Chapter 29

9 2 0
                                    

"So, what's the important thing that we need to discuss Lucas?" agad na tanong ni Uncle Rodulfo ng nasa loob na kami ng bahay nya at kasalukuyang nakaupo sa sofa.

"Alam ko pong marami na kayong nahuli na mga big-time na sindikato, Uncle Rodulfo." Pauna kong sabi. "Kaya po kami nandito ngayon dahil gusto ko po na personal kaming humingi ng tulong sa inyo. Naging konektado po kasi yung buhay ni Lucy sa mga sindikato. Delekado po yung buhay nya lalong-lalo na yung buhay ng kaniyang Daddy na ngayon ay hawak ng mga sindikato." Dugtong kong sabi.

"Nag-aalala na po kasi ako sa Daddy ko, Tito Rodulfo. Last time I saw him, he's in the hospital. I don't know if his doing fine right now. Simula po kasi ng makatakas ako sa puder ni Renato, wala na po akong balita sa Daddy ko." Aniya ni Lucy. Bigla naman akong napaisip sa pangalang binanggit ni Lucy.

'Renato? Renato? Ba't parang napaka-familiar sakin ng pangalang ito? San ko nga ba to narinig?' bigla kong naitanong sa aking isipan. Agad naman akong natigilan sa pag-iisip ko ng magsalita si Uncle.

"Renato? Did I hear it right?" agad na tanong ni Uncle. Tumango naman si Lucy.

"Bakit po? Kilala nyo po ba sya Tito Rodulfo?" tanong ni Lucy.

"Kilalang-kilala. Matagal na namin syang hinahanap at ang grupo nya. We've encounter them a long time ago but they escape from us." Paunang sabi pa nito. "Wait and I'll get their group files." Anya nito at sabay na nagtungo ng kwarto nya. Maya-maya pa'y lumabas din naman agad sya na may dalang makapal na black folder. Agad nya itong iniabot kay Lucy ng makalapit sya saamin.

"Look their group profile if we have the same person in mind." Aniya nito.

Agad din namang binuksan ni Lucy yung folder at bigla namang nagbago ang expression ng kaniyang muka ng makita nya ang nasa loob nito. Biglang namula yung muka niya, hindi dahil sa kinikilig sya kundi dahil sa galit na nararamdaman nya.

"Sya nga po ito Tito Rodulfo, the Senior of Dama Group." Matigas na sabi ni Lucy at sabay na ibinalik ang folder kay Uncle.

"Kung gayon, napakadelekado nga ng buhay na kinagagalawan nyo ng Daddy mo. Maswerte ka at nakatakas ka ng buhay sa grupong ito. Dahil bihira lang ang makawala sa puder ng Dama. Most people who wanted to escape from them, literally died." Aniya ni Uncle.

'Hindi ko sila maintindihan. Ano yung sinasabi ni Lucy na Senior of Dama Group?' naguguluhan kung tanong sa isipan.

"Hindi ko po kayo masundan, Uncle Rodulfo. Mukang na a-out-of-place po ako sa inyo ni Lucy." Kunot noong sabi ko dito.

"Ganito yan Lucas. Hindi lang basta-bastang grupo nang sindikato ang kinasasangkutan ni Lucy. She's been involved in the most dangerous group which is the Dama. Na pinamumunuan ni Renato Morenio, o kilala bilang Senior ng Dama group. Hangal ang kaluluwa ng taong ito at sya ang may pinakamaraming kasong kinakaharap sa nagdaang mga taon hanggang ngayon." Paliwanag ni Uncle.

Hindi ko naman maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon matapos kung marinig ulit ang pangalang Renato. Medyo namamawis kasi yung mga kamay ko na parang bumibilis yung pagtibok ng puso ko sa di ko maintindihang dahilan.

'Renato, san ka na naman pupunta?'

'Isabel, mahal, aalis muna ako.'

'Transaction na naman? Kaylan mo ba to titigilan Renato?!'

'Panghuli na talaga to. Pangako.'

'Bahala ka sa buhay mo!'

Mga boses na naririnig ko sa aking isipan na ikinasasakit naman ng ulo ko. Pagkuwa'y sinundan naman ito ng isang memorya nang dalawang tao na animo'y parang nagtatalo. At hindi ko alam kung bakit isang muka lang ang aking nakikita at yun ay si Mama. 'Sino yung kausap mo Ma? Ba't hindi ko sya makita?' naitanong ko sa aking isipan at sabay na napahawak sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito.

"Lucas, are you alright?" biglang tanong ni Lucy saakin at sabay akong nilapitan dahilan para masilayan ko ang kaniyang muka.

'Renato.'

'Renato, san ka na naman pupunta?'

'san ka na naman pupunta?'

'Isabel, mahal, aalis muna ako.' 'Aalis muna ako.'

'Transaction na naman?'

'Transaction na naman?' 'Kaylan mo ba to titigilan Renato?!'

'Renato?!'

'Panghuli na talaga to. Pangako.'

'Bahala ka sa buhay mo!'

'Bahala ka sa buhay mo!'

Paulit-ulit na boses na nagre-rewind sa aking isipan matapos kung masilayan ang muka ni Lucy.

'Ano bang meron sa mga boses na to?! Ba't hindi nila ako tinatan-tanan?' reklamo kung sabi sa isipan sa gitna ng mga boses na aking naririnig at sabay na napahawak sa left arm ng sofa dahil sa hindi ko na talaga mainda ang sobrang sakit ng ulo ko na para bang ano mang oras sasabog na ito.

"Ba't parang nang-iinit ka, Lucas? Pinagpapawisan ka pa." aniya ni Uncle Rodulfo.

"Lucas. Ano bang nangyayari? May masakit ba sayo?" may pag-aalala sa boses na tanong naman ni Lucy sa akin. Hindi ko naman sila masagot dahil nga sa napakaingay ng isip ko.

Maya-maya pa'y naramdaman ko nalang ang malamig na kamay ni Lucy na kumalaban sa init at pinagpapawisan kong mga kamay nang bigla nya itong hawakan.

"Tito Rodulfo, baka po pino-possess si Lucas ng mga multo dito." May pangamba sa boses na sabi ni Lucy. At kahit na natatawa ako sa sinabi nyang yun ay hindi ko naman magawang tumawa sa kadahilanang hindi biro yung sakit na nadarama ko ngayon.

Maya-maya pa'y hindi ko na naramdaman pa ang sumunod na nangyare ng dahan-dahang dumilim ang aking paningin at biglang bumagsak yung katawan ko sa taong nasa aking tabi na walang iba kundi si—Lucy.

>>>>>

Author's Note: Huwag nyong tawanan si Lucy guys. Hahaha paniwalang-paniwala lang naman kasi sya sa biro ni Lucas kaya hindi nyo sya masisisi. Indeed, nag-aalala lang talaga sya kay Lucas. Lol.

Paki-vote and comment po bago nyo tuluyang iwanan ang chapter na to. Hehehe. Salamat...

LUCYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon