Kakatapos ko lang maligo't magbihis. After what happened yesterday, I still choose to do my normal routine which is to had my breakfast and afterward go to work. Wala naman kasing mangyayare kung magmumukmok lang ako dito sa bahay.
"Manang, pano po napunta si Lucy sa kwarto ko kagabi? Ba't dun po siya natulog?" biglang tanong ko sa kalagitnaan ng aking pag-aalmusal.
"Ha? Ano kamong sinabi mo? Don siya natulog?" gulat nitong tanong sakin. Ibig sabihin walang alam si Manang?
"Opo. Ba't po na gulat kayo?" agad kung tanong dito.
"Eh pano ba kasi... kagabi, tapos ko siyang ipagluto ng paborito niyang pagkain, yung adobong manok, eh bigla nalang siyang nawala. Akala ko nga umalis na siya kaya inilagay ko nalang sa ref yung niluto ko. San mo nga ba nakuha yung babaeng yun Lucas? Baka mamaya magnanakaw yan ha? O di naman kaya mamamatay tao? Naku, mahirap ng panahon ngayon. Hindi tayo dapat basta-bastang nagtitiwala." Mahabang litanya ni Manang sa akin.
"Alam ko naman po yun Manang. Wag na po kayong mag-alala. Nga po pala, pakiinit nalang po nung niluto nyo kagabi---" agad namang pinutol ni Manang yung sasabihin ko.
"Bakit? Kakainin mo?"
"Ay hindi po Manang, eh mukang wala pang kain si Lucy mula kagabi, baka mamaya mamatay po yun sa gutom." Ani ko pa dito.
"Ay siya sige."
"Nga pala Manang Mudelle, aalis na po ako." Pagpapaalam ko kay Manang matapos kung makuha yung case na palagi kung dinadala pagpupunta ng trabaho.
"Sige, sige. Mag-iingat ka ha." Ani pa ni manang habang nagliligpit ng pinagkainan ko.
Agad na din naman akong naglakad papuntang pinto ng bahay at ng akma ko nang pihitin yung doorknob, bigla kung narinig yung sigaw ng pangalan ko na ikinatigil ko naman. Agad kung binalingan kung sino yung sumigaw and yes, as I expected, it is Lucy.
"Lucas, sandali lang." ani nito at dale-daleng bumaba ng hagdan. Matapos niyang makababa ay agad niya akong nilapitan at pagkuwa'y yumakap sakin. At naramdaman ko na parang may kakaiba sa mga yakap niya. Yung tipong kaylangan niya ng comfort. Medyo nanginginig din yung mga braso niya kaya agad kung binitawan yung case kung hawak at agad siyang niyakap.
"Lucy, bakit? Anong problema?" agad kung tanong dito. Bigla siyang kumawala sa pagkakayakap sa akin atsaka na tiningnan ako ng diretso sa mga mata ko. And I saw how pity, scared and emotional her eyes was. Is it about last night? Of what happened to her before we cross our path?
"Pwede bang--- pwede bang wag ka ng umalis Lucas." May nginig sa boses na sabi niya at sabay na isiniksik yung sarili nito sa katawan ko. Hindi ko siya kilala totally, at ni wala naman kaming connection sa isa't-isa pero bakit parang hindi ako maka-hindi sa kaniya ngayon? Bakit parang nakakaramdam ako ng sakit sa dibdib kapag nakikita ko siyang ganito?
"Sige-sige. Hindi na ako aalis. Dito nalang ako sa bahay." Sabi ko na ikinapanatag naman ng loob niya.
"Talaga? Yes!" masayang sabi niya sabay patalon-talon na akala mo'y nanalo sa luto. Ang bilis magbago ng awra nang muka niya. Yung tipong parang wala lang ulit nangyare.
"Lucas, talagang hindi ka papasok ngayon?" nakakunot noong saligbat ni Manang Mudelle saakin.
"Opo manang. Dito nalang po muna ako sa bahay. Nga pala, pakihatid nalang sa taas yung pagkain ni Lucy." Ani ko pa dito at sabay na nagtungo ng hagdan. Naramdaman ko naman ang pagsunod sakin ni Lucy.
***
After kung makaakyat ng kwarto ay agad akong dumiritso ng banyo para magpalit ng damit. Pagkalabas ko ay naabutan ko din na kumakain na ng almusal si Lucy.
BINABASA MO ANG
LUCY
Mystery / Thriller[Most Impressive Rank: romance #20] Her name was LUCY - one word, four letters. A woman who lived in a chaotic world of life and all she wants was to be free and to live life the way she wanted it to be. But what can she do when things get rough a...