Chapter 39

70 3 0
                                    

Third Person's POV:

"Ang ganda-ganda mo talaga, inday." Masayang sabi ni Manang Mudelle ng makababa si Lucy ng hagdan.

"Talaga po, Manang?" di naman makapaniwalang tanong ni Lucy.

"Oo nga. Natitiyak kong magugulat si Lucas mamaya kapag nakita kana niya sa simbahan." Nakangiti nitong sabi. Napangiti lang naman si Lucy sa sinabi ni Manang sa kaniya.

Lucy is now on her wedding gown. Isang linggo na kasi yung lumipas ng makalabas ng hospital si Lucas at magpropose ito sa kaniya sa OR. Ayaw ni Lucas na patagalin pa yung kasal nila ni Lucy dahil nga sa ayaw niyang inaaksaya ang oras at panahon kaya nung maka-fully recover siya, agad silang nag set-up ni Lucy ng date sa simbahan. Hindi sila nag-imbeta ng maraming tao dahil gusto ni Lucy yung simpleng kasal lang. Yung tipong makasama lang nila yung mga mahal nila sa buhay ay sapat na, yun naman daw kasi yung mas importante.

"Lucy? Iha? Tara na!" pagtawag ng Daddy ni Lucy mula sa labas ng bahay nila.

"Andiyan na po Dad." Tugon ni Lucy at pagkuwa'y hinarap si Manang Mudelle. "Hali kana po, Manang Mudelle." Nakangiti nitong sabi. Maya-maya pa'y lumabas na rin sila ng bahay. Bigla namang natulala si Mr. Cruz ng makita niya ang kaniyang unica iha.

"Dad, bakit po?" agad na tanong ni Lucy ng makalapit sya dito. Napansin niya kasing natulala ang kaniyang ama at nanlulumo ang mga mata nito na animo'y parang maiiyak.

"Ah, wala anak. Ang ganda mo kasi sa suot mong damit. Bagay na bagay sayo. Hindi ko akalain na ikakasal na ang unica iha ko. Parang kaylan lang kasi, karga-karga pa kita sa mga bisig ko. Pagkatapos ngayon, ihahatid na kita sa altar." Aniya nito habang hawak ang kamay ng anak.

"Daddy naman, huwag na po kayong mag-emote ngayon. Baka maiyak po ako sa inyo niyan at masira pa po yung make-up ko. Kayo din, baka mamaya magmukang mangkukulam po yung unica iha niyo pagdating ng simbahan." Natatawang sabi ni Lucy.

"Ay, Oo nga pala. Pasensya kana anak at nagdadrama ang Daddy mo." Pauna nitong sabi. "Sige na. Tama na to at pumasok kana sa loob ng kotse." Aniya ni Mr. Cruz pagkatapos pagbuksan ng pinto si Lucy.

Agad nga namang itinaas ni Lucy ang kaniyang wedding gown sa unahan at akma na sana niyang ihahakbang ang paa papasok ng kotse ng bigla namang magsalita si Manang Mudelle na ikinatigil niya.

"Naku inday, yan na ba yung susuotin mong sapatos?" natatarantang puna ni Manang Mudelle kay Lucy ng makita ang sinuot ng dalaga. Mabilis namang tiningnan ni Lucy yung paa niya at nagulat siya nang makitang hindi pa pala niya napapalitan yung suot niyang sleeper's ng kaniyang puting stiletto. Buti nalang talaga at napuna ito ni Manang.

"Naku, nakalimutan ko atang magpalit ng sleepers. Teka lang po Manang Mudelle, Daddy. Kukunin ko lang po sa loob yung---"

"Saan yun nakalagay? Ako na yung kukuha para sayo." nakangiting putol ni Manang sa sasabihin ni Lucy.

"Okay lang po ba, Manang Mudelle?" pagsisigurong tanong ni Lucy dito.

"Naku namang bata to. Syempre naman, ano pang naging silbi't ginawa mo akong bridesmaid sa kasal mo?" natatawang sabi ni Manang kay Lucy.

"Salamat po, Manang. Nasa kwarto po iyon. Doon sa ilalim ng drawer." Nakangiting sabi ni Lucy. Agad din namang umalis si Manang Mudelle at agad na nagtungo ng kwarto habang si Lucy naman ay pilit na ikinakalma ang sarili. Naghahalo-halo kasi yung emosyong nararamdaman niya ngayon na di niya maipaliwanag.

Maya-maya pa'y nakabalik din naman kaagad si Manang Mudelle mula sa loob ng bahay.

"Lucy, oh heto na. Tanggalin mo na yang suot mung sleepers at isuot mo na to." aniya ni Manang Mudelle at sabay na iniabot kay Lucy ang puting stiletto nitong sapatos.

LUCYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon