Third Person's POV:
"Ano ng balita? Hindi niyo pa rin sya nakikita?" agad na tanong ni Renato sa kaniyang mga tauhan nang makapasok ito sa mansion nya.
"Wala pa rin Senior. Pasensya na po." Mahinang sabi ng isa sa mga tauhang inutusan ni Renato.
"Mga gung-gong talaga kayo! Gusto niyo pa sigurong samahan ko kayo sa paghahanap sa Seniorita nyo?! Mga inutil kayo! Walang silbi! Mahigit isang linggo nyo nang hindi naibabalik dito si Isabel, gusto nyo sigurong patayin ko nalang kayo?!" galit na galit nitong sabi sa kaniyang mga tauhan.
"Kumalma lang po kayo Papa. Ba't nyo pa po ba kasi pinag-aaksayahan ng oras na hanapin ang taong ayaw naman magpahanap." Bigla namang sabat ni Sebastian sa ama nito.
"Tumahimik ka nga Sebastian! Isa ka pang walang silbi. Puro lang paggagasta ang alam mong gawin. Kung tumulong ka kayang maghanap kay Isabel, ikatutuwa ko pa siguro." Ani ni Renato.
"Eh paano kung ikaw nalang yung maghanap sa kaniya. Total, babae mo naman yun." Sarkastikong sabat ni Sebastian at padabog na umalis sa living room.
"Bukas na bukas, sasama ako sa paghahanap nyo sa kaniya. At malilintikan yang si Isabel kapag nakita kung may kinakalantare na naman siyang ibang lalake bukod sakin!" ani ni Renato habang nakakuyom ang mga kamao nito.
"Pero Senior, sa tingin ko po wala dito sa syudad si Seniorita Isabel. Ilang araw na po kasi kaming paikot-ikot at hindi po namin sya nakikita." Ani ng tauhan ni Renato.
"Kung kinakaylangang halughugin natin ang buong Pilipinas para mahanap sya, gagawin natin!" sigaw pa nito.
"Eh paano po yung shipment natin bukas Senior? Sino po yung haharap sa mga clients natin?" tanong naman ng isa niyang tauhan.
"Si Sebastian ang isama ninyo. Nang magkaroon naman yun ng silbi dito. Nga pala, siguraduhin niyong walang papalpak. Dahil alam niyo na ang posibleng mangyari sa inyo kapag nagkataon." Pagbabanta pa ni Renato sa kaniyang mga tauhan.
***
[Kinabukasan]
"Tara na. Umalis na tayo." Ani ni Renato sa kaniyang mga tauhan.
They travelled all over the city pero wala silang Isabel na nakita. Nagtanong-tanong na din sila sa ibang mga taong nakakasalubong nila sa daan using Isabel's photo pero wala ring alam ang ibang mga tao.
"Senior, gumagabi na din po. Itutuloy pa rin po ba natin yung paghahanap?" tanong ng tauhan niya.
"Eh g*ago ka pala e!" sabay na sinikmuraan ang tauhan niyang nagtanong sa kaniya. "Walang titigil sa paghahanap hanggang wala tayong nahahanap!" nag-uumapaw sa galit na sabi ni Renato.
"Ayan may padaang tao, tanungin niyo at baka nakita niya si Isabel." Utos ni Renato. Agad namang lumabas ng sasakyan ang isa niyang tauhan at nilapitan yung lalaking kakalabas lang ng kotse nito.
"Pare, pare. Pwede bang magtanong?"
"Sige. Ano yun?"
"Nakita mo ba tong babae na to?" sabay abot ng isang litrato. Medyo natagalan naman bago makasagot yung lalaki pero kalauna'y umiling-iling din ito. "Hindi pare. Bago lang sakin ang muka ng babaeng yan." Sabi pa nito.
"Ah ganun ba? sige salamat." Akma na sanang tatalikod ang inutusang tauhan ni Renato ng magsalita namang bigla ang lalaking pinagtanungan nito.
"Nga pala pare, ba't mo nga ba sya hinahanap?" may curiosity na tanong ng lalake.
"Ahm---nawawala na kasi sya mahigit isang linggo na rin at nag-aalala na sa kaniya yung pamilya nya."
"Kaya ba? Kawawa naman yung pamilya nya. Pasensya na pare at wala akong maitutulong sayo." Ani nito sa mahinahong boses.
"Sige-sige, okay lang. Maraming salamat nalang ulit." Huling sabi nito at sabay na bumalik sa sasakyan.
Dale-dale din namang pumasok ng kotse yung lalaking pinagtanungan ng tauhan ni Renato at sabay na pinaharurot yung sasakyan na animo'y parang may humahabol dito.
"Oh? Ano daw sabi?" agad na tanong ni Renato.
"Wala po Senior, di nya daw kilala." Ani ng tauhan nito.
"Mga wala talaga kayong kwenta!" inis na sabi ni Renato sa kanila. "Maghanap kayo ng hotel na pinakamalapit sa pwesto natin, sa hotel na muna tayo magpapalipas ngayong gabi at bukas na bukas ay babyahe tayo papunta ng probinsya." Dugtong pa nitong sabi.
Agad namang kumilos yung mga tauhan niya. Maya-maya pa'y tumunog yung phone ni Renato at ng makitang si Sebastian ang tumatawag ay agad nya itong sinagot.
"Sebastian, kamusta yung lakad niyo?" agad na tanong ni Renato.
"Huwag na kayong mag-alala Papa. Kahit minsan niyo lang po ako napapakinabangan, hindi po ako pumapalpak sa mga lakad ko." Sabi nito sa kabilang linya.
"Abay dapat lang."
"Nga po pala, kamusta yung paghahanap nyo sa babae niyo?" tanong ni Sebastian.
"Wala. Hindi namin siya nakita ng mga tauhan ko." Ani ni Renato.
"Eh bakit pa kasi pinagtitiisan niyo yang babae na yan?" pailing-iling sabi ni Sebastian sa kabilang linya.
"Mahal ko si Isabel at mahirap makahanap ng babaeng kagaya niya." Ani ni Renato.
"Eh halata namang walang gusto sayo yun Papa, kaya nga ilang beses na kayong tinatakasan nun diba?" sabi pa ni Sebastian na ikinainis naman ng husto ni Renato.
"Kigusto niya ako o hindi, wala akong pakialam! Dahil simula palang, walang ibang pupwedeng magmay-ari sa kaniya kundi ako at ako lang. Alam mo kung wala kang magandang sasabihin, ibababa ko na tong telepono. Nakakadagdag ka lang ng sakit ng ulo ko e." ani ni Renato at sabay na ibinaba ang tawag.
You really want to play hide and seek with me, Isabel? Fine, I'll play your game. Just hide carefully, because if I find you, I'll show you my worst punishment---worst than the punishment you've received before!
>>>>>
Author's Note: Hi po sa mga matahan na nagbabasa ngayon👋Thanks for your time reading this story of mine. I hope you also take time to vote and comment😊 Salamat 😘
(Anyways, I'm sorry po for my ungrammatical errors. Hehehe.)
BINABASA MO ANG
LUCY
Mystery / Thriller[Most Impressive Rank: romance #20] Her name was LUCY - one word, four letters. A woman who lived in a chaotic world of life and all she wants was to be free and to live life the way she wanted it to be. But what can she do when things get rough a...