Dahan-dahan kung naimulat ang aking mga mata. Bumungad naman sakin ang kakaibang ceiling dahilan para mapakunot ang noo ko. 'Na saan ako?' bigla kong tanong sa aking isipan at sabay na napaupo mula sa pagkakahiga. Nahagip naman ng paningin ko yung mga litrato ni Uncle Rodulfo na nasa dingding. 'Nasa kwarto siguro ako ni Uncle Rodulfo.'
Napabaling naman ako sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok mula rito si Lucy na may dalang tray ng pagkain.
"Lucas!" may galak sa boses na sabi nito at dale-daleng lumapit sakin. Ipinatong nya muna yung tray ng pagkain sa side table at pagkuwa'y umupo sa tabi ko.
"Mabuti naman at gumising kana." Masaya nitong sabi. "Kamusta yung pakiramdam mo?" agad nya namang tanong sakin.
"Ok na yung pakiramdam ko." aniya ko. "Ano nga ba yung nangyari sakin?" bigla kong tanong kay Lucy na ikinakunot lang naman ng noo nya.
"Ba't mo ko tinatanong? Huwag mong sabihin na wala kang natatandaan kung paano mo kami pinakaba ni Tito Rodulfo?" aniya nya.
'Pinakaba? Bakit ko naman sila pakakabahin? Ano bang ginawa ko?' naguguluhan kong tanong sa isipan.
Napailing-iling naman ako kay Lucy bago tuluyang magsalita. "Bakit? Ano bang ginawa ko at kinabahan kayo ni Uncle Rodulfo?" kunot noong tanong ko sa kaniya.
"Naku! Wala ka talagang natatandaan?" di makapaniwalang tanong nito sa akin. Nagulat naman ako ng bigla nyang ilagay yung kamay nya sa noo ko na para bang pinapakiramdaman nya kung may sakit ako o ano?
"Hindi ka na naman mainit. Parang okay kana naman. Pero ba't ganon? Your like dealing some memory lost? Amnesia?" Napapaisip na sabi nya. "Baka mamaya pinagtitripan mo lang ako, Lucas ha?" aniya nito at sabay akong pinanliitan ng mata.
"Ba't naman kita pagtitripan? Eh sa di ko nga matandaan kung paano ako napunta dito sa kamang to? Ano ba kasing nangyari? May nangyari ba sakin kanina?"
"Bigla ka nalang kasing nang-init kanina at grabe yung pamamawis mo. Tapos bigla kang nawalan ng malay." Mahinahon nyang sabi sakin. "Akala ko pa nga pino-possess ka. Kalaunan malalaman ko na di naman pala totoo yung pinagsasabi mung multo dito." May pagtatampo nitong sabi.
"Sino naman nagsabi sayo nyan?" anya ko habang tinitingnan sya.
"Eh di si Tito Rodulfo. Alam mo ba na parang mababaliw ako kanina kung ano yung gagawin ko sayo? Kung ano-anong conclusion tuloy yung naiisip ko dahil sa mga kwento mong wala namang kabuluhan." Sabi niya. Bigla naman akong napatawa dahilan para tingnan nya ako ng masama.
"Ano namang tinatawa-tawa mo dyan?" may inis sa boses na sabi niya.
"Hindi ko kasi akalain na papaniwalaan mo yung sinabi ko. Atsaka, naisip mo talaga na baka pinossess ako?" sabi ko habang natatawa. Bigla nya naman akong hinampas sa braso.
"Hindi mo ko masisisi dahil possible naman yung mangyare kung sakali mang totoo talagang may multo dito nu? Atsaka, para ka naman talagang pino-possess kanina." Pauna nitong sabi. "Hindi mo ba talaga natatandaan kung ano yung nangyari? Kung ba't ka nagkaganon kanina?" seryoso nitong tanong sakin. Bigla naman akong napaisip pero wala naman akong maalala. Yung huli kasing natatandaan ko may kinuhang black folder si Uncle at iniabot ito kay Lucy na ikinaiba ng expression ng muka nya at tapos nun—wala na akong matandaan.
"I don't really remember why I passed out. Last thing I knew, Uncle gave you a black folder which suddenly changes your expression. Other than that, there's nothing." Aniya ko.
"Talaga? di bale na nga lang. Kalimutan na lang natin yun. Ang mas importante naman ngayon ay ang gumising ka." Nakangiting sabi ni Lucy sakin.
"Nag-alala ka talaga sakin nu?" nakangiti kung tanong dito.
"Syempre. Sino bang hindi mag-aalala kong mangyare mismo sa tabi mo yung ganon tapos nawalan pa ng malay?"
"Eh, paano kung tuluyan na akong di gumising? Ano yung gagawin mo?" bigla kong naitanong.
"Siguro—magagalit? Kasi nangako ka sakin na kahit anong mangyari hindi ka mamamatay e." seryoso nitong tugon.
"Talaga? E, hindi na nga ako gumising nun tapos magagalit kapa sakin."
"Alam mo? Kumain ka nalang. Panigurado, gutom kana. Mukang ilang oras ka ding nakahilata e." pag-iiba nito ng usapan at sabay na kinuha yung tray ng pagkain sa side table. Bigla namang napakunot yung noo ko. 'Ilang oras? Ibig sabihin matagal akong nawalan ng malay?'
"Lucy, ilang oras akong nawalan ng malay?" agad kung tanong sa kaniya. Bigla nya namang ipinatong sa kama yung tray bago ako sinagot.
"Mga sampung oras." Tugon nito na ikinatingin ko namang bigla sa aking relo. 'What? 9pm na?' gulantang kong turan sa isipan. Napansin naman ni Lucy na tinitingnan ko ang aking relo.
"Alam mo? Huwag mo ng alalahanin ang oras. Si Tito na naman ang nagsabi na dumito na muna tayo ngayong gabi." Pauna nitong sabi. "Heto oh? Pinagluto kita ng tinolang manok. Tikman mo, masarap to." masaya nyang sabi at sabay akong sinubuan. Bigla naman kaming natigilan ng pumasok si Uncle sa kwarto.
"Lucas! I'm glad you already wake up." Masayang sabi ni Uncle Rodulfo at sabay na lumapit sakin. "How's your feeling?" agad nitong tanong sakin.
"I'm fine, Uncle. No need for you to worry." Tugon ko.
"Well... muka ngang okay na okay kana." Napapangiting sabi nito at sabay na binalingan si Lucy na ngayon ay hawak pa rin ang kutsarang isusubo sana saakin. "I'm sorry if I interrupted your sweet moment. Just enjoy your night here and I take my leave." Aniya nito at sabay na ring lumabas ng kwarto. Agad ko namang binalingan si Lucy.
"Dale na, isubo mo na to Lucas at nangangawit na yung kamay ko." Reklamong sabi ni Lucy. Napatawa naman ako bago tuluyang kainin yung isinubo nyang kutsara.
'She's acting so nice to me. Mukang mas maganda atang palagi akong nagkakaganito.'
>>>>>
Author's Note: Ay naku Lucas, tama na yan dude. Madami pa kayong pagdadaanang trials, huwag mo ng pangaraping mawalan ulit ng malay dahil hindi mo magugustuhan yung gagawin ko. Lol.
(Kindly vote and comment po mga mahal kung mambabasa. Maraming salamat...)
BINABASA MO ANG
LUCY
Mystery / Thriller[Most Impressive Rank: romance #20] Her name was LUCY - one word, four letters. A woman who lived in a chaotic world of life and all she wants was to be free and to live life the way she wanted it to be. But what can she do when things get rough a...