Lucas POV:
Matapos kung marinig yung mga katagang gusto kong sabihin ni Lucy ay napagdesisyunan ko ng umalis at wag na syang guguluhin pa. Siguro, may mga bagay talaga na hindi na kaylangan pang ipagpilitan kasi nga, hanggang doon nalang yun. Kasi kung kayo talaga ng isang tao, pagbali-baliktarin man ang mundo, babalik at babalik pa rin kayo sa piling nang isa't-isa at sa sitwasyon namin ni Lucy, mukang imposible nang mangyare yun. Sa mga sinabi nya kasi sakin kanina, mukang desidido na talaga sya na ayaw nya na talaga akong makita at makasama.
"I'm sorry Iniego but I need to go right now. Tumawag kasi sakin yung kasambahay ko, may emergency daw sa bahay." Palusot kung sabi kay Iniego matapos kung makabalik sa dining area.
"Ganun ba? Okay sige. Ihahatid nalang kita sa kotse mo." Tugon ni Iniego at sabay na tumayo mula sa pagkakaupo.
"No need na siguro, Iniego. Thank you nalang sa pa-dinner mo sakin. Nabusog ako, subra." Masayang sabi ko.
"Walang anu man. Sige, mag-iingat ka nalang sa pag-uwi mo." Aniya ni Iniego. Ngumiti lang naman ako at pagkuwa'y lumabas na rin ako ng bahay nya.
Agad akong nagtungo ng kotse at nagulat ako ng mapansing medyo nakabukas yung pinto ng kotse ko sa second seat. 'Nakalimutan ko ata tong isara kanina matapos ko kunin yung case ng laptop.' Aniya ko sa isipan at agad na nga itong isinarado. Dale-dale na rin akong pumasok ng kotse at pagkuwa'y agad na ngang nagmaneho.
Mga 8pm na rin nung umalis ako sa bahay ni Iniego. Medyo malayo-layo rin yung babyahiin ko pauwi since nasa northeast na-locate yung bahay ni Iniego at nasa south naman yung bahay ko. Mahigit isang oras na rin yung binyahe ko ng may marinig naman akong kumakalas na plastic mula sa likuran ko at maya-maya'y bigla namang nawala kaya nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho. Ilang minuto yung lumipas at may naririnig na naman akong kumakalas na plastic. Hindi ito tumigil kaya naihinto kung bigla yung kotse sa gilid ng kalsada para e-check kung ano yung maingay na plastic na kumakalas sa likuran ko. Agad kung tinanggal yung seatbelt ko at sabay na tiningnan kung anong meron sa likuran ko. Nagulat naman ako ng makitang nandoroon yung aso ni Lucy na si Luke at masiglang nilalaro yung plastic ng Starbucks na iwan ko kung ilang araw na itong nandirito sa kotse.
"Teka, paano ka nakapasok dito sa kotse ko, Luke?" kausap ko sa aso atsaka na inilipat ng pwesto dito sa unahan, katabi ko. Mukang mabait naman 'yong aso ni Lucy since hindi nya naman ako tinatahol na animo'y parang kilala lang ako nito.
"Naku, kaya siguro bukas yung pinto ko kanina dahil sayo nu? Pero, imposible naman atang makapasok ka? Di mo naman kayang buksan yung pinto?" parang timang na kausap ko sa aso. "Siguro nga talaga nakalimutan ko yung isara kanina nung kinuha ko yung laptop." Mahinang sabi ko.
"Naku, mag-aalala sayo si Lucy kapag nalaman nyang wala kana don sa bahay nila. Tsk, ba't kapa kasi sumama sakin. Naku naman, Luke. Mukang aaksayahin mo oras ko nito a." ani ko habang napapakamot sa ulo. Agad ko namang tiningnan yung relo ko and it's already 9:38pm. Hayst, bahala na. Kaylangan ko muna tong iuwi si Luke at baka mamaya mapagkamalan pa ako nitong kumikidnap ng aso.
I made a U-turn at nagmaneho akong muli pabalik sa bahay ni Iniego. Mukang mga hating-gabi ako nito makakauwi sa sarili kung bahay.
"Pasalamat ka talaga Luke dahil aso ka ni Lucy, kung hindi, ipapabukas ko talaga yung pagsasauli sayo." Sabi ko at sabay na binalingan ng tingin si Luke ngunit mahimbing na itong natutulog.
"Kita mo? At tinulugan mo pa talaga ako. Hanep talagang aso to oh!" aniya ko sa naiinis na boses. Agad ko na din namang pinaharurot yung kotse ko dahil nga sa medyo nakakaramdam na din ako ng pagkaantok. Naku, baka maaksidente pa ako nito ng dahil lang sa asong to.
Paliko na ako ng kanto ng may bigla namang sumulpot na babaeng naka-dress na white sa gitna ng kalsada. Agad ko namang inapakan yung preno.
"Ito na nga bang sinasabi ko e..." aniya ko sa mahinang boses. Napansin ko namang biglang natigilan ang babae at nanatili lang na nakatayo sa unahan ng kotse ko. Hindi ko naman maaninag ang muka nito dahil nga sa nakatagilid ito sakin.
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang bumaba ng kotse para tingnan ang condition ng babae. Agad ko siyang nilapitan nang makababa ako at nagulat ako ng sa pag-angat nya ng muka ay makikilala ko kung sino sya.
"Lucy?!" gulat kung sambit sa pangalan niya. Pinagmasdan ko sya ng mabuti at agad kung napansin yung pamamaga sa kaniyang mga mata na animo'y kakatapos nya lang umiyak ng tudung-tudo. I can see through her eyes how afraid and scared she was right now. Medyo nanginginig din yung katawan nya at napansin kung meron syang dugo sa mga labi nito. She's wearing white night dress with a shade of red color na alam ko sa sarili kung hindi iyon basta-bastang shade lang ng color sa damit nya, dahil kahit na madilim yung paligid, naaaninag ko pa rin that it was a stain of blood. Agad naman akong napabaling sa kanang kamay nya at nagulat ako ng makitang may hawak-hawak syang baril. At panghuli, napansin kung wala syang suot na tsinelas at nakapaa lang talaga sya.
My heart beats faster while I'm looking at her so curiously. 'What happened to her? She looks very terrified. May masama bang nangyari sa kanila ni Iniego?', pag-aalala kung tanong sa isipan.
"Lucas..." mahina nyang sambit sa pangalan ko at maya-maya pa'y bigla syang nawalan ng malay, buti nalang talaga at mabilis ko syang naisalo sa mga bisig ko.
Mariin ko syang tiningnan habang nakapikit ang kaniyang mga mata.
"Matindi siguro yung sinapit mo ngayong gabi, Lucy. Pero kahit ano pa yan, I'd rather choose to listen to your explanation than judging you just because of what things I've seen and observed—dahil ganun kita ka mahal at paniniwalaan ko kung ano man ang mga sasabihin mo sakin." Ani ko at sabay siyang hinalikan sa noo. "Don't worry, you're safe with me right now." aniya ko at agad na nga siyang kinarga sabay na ipinasok sa kotse.
Agad din naman akong nagmaneho matapos ko pumasok ng kotse at imbes na sa bahay ako umuwi, e naisipan kung sa probinsya dumiritso ng sa ganun ay mas makakampante akong ligtas si Lucy doon.
Alam kung ayaw mo kung papasukin sa buhay mo Lucy, pero kahit anong pigil mo at pagtaboy sa akin, yung universe na mismo yung gumagawa ng paraan para ilapit ako sayo—para ilapit tayo sa isa't-isa. Maybe—maybe this is the sign that I shouldn't leave on your side. That I should be your source of light to lighten the dark world you live in.
>>>>>
Author's Note: Buti nalang at nagawan ko ng paraan kung paano buhayin yung character nating aso na si Luke. Hahaha. Papatayin ko din kasi sana sya e, isasama ko sana sya sa pagkawala ni Iniego kasu kinalaban ako ng aking konsensya. Hindi ko pala kaya. Lol. Mahal ko kasi yung mga aso (labas yung mga dog lover dyan...) Hehe.
Anyways, swerte na naman ni Lucy. Saved by the bell na naman sya ni Lucas. Infairness... kahit pinagtatabuyan ni Lucy si Lucas, dumadating naman ito ng hindi inaasahan sa oras ng kaniyang pangangailangan.
BINABASA MO ANG
LUCY
Mystery / Thriller[Most Impressive Rank: romance #20] Her name was LUCY - one word, four letters. A woman who lived in a chaotic world of life and all she wants was to be free and to live life the way she wanted it to be. But what can she do when things get rough a...