Chapter 38

21 2 0
                                    

Lucas POV:

"Nasan ako?" agad kung tanong sa aking sarili habang naghahanap ng tao sa paligid. Bigla naman akong namangha nang inilibot ko ang aking paningin sa lugar na kinatitirikan ko ngayon. 'This place was very beautiful. Is this a paradise?' mangha kong sabi sa isipan habang nakatingin sa punong nasa gitna ng lake.

"Bakit ang sari-sariwa nang hangin dito na animo'y parang walang bahid ni katiting na polusyon? Anong lugar ba tong napuntahan ko?" aniya ko habang dinadama ang hangin sa paligid. Narinig ko naman ang mga nagsisi-awitan na mga ibon na kung papakinggan mo ng mabuti yung huning ginagawa nila ay makakatulog ka.

"Lucas." Bigla naman akong napalingon sa taong nagsalita at agad ko din naman siyang nakilala ng makita ko ang muka niya.

"Lucy, nandito ka rin pala." Masaya kung sabi at sabay siyang nilapitan at niyakap.

"You were too young when the last time I saw you but now, you're a grown-up man." Aniya nito sa masayang boses. Bigla naman akong bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya at sabay siyang tinitigan sa mga mata.

"Mama?" kunot noong sabi ko. Ngumiti naman siya sakin at sabay na hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Pagkuwa'y tumihin siya at binigyan ako ng halik sa aking noo.

"Ako nga, Lucas." Ani nito matapos akong halikan sa noo. Bigla namang tumulo yung luha ko at sabay siyang niyakap ng mahigpit.

"Miss na miss ko po kayo, Ma. Matagal ko pong inantay yung panahon na 'to. Yung mayakap ko po ulit kayo ng ganito ka higpit." May galak sa boses na sabi ko habang kayakap siya.

"Ako din, anak. Masaya ako at nayakap kitang muli." Masayang tugon ni Mama. Dahan-dahan naman akong kumawala sa yakap ko kay Mama at sabay siyang tinanong. "Nga po pala Ma, bakit po kayo nandito? At bakit po parang ang tahimik po ata ng lugar na to? nasan po ba---" bigla naman akong natigilan ng mag-sink-in sa akin ang nangyari kanina.

'Nabaril ako kanina ni Sebastian. Hindi kaya---' bigla akong napailing sa aking naiisip.

"What's wrong, Lucas?" pag-aalalang tanong ni Mama sakin ng mapansing bigla akong natahimik.

"Ma, patay na po ba ako?" agad kung tanong dito.

Ngumiti naman siya sakin at sabay na hinawakan ang aking mga kamay bago ako tuluyang sinagot. "No, Lucas. Hindi ka pa patay."

"E, bakit ko po kayo nakakasama? Nayayakap? Nakakausap?" curious kung tanong.

"Bakit ayaw mo ba na makasama, mayakap, at makausap si Mama?" aniya nito.

"Hindi naman po sa ganun, Ma. Of course, gusto ko po. Nagpapasalamat nga po ako at binigyan ako ng pagkakataon na makasama ko po kayo ngayon." Mahinahon kung sabi at sabay na ngumiti. "Ma, patawarin niyo po ako a?" dugtong ko.

"Bakit ka naman humihingi ng tawad sakin?" curious na tanong ni Mama habang maigi akong tinitingnan.

"Patawad po dahil hindi ko po nailigtas yung buhay niyo noon. Dahil wala po akong nagawa para mailigtas po kayo." Mahina kung sabi.

"No, Lucas. It's not your fault, okay? Aksidente yung nangyari at wala kang kasalanan dun." Pagpapaintindi ni Mama sa akin. "Nagpapasalamat nga ako sayo e. Maraming salamat at tinupad mo yung kahilingan ko anak. Maraming salamat dahil nabuhay ka sa mundong gusto ko para sayo." Naiiyak nitong sabi at sabay akong niyakap. "Sa tingin ko, kaylangan mo ng gumising anak." Aniya nito matapos kumawala sa yakap nito sakin.

"Gumising?" kunot noong tanong ko.

"Oo, Lucas. Kaylangan mo ng gumising bago pa mahuli ang lahat." Seryosong sabi ni Mama. Hindi ko naman siya maintindihan. 'Bakit ko pa kaylangan gumising e, gising na gising naman ako?'

LUCYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon