Chapter 11

17 2 0
                                    

Lucy's POV:

"I already been involved in your life Lucy. I already been involved and it all started when I decided to help you on that night." Ani ni Lucas.

"Ba't mo ba ako pinapahirapan ng ganito Lucas?" tanging sabi ko.

"Lucy, mahal kita. Alam kung magagalit ka na naman sakin kapag sinabi ko to, pero–pero di ko na mapigilan yung dikta ng puso ko e. Sa maikling panahon na nakasama kita, natotonan kang mahalin ng puso ko. At nasasaktan ako ng sobra kapag nakikita kitang ganito." Ani ni Lucas. Nanlulumo na rin yung mga mata nya dahilan para di ko sya matingnan ng diritso sa mga mata nito.

Bigla ko namang naikuyom yung mga kamao ko sa subrang galit na nararamdaman ko ngayon sa sarili ko.

"Punyet*ang pagmamahal yan! Itigil mo nga yang kahibangan mo Lucas!" sigaw ko sa kaniya. Alam kung napakasama ko dahil sinasaktan ko ng ganito si Lucas pero ito lang yung paraang alam ko para lumayo yung loob nya sakin. Yung iparamdam na wala akong nararamdamang kahit ano sa kaniya.

"Lucy, hindi kahibangan ang mahalin ka."

"Sayo hindi! Pero sakin Oo! Dahil hindi ako pwedeng magmahal o mahalin ng sino man... kasi–kasi lahat ng minamahal ko, lahat ng nagmamahal sakin... namamatay. Kaya pwede ba Lucas, pwede ba? Huwag mo ng ipagpilitan yung sarili mo sakin. Kasi wala pa rin namang patutunguhan ang lahat ng to e." ani ko habang napapahagulhol. Bigla akong napaupo sa kama dahil sa kahinaang nararamdaman ko sa aking kalamnan.

"Namamatay? Pero bakit?" curious na tanong nito saakin.

"Lucas, nagmamakaawa ako sayo. Makinig kana lang saakin. Pakiusap." Pagmamakaawa kung sabi.

Wala na namang naging imik pa si Lucas at sa halip ay iniwan akong mag-isa sa loob ng kwarto.

Bigla namang nahagip ng paningin ko ang bulaklak na nasa dulo ng kama. 

I'm sorry Lucas. I just wanted to protect you. I'm not a normal person that you can love just because your heart beats for me. We are in a different mode of life. Forgave me for hurting you so badly...

Patuloy lang sa pagpatak ang aking mga luha na animo'y parang walang katapusan. Bigla kung naiyakap ang aking mga tuhod habang nakayuko ang aking ulo mula rito.

Why life is so unfair to me? Am I that bad para mag-suffer ako ng ganito?

***

[Kinaumagahan]

Hindi pa man lumalabas ang bukang liwayway ay napagdesisyonan ko ng umalis ng bahay ni Lucas. Ayaw ko ng dagdagan pa ang pagpapasakit na ginagawa ko sa kaniya. I don't want him to suffer like how I suffer my life kaya hanggat maaga pa, hanggat hindi pa lumalala ang sitwasyon at hanggat wala pa syang nalalaman tungkol sa akin, lalayo na ako.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at nakita ko si Lucas na mahimbing natutulog sa sofang nasa gilid ng pinto. "Dito sya natulog?" Ani ko sa isipan.

Sa huling pagkakataon, tiningnan ko ng maigi ang napakagwapong muka ni Lucas. I bend my knees on the floor and for the last time, I kiss his soft and addictive lips. After of it, tumayo na rin ako at sabay na nagtungo ng hagdan at dahan-dahang nanaog mula rito.

Nakalabas ako ng bahay ng walang may nakakapansin sa akin. Patakbo akong nagtungo sa gate at ng nasa tapat na ako nito ay agad ko itong binuksan. Timing naman nang paglabas ko ng gate ay may biglang dumaan na tricycle kaya agad ko itong pinarahan. Nang huminto ito, agad din naman akong sumakay.

"Manong, sa terminal po tayo ng Bus." Ani ko. Agad din namang pinatakbo ni Manong yung tricycle nya.

Mga 15mins. din siguro yung inabot bago kami nakarating sa terminal. Agad akong nagbayad kay Manong at pagkuwa'y bumaba na din ako sa tricycle nito.

I hope, we'll meet again Lucas. At sana sa panahon na itagpo ulit tayo ng tadhana, sana may TAYO na.

"Sakay na sakay na. Isa nalang at aalis na tayo!" sigaw nang konduktor ng Bus na ikinabalik naman ng ulirat ko.

Agad naman akong sumakay dito matapos kung marinig iyon.

"Oh--kompleto na. Sige, larga." Sabi ng kondoktor at kaagad din namang umandar ang Bus na sinasakyan namin.

Actually, hindi ko alam kung san ako pupunta ngayon. I don't have any relatives or friends... at wala din akong dalang sapat na pera pang-check in ng hotel. Mukhang magiging palaboy-laboy ako nito ngayon.

***

Lucas POV:

Nagising ako ng wala nang Lucy sa bahay. Halos hinalughog na namin ni Manang Mudelle at Mang Ben yung sinakupan ng beach house na to pero wala na talaga sya. She's gone and she did leave me. Bigla akong nakaramdam ng panghihina ng katawan habang naglalakad pabalik ng kwarto ko.

"Lucas, Lucas." Sambit ni Manang Mudelle sa pangalan ko pero hindi ko sya pinansin at sa halip ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Pakiramdam ko tuloy ngayon, umalis syang tangay ang puso ko. Since my heart suddenly beats weakly. Na para bang namanhid itong bigla. I don't know what to do, I don't know how to continue my life since she's not here with me. She's the only one who helped me to forget Katrina and now that she's gone, hindi ko alam kung san pa ako huhugot ng lakas para magpatuloy.

Bigla kung naihiga yung katawan ko sa kama matapos makapasok ng kwarto. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Bigla akong nawalan ng ganang mabuhay. I slowly closed my eyes at kasabay naman nun ang pagtulo ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

>>>>>

Author's Note: Okay lang yan Lucas. Strengthen yourself. You'll get through this. (Sa mga heartbroken dyan na nagbabasa... keep going pa rin po dahil habang may buhay, may pag-asa😇💪)

LUCYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon