Three weeks later...
"Lucas, dinalhan na kita ng pananghalian mo." Sabi ni Manang Mudelle pagkapasok niya ng kwarto ko. Naabutan niya naman ako na abala sa kakatutok ng laptop habang nagsusulat ng notes. Napansin niya din yung breakfast na dinala niya sakin kaninang umaga na hanggang ngayon di ko pa rin ginagalaw.
"Lucas, iho. Huwag mo namang parusahan ng ganyan yung sarili mo. Tatlong linggo ka ng nagkukulong dito sa kwarto mo at masakit yun para sakin kasi nga di kana iba saakin, parang anak na kita e. Ni hindi kana pumapasok ng kompanya at ni hindi mo rin ginagalaw yung pagkaing dinadala ko sayo. Tingnan mo oh? Nangangayayat kana. Yung muka mo parang hindi na maipinta. Tinubuan kana dito ng balbas. Kaylan ka ba magigising sa katotohanan at tanggapin na hindi na magpapakita sayo si Lucy." Mahabang litanya ni Manang saakin na ikinatigil ko naman sa aking ginagawa.
"Okay lang po ako Manang. Sige na po, lumabas na po kayo." Mahinahong sabi ko.
"No, Lucas. Hindi ka okay at nauunawaan ko ang pinagdadaanan mo dahil nagmahal ka—at nasaktan. Pero sa halip na magmukmok ka dito sa loob ng kwarto mo, mag-ayos ka. Improve yourself better than before. Nang sa ganun, kung kayo nga ni Lucy yung para sa isa't-isa at itagpo ulit kayo ng tadhana, eh—may muka kang maihaharap sa kaniya. Hindi yung makikita nyang ganyan yung itsura mo. Naku, baka matakot lang yun sayo." Ani ni Manang. Bigla ko namang na i-shutdown yung laptop na nasa harapan ko at agad kung nakita yung reflection ng muka ko dito.
And in that very moment, dun ko lang napagtanto yung itsura ng muka ko. Manang Mudelle was right, my face was different than before. Parang hindi ako yung nakikita ko ngayon sa reflection na ibinibigay sakin ng laptop ko. Tinibuan na nga ako ng balbas, at medyo humaba na din yung buhok ko. At medyo pumayat din ako ng kunti.
It's been three weeks pero sa araw-araw na paggising ko, parang kahapon lang nangyare lahat. That's why I didn't notice what's happening around me, especially on myself.
"Mag-ayos ka, Lucas. Alam kung kaya mo at kakayanin mong bumangon. Gawin mo yan para sa sarili mo. Sige at iiwanan na kita. Siguraduhin mong kakainin mo itong pagkain na inihanda ko para sayo a." Nakangiting sabi ni Manang Mudelle at sabay na umalis ng kwarto ko.
Bigla namang tumunog yung phone ko na nasa gilid ng laptop. Agad ko naman itong binalingan at nang makitang si Mr. Iniego ang tumatawag ay agad ko itong sinagot.
"Mr. Iniego." Sambit ko sa pangalan nito.
"Hello Lucas. I just received the draft of your project proposal. I already read through it and I did like it. But there are few things that I wanted to discuss with you. Can you meet me here at my house?" aniya ni Mr. Iniego sa kabilang linya.
"Ahm—yeah. Okay, what time?" ani ko sa masayang boses.
"Later, 5pm." Ani nito sa kabilang linya.
"Okay. I'll be there at 5pm." Nakangiti kong sabi. Tapos nun, ibinaba ko na din yung tawag.
Maybe its time to fixed myself and to get back on track.
Dale-dale na nga akong nagtungo ng banyo at sabay na inayos ang sarili. I clean my face up and I wear my maroon polo shirt with a shade of white horizontal color on the center and paired it with my black jeans. After of it, I eat my food that Manang Mudelle prepared for me. Then, I get my laptop and I checked myself on the mirror for the last time at ng makumbinsi ko na nga ang sarili ko that I already looked good, lumabas na ako ng kwarto. Agad akong nanaog ng hagdan at naabutan ko namang abala sa paglilinis ng center table sa living room si Manang Mudelle.
"Manang Mudelle." Sambit ko sa kanyang pangalan. Agad din naman niya akong binalingan at halata sa ekspresyon ng muka nya ang pagkagulat ng makita ang porma ko.
"Lucas? Ikaw na nga ba yan?" agad na tanong ni Manang sakin. Ngumiti naman ako bago sumagot. "Opo manang. Bakit? Mukang tao na ba ulit ako?" natatawang sabi ko. Napatawa naman sya sa sinabi kung yun.
"Oo—muka ka na ngang tao ngayon. Gumwapo kana ulit. Ni hindi nga ako makapaniwalang dininig kaagad ng Diyos yung panalangin kung bumalik kana sa dati." Nakangiti nitong sabi. "Nga pala, ba't parang nagmamadali ka ata? May lakad ka ba?"
"Ahm—Opo. I'll meet my client sa mismong bahay nito. Baka gabihin po ako ng uwi mamaya." Pagpapaalam ko kay Manang Mudelle.
"Ganon ba? Sige, mag-iingat ka ha? At sanay magtuloy-tuloy na yang pagbabago mo." Masayang sabi ni Manang sakin.
"Sige Manang. Anyways, maraming salamat po." Ani ko at niyakap sya bago ako tuluyang lumabas ng bahay.
***
[Iniego's residence]
"Thank you for coming Mr. Lucas Santibaniez." Masayang sabi sakin ni Mr. Iniego ng makarating ako sa bahay nya. "Halika, don tayo sa balcony." Ani niya at sabay na naglakad, sumunod lang naman ako sa kaniya.
"Please sit and be comfortable." Sabi niya ng makarating kami sa balcony ng bahay nya. Agad naman akong umupo sa isang silya na nakatalikod sa pinto at sabay na ipinatong ang case ng laptop ko sa mesang kaharap. At pagkuwa'y inilabas ko na din yung laptop ko sa case.
After I open my laptop, tinanong ko muna si Mr. Iniego. "Should I proceed myself?"
"Yeah—go ahead." Nakangiti niyang pagtugon.
I start explaining things with him in regards on the project proposal which I sent him 3 days ago. Napapatango lang naman sya sa mga paliwanag ko, nagpapahiwatig lang na sumasang-ayon sya sa kung ano yung mga sinasabi ko. May mga katanungan din naman siyang itinatapon saakin pero naisasagot ko naman yun ng maayos. Since, for three weeks, ito yung mas pinagkakaabalahan kung gawin sa loob ng kwarto ko kaya madali nalang saakin tong dalhin sa kaniya.
"So, what do you think?" tanong ko matapos e-discuss sa kaniya lahat, especially sa part na medyo blur sa kaniya yung figure ng proposal.
"All in all—it was great. I now understand what you mean." Masayang sabi nito saakin.
"Well thank you, Mr. Iniego." Nakangiti kong sabi.
"Siguro, you were very inspired doing this project? Kasi, di mo naman to magagawa ng ganito ka ganda kung hindi diba?" tanong nya na ikinangiti ko naman.
"Not really. Sa katunayan nga nyan, I was heartbroken finishing this project proposal." Tugon ko na ikinakunot naman ng noo ni Mr. Iniego.
"Heartbroken? Do you mind to tell me why?" ani nito.
"It's because of a woman who appears in my life unexpectedly. I learn to loved her. Well... I loved her until now. But she did leave me without any words, without any trace. And despite of all the heartaches that she 'caused me, I was still hoping to see her." Pagkwento ko.
"I'm sorry to hear that. Hindi ko pa man nararamdaman yan, but I know its been hard for you." Aniya nito.
"It's fine." Pauna kong sabi. "How about you, Mr. Iniego? do you feel being in love?" nakangiti kong tanong sa kaniya.
"Yes, I did. Honestly, I have my love of my life." Masayang sabi nito.
"Really? Ang swerte naman nya sayo." Aniya ko.
"No, I'm the one who's lucky to have her." Nakangiting sabi ni Mr. Iniego at halata sa expression ng kaniyang muka kung gaano sya ka in-love sa babaeng tinutukoy nya.
"Love." Rinig kung boses mula sa likuran ko.
"Oh—there she is, my love of my life." Masayang sabi ni Mr. Iniego.
Agad naman akong napalingon para tingnan kung sino yung tinutukoy nya. And I was shocked knowing that the woman she meant was the woman who crashed my heart so badly.
LUCY.
>>>>>
Author's Note: Oh no! Kung san naging okay na si Lucas tsaka naman sila nagkita ni Lucy. Parang mapapakanta tuloy ako nang, "It's a small world after all, it's a small world after all." Hahaha😂
Kindly vote and comment po, it's a great help for me to stay motivated in writing more stories... Heheh. Thanks and enjoy reading...
BINABASA MO ANG
LUCY
Mystery / Thriller[Most Impressive Rank: romance #20] Her name was LUCY - one word, four letters. A woman who lived in a chaotic world of life and all she wants was to be free and to live life the way she wanted it to be. But what can she do when things get rough a...