Chapter 12

20 2 0
                                    

Third Person's POV:

Mahigit isang oras din yung binyahe ni Lucy bago niya naisipang bumaba na nang Bus. She's nowhere to go right now. Kaya nagpalakad-lakad siya ng kalsada hanggang sa makarating sa isang tindahan. Bumili sya ng tubig dito at pagkatapos ay napaupo sa isa sa mga upuan na nasa harap ng tindahan. Taimtim lang syang nakaharap sa kalsada habang umiinom ng tubig hanggang sa nahagip ng kaniyang mata ang maliit na asong nasa gitna ng kalsada at paingka-ingkang naglalakad.

"Naku, kawawa naman siya." Pagpupuna pa nito. Maya-maya pa'y napansin ni Lucy ang kotseng may kabilisan ang takbo kaya nagpasalin-salin ang tingin niya sa paingka-ingkang aso at sa kotseng dadaan. Bigla namang nataranta si Lucy sa kung anong gagawin nya kaya agad syang napatayo. Tsk! Bahala na.

Dale-dale syang tumakbo papuntang kalsada at sabay na inakay sa mga bisig nya yung maliit na aso at pagkuwa'y bigla ding natumba si Lucy sa kinatatayuan nito nang biglang manghina ang kanyang mga tuhod matapos makitang ilang sentimetro lang ang pagitan ng kotse sa posisyon nya. Buti nalang at biglang nakapagpreno si Manong driver kung hindi, malayo ang titilapunan ng kanyang katawan.

"Mukang may nabangga po ata ako, Sir Iniego." May pangamba sa boses na sabi ng driver ng mapansing nawala ang babaeng tumawid sa kalsada.

"Naku naman, ba't hindi ka nag-iingat." Ani ng amo niya at dale-daleng nanaog ng kotse nito, sumunod din namang bumaba ang driver ni Iniego.

Agad na tiningnan ni Iniego ang harap ng sasakyan at nakita nya ang babaeng nakaupo at karga-karga ang isang aso. Bigla niya naman itong nilapitan.

"Miss, are you alright?" pag-aalalang tanong nya sabay tiningnan kung may mga galos ba itong natamo sa katawan.

"I'm fine. Pero yung aso, hindi." Sabi ni Lucy habang maigting tinitingnan ang aso. Bigla namang natawa si Iniego matapos marinig ang sinabi ng babae.

"Anong nakakatawa?" kunot noong tanong ni Lucy dito.

"Kasi mas nag-aalala kapa sa asong hawak mo kesa sa sarili mo." Aniya ni Iniego. Sinubukan namang tumayo ni Lucy pero medyo nanghihina pa yung tuhod nya kaya agad siyang inalalayan ni Iniego. "See? Nahihirapan ka pang tumayo tapos mas inuuna mo pa ang kapakanan ng aso mo. Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" Dugtong pang sabi ni Iniego.

"I'm really fine. Can we just take this dog to the veterinarian? Paingka-ingka kasi yung lakad nya e, kakaawa naman." Pakiusap ni Lucy dito na ikinangiti naman ni Iniego.

"Okay fine. If that's what you want." Nakangiting sabi ni Iniego at sabay na inalalayan si Lucy papuntang kotse nito.

"Samuel, sa Vet Clinic tayo." Sabi ni Iniego.

"Sige po." Sagot naman ni Samuel.

"Don't worry little doggy, you'll be fine." Kausap naman ni Lucy sa karga-kargang aso.

"You're a pet lover, don't you?" tanong ni Iniego sa kaniya.

"Yes, I am." Nakangiting sagot naman ni Lucy.

"Anyways, what's your name?" tanong ni Iniego.

"I'm Lu---" bigla namang napailing si Lucy sa sasabihin nya at pagkuwa'y agad na nagsalita. "Sandra. Sandra yung pangalan ko." Pagpapakilala niya ng sarili sa ibang pangalan.

"I'm Iniego. Anyways, I'm very sorry about earlier. You're almost near to got an accident." Sabi pa ni Iniego sa sinserong boses. "And next time, be careful on your action. I knew what you did earlier, pero mas importante pa rin yung buhay mo kesa sa buhay ng isang aso." Pangangaral ni Iniego dito.

"Alam ko naman, hindi lang kasi matiis ng konsensya ko kung saka-sakaling nasagasan itong aso." Reason out naman ni Sandra.

"Nandito na po tayo Sir Iniego." Ani ni Samuel nang nasa tapat na sila ng Vet Clinic.

LUCYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon