Lucy's POV:
"Are you ready to save your Dad, Lucy?" tanong ni Tito Rodulfo sakin ng makapasok kami sa loob ng sasakyan nya. Maaga kasi kaming umalis sa hide out ni Tito Rodulfo nang hindi kasama si Lucas. I am now wearing a doctor outfit at ganun din si Tito Rodulfo. We are going to the hospital where my Dad is as what we planned yesterday after Lucas passed out.
[Flashback]
"Lucas. Ano bang nangyayari? May masakit ba sayo?" may pag-aalala sa boses na tanong ko sa kaniya. Agad ko namang hinawakan yung kamay nya dahilan para maramdaman ko ang init ng mga palad nya at ang pamamawis nito.
"Tito Rodulfo, baka po pino-possess si Lucas ng mga multo dito." Pangamba kung sabi kay Tito Rodulfo.
Maya-maya pa'y biglang bumagsak yung katawan ni Lucas sakin na ikinataranta ko naman.
"Lucas." Aniya ko at sabay na iniyugyog yung braso nya. Hindi na naman sya gumising pa na ikinakaba ko na ng husto. "Tito, ano po yung gagawin natin?" natataranta kung tanong kay Tito Rodulfo.
"Just calm down, Lucy. I also don't know why he collapsed and it's my first time seeing him like this." Aniya ni Tito ng matapos nyang lapitan si Lucas at pakiramdaman ang noo nito. "Umusog ka muna at ililipat ko sya sa kwarto ko ng maging komportable yung posisyon nya." Dugtong nya pa at sabay nya na ring binuhat si Lucas matapos akong umusog sa pwesto ko.
He slowly put Lucas on his bed after we enter into his room. Pinakiramdaman ko naman yung katawan ni Lucas at mainit pa rin yung katawan nito na para bang inaapoy ng lagnat. 'Bakit ganon? Okay naman sya kanina a? Posible ka yang—'
"Posible kayang sinasaniban si Lucas ng masamang espirito, Tito Rodulfo?" putol ko sa aking iniisip.
"That's impossible to happen, Lucy. Dahil wala namang mga multo o bad spirit dito sa bahay. It's not real, okay? Don't take seriously what Lucas and I told you earlier. We're just kidding way back then." Aniya nito. 'So, tinakot lang pala ako ni Lucas kanina? Langyang lalake to, kaya siguro kinarma ngayon.' Bigla naman akong natigilan sa aking iniisip ng magsalita ulit si Tito.
"Just wait here, ikukuha ko lang ng basang bimpo si Lucas para bumaba yung init ng katawan niya." Sabi nito at agad na lumabas ng kwarto. Binalingan ko naman si Lucas na ngayon ay wala pa ring malay.
"Kung hindi ka lang nagkaganyan baka nahampas na kita dyan. Ang lakas din ng pangtitrip mo sakin." bigla kong sabi sa sobrang inis. Bigla namang bumukas yung pinto dahilan para mapabaling ako dito. Nakita ko naman si Tito Rodulfo na may dalang maliit na palanggana.
"Here it is." Aniya ni Tito nang makalapit sya sakin.
"Ako na po yung gagawa nyan, Tito." sabi ko ng akma nyang punasan ng bimpo ang mga palad ni Lucas.
"Sige. Heto at ikaw ng bahala sa kaniya. I'll just review the files of the Dama Group. If bumaba na ang init ng katawan ni Lucas, sumunod kana rin sakin ng sa ganun ay malaman mo yung planong gagawin ng Team ko." Aniya ni Tito. Tumango naman ako sa kaniya at pagkuwa'y lumabas na rin sya ng kwarto.
Binalingan ko naman ang bimpong hawak ko at dahan-dahang ipinunas sa namamawis at mainit na palad ni Lucas. 'You look like a handsome angel when you sleep, Lucas.' Aniya ko sa isipan habang mariing tinitingnan yung muka niya.
Itinaas ko naman sa mga braso nya ang pagpupunas na ginagawa ko. Pagkuwa'y binanlawan ko ang bimpo sa may kalamigang tubig sa maliit na palanggana na dinala ni Tito at pagkatapos ay idinampi-dampi ito sa mala-anghel na muka ni Lucas. Maya-maya'y inilagay ko yung bimpo sa noo nya at ipinatagal ko dito ng ilang minuto at pagkatapos nun ay pinakiramdaman ko ulit yung katawan nya. Bigla namang gumaan yung pakiramdam ko ng maramdamang nawala na ang init ng katawan ni Lucas.
BINABASA MO ANG
LUCY
Mystery / Thriller[Most Impressive Rank: romance #20] Her name was LUCY - one word, four letters. A woman who lived in a chaotic world of life and all she wants was to be free and to live life the way she wanted it to be. But what can she do when things get rough a...