Chapter 10

18 2 0
                                    

I bought her red roses with a combination of white scented flowers. I hope you'll like it, Lucy.

Gabi na ng makaalis ako sa bouquet shop. I make my u-turn para umuwi na rin pabalik ng beach house but suddenly I saw Mike's car di kalayuan sa pwesto ko. Si Mike yung matalik kung kaibigan, at sya rin yung tumulong saakin mag set-up ng proposal ko sana kay Katrina. After what happened those day, hindi ko pa rin naikukwento sa kaniya yung buong nangyari. I only told him na wala ng proposal na mangyayari because we two broke up.

I parked my car at agad na akong bumaba ng sasakyan para sana puntahan sya but suddenly there's this man who go towards me.

"Pare, pare. Pwede bang magtanong?" ani nito.

"Sige. Ano yun?"

"Nakita mo ba tong babae na to?" sabay abot sakin ng isang litrato. Looking at the photo, I know it was her. I know it was Lucy. Bakit niya hinahanap si Lucy? Medyo natamimi ako ng ilang minuto bago tuluyang sagutin ang tanong ng lalaki saakin. Napailing-iling ako sabay sabing, "Hindi pare. Bago lang sakin ang muka ng babaeng yan." Pagsisinungaling ko pa.

"Ah ganun ba? sige salamat." Akma na sanang tatalikod ang lalaki ng agad naman akong magtanong sa kaniya. "Nga pala pare, ba't mo nga ba sya hinahanap?" may curiosity sa boses na tanong ko.

"Ahm---nawawala na kasi sya mahigit isang linggo na rin at nag-aalala na sa kaniya yung pamilya nya." Ani nito na ikinagulat ko naman pero di ko ipinahalata sa nagtatanong na lalaki. Is she really missing? or she meant to hide herself from them? Hindi ko gustong manghimasok at sa halip ay mas pinili kung itago yung totoo. Dahil alam kung may rason si Lucy kung bakit di sya umuuwi.

"Kaya ba? Kawawa naman yung pamilya nya. Pasensya na pare at wala akong maitutulong sayo." Ani ko.

"Sige-sige, okay lang. Maraming salamat nalang ulit." sabi nito at hinayaan ko na nga syang umalis. Pagkuwa'y nawala naman sa isipan ko kung bakit ako lumabas ng kotse kaya bumalik nalang ulit ako sa loob at sabay na nagmaneho palayo sa lugar na yun. Agad kung pinaharurot yung sasakyan. Kaylangan ko ng makauwi ng beach house.

***

[Beach House]

"Oh, bakit ngayon ka lang?" bungad na tanong ni Manang pagkadating na pagkadating ko ng bahay.

"May inasikaso pa po kasi ako manang sa opisina." Palusot ko. "Nga pala, si Lucy po?" agad kung tanong.

"Hmm... ayan ka na naman. Siguro para sa kaniya yang bulaklak na dala mo ano?" nakangiting sabi ni Manang Mudelle.

"Ah, ito po? Opo para nga po ito sa kaniya. Nasan po sya?" ani ko.

"Napagod yun kakaantay sayo kaya umakyat nalang sya ng kwarto." Sabi ni Manang. Ako? Inantay nya? Bakit naman?

"Manang, totoo ba talagang inantay nya yung pagdating ko?" pangungulit ko kay Manang.

"Naku naman itong si Lucas. Oo nga kasi... eh nagalit pa nga yun kanina. Sinabi ko kasing mabilis kalang mawawala, eh di ko naman inakalang aabutin ka ng gabi sa syudad." Ani ni Manang. "Alam mo, mas magandang idea na din na bumili ka ng bulaklak. Pang peace offering mo sa kaniya." Natatawang sabi ni Manang Mudelle. Natigilan naman ako sa kinatatayuan ko.

"Alam mo, umakyat kana don sa taas at puntahan mo na sya. At ako'y may gagawin pa." ani nito at sabay akong iniwanan.

Mukang mapapasubok ako nito ngayon ah?

Dale-dale na akong umakyat ng hagdan at ng nasa tapat na ako ng kwarto ay dahan-dahan ko namang pinihit yung doorknob para buksan ito. Papasok na sana ako sa loob ng marinig kung magsalita si Lucy.

"Demonyo ka! tigilan mo na ako!" sigaw nito. Nataranta naman ako kaya agad akong pumasok sa loob. Timing naman yung pagpasok ko sa pagtapon niya ng teleponong hawak. Bigla naman syang natigilan ng makita nya ako. Inilapag ko yung bulaklak sa kama atsaka sya nilapitan.

Bigla lang naman syang napaatras sa ginawa kung paglapit sa kaniya.

"Lucy, anong problema?" pag-aalala kong tanong sa kaniya. Pero sa halip na sumagot ay humagulhol sya sa pag-iyak.

"Sabi ni Manang mabilis kalang mawawala. Tapos ngayon, inabot ka ng gabi." May inis sa boses na sabi nya habang patuloy sa pagpatak ang kaniyang mga luha.

"Pasensya na---" agad niya namang pinutol ang sasabihin ko.

"Pasensya? Hindi mo ba alam kung gano ako nag-alala sayo?!" ani nito. Maigti ko lang syang tinitingnan sa mga mata nito. At nakikita ko ang puno ng pag-aalala nya mula rito na may halong takot. Her body was trembling. May kinalaman kaya yung tumawag sa kaniya sa telepono kaya sya nagkakaganito?

"I'm sorry for making you worried." Mahinahon kung sabi. Bigla naman akong nagulat ng agad syang lumapit at niyakap ako ng mahigpit. "No, a---ako dapat ang humingi ng tawad sayo. I'm---I'm sorry for everything." Ani niya sa nauutal na boses.

"It's okay Lucy. I understand you." Pauna kong sabi. "Pero, pwede bang malaman ko kung ano ba ang nangyari sayo nung gabing pinasakay kita sa kotse ko?" dugtong ko. Dahan-dahan naman siyang kumawala sa pagkakayakap saakin.

"Wala. Hindi mo na kaylangan pang alamin Lucas." Ani niya at sabay nag-iwas ng tingin.

"Well... I wanted to know Lucy because I wanted to help you sa kung ano mang pinagdadaanan mo." Pagsalungat ko sa sinabi niya.

"Mas mabuti pang wag mo ng alamin Lucas, dahil alam kung kapag nalaman mo, hindi muko matatanggap." Sabi niya habang humihikbi. Agad ko namang hinawakan ang magkabilang balikat niya at sabay na iniangat ang muka nito.

"Look, kahit ano kapa? kahit sino kapa? tatanggapin kita ng buong-buo. Just please... tell me what's happening?" pagpapalakas ko ng loob sa kaniya.

"I don't want you to get involve in my chaotic life, Lucas." Mahinang sabi niya.

"I already been involved in your life, Lucy. I already been involved and it all started when I decided to help you on that night." puna ko.

>>>>>

Author's Note: Ah—oh? Nagdadramahan yung dalawa, nakakahawa. Lol. 

(Thank you po sa mga nagbasang umabot na dito😊 bukas ko na lang po e a-update yung Chapter 11. Good night🌃)

LUCYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon