Chapter 25

12 2 0
                                    

[1 week later]

Kasulukuyang nililibot ni Lucy yung buong Mansion dahil nakaramdam sya ng pagkabagot sa sarili nyang kwarto. Pababa na sya ng hagdan mula sa ikatlong palapag ng bahay ng makasalubong nya naman si Selena.

"Magandang gabi po, Seniorita Isabel." Nakangiting sabi ni Selena, isa sa mga kasambahay ng Mansion. Tanging ngiti lang naman ang itinugon ni Lucy dito dahil sa naiilang sya kasi di pa naman nya ito lubos na kilala.

Isang linggo na rin ang itinagal ni Lucy sa Mansion at kilala na rin sya ng mga taong naandito sa pangalang Isabel/ "Seniorita Isabel" dahil ipinakilala siya ni Renato kinabukasan noong pagdating nya mismo sa Mansion. Naninibago pa rin si Lucy sa kaniyang mga naririnig na itinatawag sa kaniya ng mga taong nakakasalamuha nya sa Mansion. Lumaki kasi sya na tanging Lucy yung itinatawag sa kaniya kaya di sya sanay na tawagin sya sa isang pangalan na hindi nya naman kinalakihan. Pero kahit papaano, mas ipinagpapasalamat nya pa rin na hindi yung totoo nyang pangalan yung itinatawag sa kaniya, para hindi daw ito mabahidan ng kasamaan at manatiling kaaya-aya.

"Seniorita, hinahanap na po kayo ni Senior Renato." Sabi pa ni Dan, isa sa mga tauhan ni Renato.

"Nasan ba sya?" tanong ni Lucy.

"Nasa sasakyan na po naghihintay sa inyo."

'nasa sasakyan?' naitanong ni Lucy sa kanyang isipan. Maya-maya pa'y bigla nya namang naalala na aalis pala sila ngayon at pupuntang Mall.

"Naku, nakalimutan ko na aalis pala kami ngayon..." naisambit nito sa mahinang boses. Bigla nya namang tinanong si Dan tungkol sa kaniyang suot.

"Dan, okay lang ba 'tong suot ko?"

"Ahm..." paunang sabi ni Dan sabay na tiningnan si Lucy mula ulo hanggang paa. "Okay na okay po, Seniorita. Tsaka, kahit ano naman pong isuot nyo babagay naman po sa inyo kasi maganda po kayo at maputi." Nakangiting sabi ni Dan. Palihim namang ngumiti si Lucy sa sinabing iyon ni Dan.

LUCYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon