Chapter 16

14 2 0
                                    

Lucy's POV:

Medyo ginabi na rin ako ng uwi. Nanggaling kasi ako sa Vet Clinic para epacheck-up si Luke. Nanghihina kasi ito at walang ganang kumain. Kaya nagpaalam ako kay Iniego napapatingnan ko muna si Luke sa Veterenarian. Pinayagan nya naman akong umalis. Gusto nya pa sana akong samahan kasu lang e, may ememeet-up daw sya na tao sa bahay, kasosyo nya daw sa negosyo. Kaya kami lang ni Luke ang umalis, ofcourse pinag-drive kami ng driver ni Iniego. Ayaw naman kasi nung umalis ako ng nagco-commute.

"Mang Jig, salamat po sa pagmamaneho niyo saamin a." masayang sabi ko dito matapos akong makababa ng kotse habang karga-karga ko naman si Luke.

"Walang ano man po Ma'am Sandra." Nakangiti namang tugon ni Mang Jig. Ngumiti din naman ulit ako at pagkuwa'y pumasok na din ng bahay.

"Yiee... nandito na ulit tayo sa bahay Luke." Masayang sabi ko sa aking aso habang hinihimas-himas ang kaniyang balahibo sa likod.

Bigla ko namang nakita si Ellen, yung isa sa mga kasambahay namin. "Ellen, si Sir Iniego mo nasaan?" agad kung tanong dito matapos ko syang lapitan.

"Nasa balkonahe po Ma'am." Tugon nito.

"Ganun ba? Sige, Salamat." Nakangiti kong sabi. Agad din naman akong nagtungo sa balcony para puntahan si Iniego.

Nadatnan ko namang masayang pinapakitunguhan ni Iniego ang taong kausap nito nang makarating ako ng balkonahe. Hindi ko naman makita ang muka ng kausap nya dahil nga sa nakatalikod ito saakin. Siguro ito yung kasosyong tinutukoy ni Iniego kanina.

"Love." Putol ko sa masaya nilang pag-uusap.

"Oh—there she is, my love of my life." Aniya ni Iniego habang nakangiti. Nginitian ko din naman sya.

At akma na akong hahakbang para sana lapitan si Iniego nang bigla namang lumingon saakin ang kausap nito dahilan para makilala ko kung sino sya.

"LUCAS?" gulat kong tugon sa aking isipan.

Bigla namang bumigat ang aking mga paa na di ko maintindihan kung bakit? I was stuck standing on my position at nagulat nalang ako ng nasa tabi ko na pala si Iniego.

"Love, are you alright?" pag-aalala nitong tanong sakin.

"Oh yeah, yeah. I'm fine." nakangiti kung turan sa kaniya.

"By the way, Love this is my business partner, Lucas. And Lucas, this is my girlfriend—my love of my life, Sandra." Masayang pagpapakilala ni Iniego saamin. Nginitian ko lang naman si Lucas at sabay na binalingan ng tingin si Iniego at iniyakap ang sarili dito.

"Ah—Sandra?" patanong sambit ni Lucas sa pangalan ko na ikinakaba naman ng aking dibdib. I hope you don't make a scene here, Lucas.

"Your dog is cute. Hindi ko akalain na ang babaeng kagaya mo ay mahihilig sa pag-aalaga ng aso." Aniya ni Lucas habang tinititigan ang aso kung si Luke.

"Oh—I forgot to introduce you our little baby boy. By the way, Lucas this is Luke. Ang naging rason kung bakit ko nakilala si Sandra." Masayang tugon ni Iniego. Napatango-tango lang naman si Lucas sa sinabi ni Iniego.

"Really? kasing-pangalan ko pa talaga yung aso niyo." Pauna nitong sabi. "Paano nga ba kayo nagkakilala ng love of your life, Mr. iniego?" nakangiting tanong ni Lucas kay Iniego. Bakit gusto nya pang alamin? Ano na naman ba yung iniisip mo Lucas?

Bigla naman akong binalingan ng tingin ni Iniego at sabay na hinalikan sa kaliwang bahagi ng noo ko bago tuluyang sinagot ang tanong ni Lucas.

"Actually, nagkakilala kami sa hindi inaasahang pangyayare. Muntikan na namin 'tong mabangga ng sasakyan ng dahil kay Luke." Natatawang kwento ni Iniego. "Sinubukan nya kasing iligtas si Luke dahil paingka-ingka itong naglalakad sa kalsada kaya dun nag-cross yung landas namin. Sya na itong muntikan naming mabunggo pero mas inuna nya pa yung kapakanan ng aso nya. I insisted to bring her to the hospital pero mas pinili nyang sa Vet Clinic kami pumunta para macheck-up itong si Luke. She has a kind-hearted heart which makes me fall in love with her." Masayang sabi ni Iniego.

"Matagal na ba kayo?" biglang tanong ni Lucas.

"Three weeks palang kami pero feel ko—ilang taon na kaming magkasama." Aniya ni Iniego.

Maya-maya pa'y biglang tumunog yung phone ni Iniego.

"Oh—let me answer this first. Please excuse me." Aniya nito. Binalingan niya naman ako sabay sabing, "Love, asikasuhin mo muna si Lucas. Okay." Nakangiti nitong sabi sakin at pagkuwa'y umalis na din sya sa balcony.

Namayani naman ang katahimikan sa aming dalawa ni Lucas. I feel awkward sa sitwasyon meron kami ngayon kaya di ko sya tinatapunan ng tingin at sa halip ay binabaling ko nalang ang atensyon ko kay Luke. Pagkuwa'y nagulat naman ako ng bigla syang magsalita.

"So—Sandra na pala ang pangalan mo ngayon?" aniya nito. Iniangat ko naman ang tingin ko at tsaka sya tiningnan.

"Because that's my name." seryosong sagot ko.

Nagulat naman ako ng bigla nya akong nilapitan at hinawakan sa magkabilang balikat ko habang tinitingnan ako ng diritso sa mga mata.

"Why did you leave me, Lucy? Hindi mo ba alam kung gano ako kaalala sayo nung bigla kang nawala?" aniya nya. And I saw his worried eyes once again. Hindi dapat ako magpadala sa emosyon ko. Dapat makumbinsi ko si Lucas na hindi ako yung babaeng nakilala nya noon. It's the only way para tantanan nya na ako, para hindi sya madamay sa sitwasyong kinasasangkutan ko.

"Huwag mo nga akong hawakan." Pauna kong sabi at sabay na iwinakli yung mga kamay nya. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Hindi ako si Lucy. Sandra—Sandra ang pangalan ko. Hindi ka naman siguro bobo para hindi mo maintindihan yung sinasabi ko diba?" seryoso kong sabi at pagkuwa'y tinalikuran siya. Nagulat naman ako ng bigla nya akong niyakap patalikod.

"I know it's you, Lucy. Please, sumama kana sakin. Umuwi na tayo, umuwi na tayo sa bahay ko." Sabi niya sa nakakaawang boses. Ano ka ba Lucas? Sana naman wag mo na akong pahirapan pa.

"Please Lucas, nagkakamali ka ng inaakala. Hindi ako ang babaeng tinutukoy mo kaya imposible na sumama ako sayo. Masaya at tahimik ako sa piling ni Iniego, kaya pwede ba wag mo na akong guluhin pa." giit kung sabi at sabay na nagpumiglas sa mga yakap nya dahilan para bumitaw sya.

"Pero hindi mo sya mahal!"

"Paano mo naman nasabi yan? Nararamdaman mo ba kung anong nararamdaman ko? Hindi naman diba?" inis kung sabi sa kaniya.

"Alam ko at nararamdaman kung hindi mo sya mahal. Ba't ba kasi ayaw mo pang aminin?" pagpipilit nito.

Bigla namang dumating si Iniego kaya agad akong lumayo kay Lucas.

"I'm sorry, medyo natagalan ako." Ani nito habang nakatitig sa phone nya na kalauna'y inilayag nya na rin sa bulsa. Nakangiting lumapit naman ako sa kaniya.

"Love, gabi na din baka kaylangan ng umuwi ni Lucas." Aniya ko habang tinitingnan si Lucas.

"Ahm... Oo nga, but since ginabi kana rin naman, Lucas. Would you like to have dinner with us? Nagpahanda na kasi ako kina Jessy at Ellen atsaka, pambawi ko nalang din sayo sa pagpunta mo dito. Iyon ay kung gusto mo?" nakangiting sabi ni Iniego. Maigti naman akong tiningnan ni Lucas bago niya sinagot ang tanong ni Iniego.

"Okay. Bakit hindi? Mukang nagrereklamo na rin kasi tong sikmura ko e." nakangiting tugon nito kay Iniego. Napabuntong hininga lang naman ako matapos marinig ang sinabi niya.

Ba't ba ayaw mu kong tantanan Lucas?

>>>>>

Author's Note: Mahal ka nga kasi ni Lucas, Lucy. Hay naku, choosy pa tong si Ateng. Hahaha.

Kindly Vote and comment po before mag proceed sa next chapter. Hehehe. I'll totally appreciate it. Maraming salamat 🥰

LUCYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon