[Past]
"Renato, san ka na naman pupunta?" agad na tanong ni Isabel ng mapansing nakabihis ng maayos ang kaniyang asawa.
"Isabel, mahal, aalis muna ako. May transaction lang kaming lalakarin. Pagkatapos nun, babalik agad ako." Aniya ni Renato.
"Transaction na naman? Kaylan mo ba to titigilan Renato?! Hindi ba sinabi mo sakin na kakalas kana dyan sa ginagawa mo?" may kataasan sa boses na sabi ni Isabel.
"Huwag kang mag-alala, panghuli na talaga to. Pangako." Sabi ni Renato habang hawak ang magkabilang kamay ni Isabel.
"Bahala ka sa buhay mo! Kapag umalis ka dito ngayon, sinisigurado ko sayo na wala ka nang madadatnan dito sa bahay." Babalang sabi ni Isabel kay Renato at sabay na tinalikuran ang asawa. Bigla naman syang niyakap ni Renato patalikod.
"Mahal naman—Isabel, wag mo naman tong gawin sakin. Pangako ko talaga sayo, panghuli na to." aniya nito at sabay na iniharap ang asawa at binigyan ng halik sa noo. "Kaylangan ko ng umalis. Mamaya nalang tayo mag-usap pag-uwi ko." Nakangiti nitong sabi. Agad namang nilapitan ni Renato ang kaniyang anak na si Lucas at sabay ring nagpaalam dito. Pagkuwa'y umalis na rin si Renato.
Hindi na naman natiis pa ni Isabel ang magulong buhay na kaniyang ginagalawan kaya dale-dale syang nag-impake ng kanilang gamit ni Lucas. Tatangkain nya na ang pagkakataon na iwanan si Renato.
"Mama, san po tayo pupunta? Ba't po kayo nag-iimpake ng mga gamit natin?" biglang tanong ni Lucas sa kaniyang Ina.
"Anak, aalis na tayo. Iiwanan na natin ang iyong Papa." Umiiyak na sabi ni Isabel sa anak.
"Pero bakit po?"
"Dahil gusto ko na mabuhay ka sa payapang mundo. Yung walang mga baril at masamang tao ang nakapaligid sayo. Gusto kung mabuhay ka kagaya ng isang normal na bata." ani ni Isabel at sabay na binalingan ang anak matapos maimpake ang kanilang mga gamit.
"Hali kana." Dugtong nitong sabi at sabay na hinawakan sa kanang kamay si Lucas. Agad silang lumabas ng bahay at sabay na nagtungo ng kotse.
"Lucas, anak, pumasok kana sa loob." Aniya ni Isabel. Sumunod lang naman si Lucas sa sinabi ng kaniyang Ina. At pagkuwa'y pumasok na rin sa kotse si Isabel at sabay na pinaandar ang sasakyan.
"Mama, sigurado po ba kayo na kaya nyo pong magmaneho ng kotse?" may pag-aalala sa boses na tanong ni Lucas. Alam nya kasi na di gaanong marunong ang Ina nya sa pagmamaneho ng kahit na anong sasakyan.
"Bahala na Lucas. Ang importante ay ang makalayo tayo ngayon dito." Aniya ni Isabel at sabay na ngang pinaandar ang kotse.
Mga isang oras na din silang nagbabyahe at naikokontrol naman ni Isabel ang preno at monobela ng kotse.
"Mama, san po ba tayo pupunta?" bigla namang binalingan ni Isabel ang anak. "Malalaman mo rin mamaya, Lucas." Nakangiting sabi ng Ina nito. At pagkuwa'y agad ding ibinalik ang tingin sa kalsada.
Paliko na sila sa kanang kanto ng may bigla namang sumalubong sa kanila na isang malaking truck kaya biglang nailiko ng mabilis ni Isabel ang kotse pakaliwa nya dahilan para malaglag sila sa bangin.
Halos duguan ang ulo ni Isabel dahil sa sugat na kaniyang natamo. Agad nyang binalingan si Lucas at nakita nya itong napapangiwi sa sakit na nararamdaman.
"Anak, Lucas." Sambit ni Isabel sa mahinang boses.
"Mama..." ani ni Lucas. Bigla namang tinanggal ni Isabel yung seatbelt nya at sabay na nilapitan ang anak at kinuha din ang seatbelt nito.
BINABASA MO ANG
LUCY
Mystery / Thriller[Most Impressive Rank: romance #20] Her name was LUCY - one word, four letters. A woman who lived in a chaotic world of life and all she wants was to be free and to live life the way she wanted it to be. But what can she do when things get rough a...