katrina was enjoying the company of someone on the sofa. Ni hindi ko sila matingnan ng diretso. It was dark pero di magiging dahilan yun para di ko makita ng malinaw yung nangyayari. Bigla kung ibinaba yung tingin ko at nakita ko pa yung mga damit nilang nakakalat sa sahig. "What the f*ck? How can she do this to me?!", I said to my thoughts.
Biglang umigting yung galit ko ng biglang napaungol yung babaeng pinakamamahal ko. "Is she really enjoying what they do? Is this really the real her? Is this really the woman who always said to me that she loved me with all her heart? wtf!" bigla kung naikuyom yung mga kamao ko sa subrang galit na nararamdaman ko ngayon. Ni presensya ko hindi man lang nila naramdaman. Ganon ba talaga sila ka-enjoy sa isa't-isa.
"You fooled me..." mga katagang tanging nailabas ng aking bibig. Naramdaman ko rin naman ang biglang pagtigil nila sa kanilang ginagawa. Pagkuwa'y bigla nalang din akong nawalan ng lakas at nakaramdam ng pagod na animo'y kakatapos ko lang magbuhat ng ilang sakong bigas. I wiped my tears and I suddenly stepped out from the living room. Hindi ko alam kung ano ang pwede kung magawa sa kanilang dalawa. Baka mapatay ko silang dalawa ng wala sa oras kaya iniwas ko na kaagad ang sarili ko at agad na ngang lumabas ng condo nya.
"Lucas, wait up!" sigaw pa ni Katrina mula sa likuran ko. "Ano sa tingin niya? Makikinig pa ako sa mga kalokohan niya?! Sa mga salita nya?! Magsama sila ng lalaki nya!"
Kaagad akong nakaramdam ng mahigpit na pagyakap mula sa likuran ko. "Lucas, I'm sorry. I'm sorry. Please let me explain..." umiiyak na sabi nito sa mahinang boses.
BINABASA MO ANG
LUCY
Mystery / Thriller[Most Impressive Rank: romance #20] Her name was LUCY - one word, four letters. A woman who lived in a chaotic world of life and all she wants was to be free and to live life the way she wanted it to be. But what can she do when things get rough a...