Chapter 5

30 3 0
                                    

Lucas POV:

Ilang oras din yung binyahe namin bago makarating sa probinsya kung saan naroon ang private beach house ko. Ilang buwan din kasi akong hindi nakapagbakasyon dito dahil nga palagi kung binababad sa trabaho ang aking sarili. Since I don't want any nuisance from Katrina kaya naisipan kung magpalipas muna ng ilang linggo dito sa probinsya at para na rin ilayo si Lucy sa kung ano mang kapahamakan ang nag-iintay sa kaniya dahil kahit hindi niya sabihin alam ko at nararamdaman kung may malaking problema syang kinakaharap at yan yung kaylangan kung alamin.

"Nandito na tayo." Masayang sabi ko.

"Kaninong bahay tu? Ikaw ba may-ari nito Lucas?" agad na tanong ni Lucy saakin.

"Oo, ako nga." Nakangiti kong sabi. Nakita ko naman ang pagkamangha sa muka ni Lucy.

"Grabe... ang yaman mo pala talaga nu?" ani nito.

"Sinabi mo pa. Eh kung tutuusin isa lang to sa napakaraming private beach houses meron si Lucas." Saligbat naman ni Manang Mudelle.

"Talaga?" di makapaniwalang tanong ni Lucy at sabay akong tiningnan sa mga mata. "Pero kahit anong dami ng bahay mo? o kahit anong yaman mo? Hindi pa rin naman ito magiging sapat para mabigyan ng pang-habangbuhay na kaligayahan ang isang tao." Dugtong pang sabi ni Lucy at agad niya ring iniwas ang tingin niya sakin matapos niyang sabihin iyun. Did she feel this way?

"Well, tama ka naman dyan Lucy. Aanhin mo nga naman ang sarili mong yaman kung mag-isa ka naman, di ba?" pagsang-ayon pa ni Manang Mudelle sa kaniya.

"Naku, tama na nga yan. Nandito tayo para mag-enjoy at hindi para mag-debate." Pagpuputol ko ng topiko. Bigla namang natawa si Manang Mudelle, "Oo nga naman, halika't bumaba na tayo ng mapaghanda ko na kayo ng pagkain." Nakangiting sabi ni Manang Mudelle at agad na rin siyang bumaba dala yung mga gamit namin. Sumunod naman kaming bumaba ng kotse ni Lucy.

"Sir Lucas, nandito na po pala kayo." Bati ni Mang Ben, ang aking katiwala dito sa bahay.

"Opo Mang Ben, nga pala? Nalinis nyo na po ba yung kwartong gagamitin namin mamaya?" tanong ko dito. Bago kasi kami umalis kanina tinawagan ko muna si Mang Ben para ipaalam ang pagdating namin ngayon at para maihanda din yung bahay.

"Huwag po kayong mag-alala, malinis na malinis na po iyun." Nakangiti nitong sabi.

"Maraming salamat po kung ganun." Ani ko. "Nga pala, si Lucy po. Lucy si Mang Ben katiwala ko dito sa bahay." Pagpapakilala ko sa bawat isa.

"Nice to meet you po Manong." Nakangiting sabi ni Lucy at sabay na naglahad ng kamay, tinanggap naman iyon ni Mang Ben. "Hindi ko akalain na ang ganda po pala ng mapapangasawa niyo Sir Lucas." Pagpupuna ni Mang Ben. Agad naman akong siniko ni Lucy sa tagiliran at tinapunan ng masamang tingin.

"Naku naman itong si Mang Ben, sige po at papasok na kami sa loob. Pakitulungan nalang po si Manang sa pagpasok ng iba pa naming gamit." Ani ko at sabay na hinarap si Lucy.

"Pasensya kana. Dinahilan ko lang yun kay Mang Ben para di na siya magtanong pa tungkol sayo." Rason kung sabi sa kaniya. Pinanliitan niya lang naman ako ng mga mata na animo'y eni-examine yung muka ko kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"It's okay. I like it though." Masaya niyang sabi at patalon-talong naglakad papasok ng bahay. Tinakot niya pa talaga ako sa mga tingin niya, akala ko pa naman magagalit na naman sya sakin. Hayst! Buti nalang at hindi.

***

"Manang, nakita niyo po ba si Lucy?" agad kung tanong kay Manang matapos makababa mula sa kwarto. Nagshower lang kasi ako sandali tapos paglabas ko ng kwarto wala na siya doon.

"Nakita ko sya kaninang bumaba pero di ko alam kung san nagpunta. Hanapin mo nalang paniguradong nasa paligid lang yun." Ani ni Manang habang busy sa pagluluto ng dinner namin.

"Sige-sige po. Hahanapin ko nalang siya." Sabi ko at agad na lumabas ng bahay.

Inihatid naman ako ng mga paa ko sa baybayin. The salty air was touching my whole body and the sun was already setting on its place. I really miss this. The beautiful scenery that gives me peace of mind and the sounds of the ocean which is more relaxing to hear. Naalala ko tuloy si Mama. Paboritong-paborito niya kasi yung spot na to e. I closed my eyes at nafefeel ko na parang kasama ko lang si Mama. That she was here standing in front of me. Maya-maya pa'y naramdaman kong may yumayakap sakin. I slowly open my eyes and I saw her, Lucy. I hug her back.

"Nandito ka lang pala." Ani ko.

"At sa tingin mo, san naman ako maaaring pumunta?" sabi nito at dahan-dahang kumawala sa pagkakayakap sa akin. "Kanina pa kaya kita tinitingnan dito. I was sitting on the hammock pero di mo naman ako nakita, mukang ang lalim-lalim kasi ng iniisip mo. Ano ba yun? Want to share it with me?" nakangiti nitong sabi.

"Naalala ko lang si Mama. This is her favorite spot when she was alive." Tanging sabi ko.

"Siguro maganda yung Mama mo?" puna niya.

"Pano mo naman nasabi?" tanong ko sa kaniya.

"Kasi..." pauna niyang sabi sabay na iniangat ang kanang kamay niya at hinawakan ang kanang pisngi ko. "Kasi ang gwapo ng anak niya." Dugtong nitong sabi at sabay akong hinalikan sa mga labi. It's just a quick kiss pero it does matter to me. Napangiti ako sa sinabi at ginawa niyang iyon.

"What will you do if I fall for you?" nakangiting tanong ko sa kaniya.

"Probably, iiwanan kita, lalayuan." Diretsong sagot niya sakin.

"Pero bakit?" curious kung tanong sa kaniya.

"Kasi yun yung dapat. Yun yung tama. So, don't fall for me nor love me dahil masasaktan ka lang." sabi ni Lucy na ikinagulo naman ng utak ko. Bakit ayaw niyang ma-fall ako sa kaniya? At bakit niya inilalapit yung sarili niya sakin kung ayaw niya naman palang ma-fall ako sa kaniya? Ano ba talaga ang rason mo Lucy? Ba't ka ba ganito?

"You're driving me crazy... If you don't want me to fall for you or to love you? Why are you kissing me? Why are you acting that you were so attached with me? Aren't you in love with me?" kunot noong tanong ko sa kaniya.

Napabuntong hininga naman sya bago tuluyang sumagot, "It's just nothing. Huwag mung bigyan ng kahulugan yung mga ginagawa ko Lucas. Kasi kung mahal kita, hindi kita hahalikan at higit sa lahat, hindi kita yayakapin." Ani niya. "Sige at mauuna na akong papasok sa loob ng bahay." Dugtong nitong sabi at sabay akong iniwanan.

'Why she always give me an unreasonable answer?'

>>>>>

Author's Note: Thank you po sa pagbabasa niyo😊

Kindly vote this chapter before you proceed. Maraming salamat🥰

LUCYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon