Matahan ko lang tinitingnan si Lucy habang nakasandal ako sa pader na nasa kanang bahagi ng kamang kinahihigaan nya ngayon. Nang makadating kasi kami dito sa beach house ay hindi pa rin sya nagigising.
Pagkuwa'y bigla syang gumalaw at dahan-dahang iminulat ang kaniyang mga mata.
"Nasan ako?" tarantang tanong ni Lucy ng magising sya mula sa pagkawala ng malay kanina.
Mula sa pagkasandal sa pader ay agad ko naman syang nilapitan at sabay na umupo sa kama katabi nya. Agad din naman syang napabaling saakin at pagkuwa'y niyakap ako ng mahigpit. Maya-maya pa'y narinig ko nalang ang paghikbi nya kaya agad kung naihagod ang aking mga palad sa kaniyang likuran.
"It's okay, iiyak mo lang lahat ng sakit na nararamdaman mo Lucy..." mahinahong sabi ko sa kaniya.
Ilang minuto ang lumipas at kumalma na rin sya. Dahan-dahan syang kumawala sa pagkakayakap sakin at sabay na pinagbalingan ang damit na suot nito.
"Nasan na ang damit na suot ko kanina?" kunot noong tanong nito sakin.
"It has a lot of blood stain kaya binihisan kita kanina nung wala kang malay. But don't worry, nakapikit naman ako habang pinapalitan kita ng damit." Nakataas-kamay na sabi ko at pagkuwa'y ibinaba ko din naman agad ito. Napayuko lang naman si Lucy habang di mapakali sa kakapisil-pisil ng mga kamay nito.
Mariin kung hinawakan ang kanyang mga kamay at sabay na iniangat ang kaniyang muka.
"Now tell me, what happened to you?" may pag-aalala sa boses na tanong ko.
"Please Lucas, wag nalang natin pag-usapan..." Nanlulumong sabi niya sa mahinang boses.
"Gusto kitang tulungan, Lucy. Ngayon, kaylangan mong sabihin sakin kung ano ba talaga yung nangyari sayo." Pauna kung sabi at sabay na hinawakan ang kaniyang muka. "Just tell me the truth, papaniwalaan naman kita e."
"Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sayo Lucas. Hindi ko alam..." aniya nya habang napapaiyak. "I'm sorry, I'm sorry..." Dugtong pa nito. Bigla ko naman syang niyakap.
"Shhh... it's okay. Hindi na kita pipilitin kung di mo pa kayang sabihin sakin." Pag-co-comfort kung sabi dito.
"I'm sorry, I'm sorry..." mahinang sabi niya habang humihikbi.
"Shhh... tahan na. Okay lang yun." aniya ko.
***
[Kinabukasan]
Tanghali na ng magising ako kaya dale-dale akong bumaba ng kwarto para puntahan si Mang Ben at pakiusapan na bumili ng grocery sa bayan. Nadatnan ko naman sya na kakanaog lang ng tricycle at may bitbit na mga plastic. Agad ko naman syang nilapitan at sabay na tinulungan sa mga dala nito.
"Sabi ko na nga po naandito kayo Sir Lucas." Paunang sabi nito sa masayang boses. "Nakita ko po kasi yung kotse nyo nung paggising ko kaninang umaga kaya inisip ko na baka dito po kayo tumuloy kagabi. Tsaka, wala na din kasing grocery na natira nung last time na pumunta po kayo dito kaya agad po akong umalis para ipagbili kayo." Pagkwento ni Mang Ben.
"Naku, maraming salamat po Mang Ben. Maaasahan ko po talaga kayo." Nakangiting sabi ko dito.
Agad ko namang naipatong sa mesa yung mga plastic na dala ko ng makadating kami ng kusina. Bigla namang nahagip ng aking paningin ang dyaryo na kakalapag lang ni Mang Ben sa mesa. Agad ko itong kinuha at nagulat ako ng mabasa ko yung headline ng dyaryo. 'Businessman Tycoon: Iniego Ferrer, Murdered!'
Paano nangyari to? Alam ba to ni Lucy? May kinalaman ba sya sa nangyari kay Iniego? Posible kayang—hindi ko na tinapos pa ang mga bagay na aking naiisip.
BINABASA MO ANG
LUCY
Mystery / Thriller[Most Impressive Rank: romance #20] Her name was LUCY - one word, four letters. A woman who lived in a chaotic world of life and all she wants was to be free and to live life the way she wanted it to be. But what can she do when things get rough a...