Chapter 21

11 2 0
                                    

Third Person's POV:

"Senior, ano po yung gagawin natin ngayon? Pinaghahanap na po ng awtoridad si Seniorita Isabel." Aniya ng isa sa kasamahan ni Renato matapos nilang mapanood yung balita sa TV.

"Alam ko, napanood ko din kaya di mo na kaylangan pang sabihin sakin yan." May inis sa boses na sabi ni Renato.

"So, hahayaan nalang po natin na madakip sya ng mga pulis?" agad nitong tanong.

"Bobo ka ba? Syempre hindi." Paunang sabi ni Renato. "Yung gawin mo, ikuha mo ako ng isang taong kayang gawin ang lahat para lang sa pera." Dugtong pang sabi ni Renato.

"Tamang-tama po Senior, may kilala po akong ganyang tao." Nakangiting tugon naman nito.

"Good. Umalis ka na at dalhin mo sya rito." Utos pang sabi ni Renato. Dale-dale namang umalis yung kasamahan na inutusan nya.

Maya-maya pa'y biglang may kinuhang litrato si Renato sa drawer ng mesa nya. "Hindi ko gustong ma wala ka ulit sakin Isabel. Kaya hanggat maaari—hanggat nabubuhay ako. Walang may ibang pwedeng magmay-ari sayo kundi ako lang." ani nito sa mahinang boses.

"Papa." Biglang pasok ni Sebastian sa opisina ni Renato kaya agad namang naibalik ni Renato sa drawer yung litratong kinuha nya mula rito.

"Oh, may kaylangan ka?" agad na tanong ni Renato sa kanyang anak. Well... hindi nya naman talaga totoong anak si Sebastian. Anak-anakan nya lang ito dahil yung totoo nitong mga magulang ay namatay nung mga panahong may transaction silang isinagawa. Matalik nyang mga kaibigan ang mga magulang ni Sebastian at malaki yung utang na loob nya rito. Kaya nung maiwanang mag-isa ang bata ay kinupkop na ito ni Renato at tinuring nya na ring parang anak nya.

"Wala naman, nakita ko lang yung post sa facebook about Isabel being the suspect of killing a business tycoon." Sambit nito at sabay na napaupo sa sofang nasa kanang bahagi ni Renato.

"Yeah. I already know that. Yan lang ba yung ipinunta mo dito?" agad na tanong ni Renato.

"So, what's your plan?" tanong nito.

"You don't need to know it Sebastian, sa halip ay pagtuunan mo ng pansin yung trabaho mo." Aniya ni Renato.

"Ginagawa ko naman po ng maayos yung trabaho ko Papa, wag na po kayong mag-alala don." Lakas loob na sabi nito.

"Mabuti naman kung gayun. Nang hindi ka nakakadagdag sa mga problemang ibinibigay saakin ni Isabel."

"Eh bakit pa kasi pinagtyatyagaan mo yang babae na yan, Papa. Kung tinudas nyo na kaya yan ng mawalan na kayo ng problema. Wala naman yang naitutulong sa inyo." May inis sa boses na sabi ni Sebastian. Bigla namang naikuyom ni Renato ang kanyang mga kamao matapos nya iyong marinig.

"Pwede ba? Huwag mo kung papakialaman lalong-lalo na kung tungkol kay Isabel! Kung wala kang ibang sasabihin, umalis kana." Galit na sabi ni Renato.

"Iwan ko sa inyo Papa. Bahala na nga kayo..." pailing-iling sabi ni Sebastian at sabay na tumayo't lumabas na rin sa silid na iyon.

Maya't-maya pa ay bumukas namang uli yung pinto sa opisina ni Renato.

"Ano na naman?!" sigaw ni Renato at sabay na binalingan ang pintong kakabukas lang. Nagulat naman sya ng hindi si Sebastian ang nakitang pumasok doon kundi ang taong kasamahan nyang inutusan nya kanina.

"May problema po ba Senior?" agad na tanong ng kasamahan nya.

"Wala. Pasensya na't nasigawan kita. Nga pala, nasan na yung sinasabi mung tao?" agad na tanong ni Renato. Bigla namang tinawag ng lalake yung kinuha nyang tao at sabay na pinapasok sa loob.

"Sya po ito Senior." Anya nito habang lumalapit papunta kay Renato.

"Kaylangan nya daw po kasi ng malaking pera para sa operasyon ng kaniyang anak at handa nya daw pong gawin yung lahat na iuutos nyo." Sabi ng utusan ni Renato.

"Talaga?" tanong ni Renato habang taimtim na tinitingnan ang lalakeng sasagawa ng kanyang ipag-uutos.

"Opo. Ano po ba ang gusto nyong gawin ko?" tanong naman ng lalake sa kaniya.

"Isang bagay lang naman ang gagawin mo. Iyun ay ang sumuko sa mga pulis at sabihing ikaw ang pumatay kay Iniego Ferrer at dalhin mo rin ang baril na 'to bilang ebedinsya na totoo nga ang sinasabi mo." Paliwanag ni Renato sabay abot ng baril na nakalagay sa loob ng plastic. "Kapalit ng gagawin mo ang halaga nang perang five hundred thousand pesos. Subra-sobra na yan pang-opera ng anak mo." Dugtong na sabi ni Renato.

"Sige po. Gagawin ko po ang gusto nyo. Kaylangan na kaylangan ko lang po kasi talaga ng pera." Desperadong sabi ng lalake.

"Oh—heto ang pera." Bigay nya sa lalake. "King, samahan mo sya. Siguraduhin mung magagawa nya ng maayos yung trabaho nya." Aniya ni Renato.

"Maaasahan, Senior." Ani naman ni King. Pagkatapos nun, umalis na din sila.

>>>>>

Author's Note: Minsan talaga kapag ginipit ka ng sitwasyon, mapapakapit ka nalang sa patalim alang-alang sa mahal mo sa buhay. Tsk! Kawawa naman yung mamang napag-utusan.

Kindly vote and comment po. Naks, salamat. Hehehe.

LUCYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon