Grabeng sakit ang naramdaman ni Renato ng sa pagpunta nya sa lugar kung saan nangyare ang aksidente ay wala na syang inabutan kundi ang kotseng inubos na ng apoy.
"Hindi—hindi to totoo." Nanghihina niyang sabi. Bigla syang napaluhod sa lupa at sabay na naisigaw ang pangalan ng kaniyang mag-ina.
"Isabel! Lucas!" hagulhol nyang sigaw sa pangalan ng mag-ina niya.
"Ba't ba kasi di muko inintay, Isabel? Bakit hindi ka nakinig sakin? Sabi ko naman na babalik agad ako diba...? ba't—ba't mo pa kasi naisipang lumayas?!" Humihikbing ani ni Renato habang naikukuyom ang mga kamao nito. "Idinamay mo pa ang anak natin—idinamay mo pa si Lucas." Pagsisising sabi ni Renato.
Pero kahit na anong sabihin nya, hindi nya na naman mababago pa ang nangyare. Hindi nya na maibabalik pa ang buhay ng kaniyang mag-ina.
***
Labing walong taon ang lumipas at naging seryoso si Renato na palaguin ang samahang itinatag ng kaniyang kaibigang namatay. Sya na ngayon ang pinuno at Senior ng mga sindikato. Naging malupit sya sa paglipas ng mga taon na animo'y parang namanhid na ang kaniyang puso. Naging mainitin ang kaniyang ulo at isang pagkakamali lang ng kaniyang mga tauhan ay kaagad nya itong pinapatay. Halos lahat ng tao kinakatakutan sya kaya wala ni isa ang kayang mangahas sa kaniya.
"Senior, may problema po tayo." Aniya ng kaniyang tauhan.
"At ano naman yun?!" agad namang tanong ni Renato.
"Yung kasosyo po nating si Mr. Cruz, di na po ma contact. Mukang pinagtataguan po ata tayo."
"Pinagtataguan? Ang lakas naman ng loob nyang pagtaguan tayo! Wala ni isang tao ang kaya akong pagtaguan." Pauna nyang sabi. "Maghanda kayo at pupuntahan natin yung lunggang kinalalagyan nya." Mariing sabi ni Renato. Agad din namang kumilos yung kaniyang mga tauhan at pagkuwa'y nagtungo na din sila.
Isang oras din yung binyahe nila Renato ng makarating sila sa Secret Villa ni Mr. Cruz. Tahimik nilang hinalughog ang buong Villa hanggang sa matagpuan nila ito na nasa taas ng kwarto niya at mukang nag-iimpake ng kaniyang mga gamit.
"At san mo naman balak pumunta Mr. Cruz?" aniya ni Renato na ikinalingon naman ni Mr. Cruz sa pinto. Laking gulat nya naman ng makitang nakatayo doon si Renato at may hawak na baril sa kanang kamay nito.
BINABASA MO ANG
LUCY
Mystery / Thriller[Most Impressive Rank: romance #20] Her name was LUCY - one word, four letters. A woman who lived in a chaotic world of life and all she wants was to be free and to live life the way she wanted it to be. But what can she do when things get rough a...