Chapter 33

12 2 0
                                    

Third Person's POV:

"Where's Lucy?" agad na tanong ni Rodulfo sa Team niya ng makarating silang safe sa back door ng hospital. "Wala bang may nakapansin sa kaniya?" dugtong nitong tanong.

"She was right behind me. Where did she go?" tugon ni Den.

"Naku, baka nahuli na ni Renato yung anak ko." Pag-aalalang sabi ni Mr. Cruz.

"Don't worry Mr. Cruz. Babalikan ko po yung anak nyo." Paunang sabi ni Rodulfo. "Jade, John. Get Mr. Cruz out of here. Tell Leo and Mark na mauuna na kayong pumunta ng SB Team headquarters. Maiiwan naman sakin dito si Kyle at Den. I'll just send a signal to our headquarters if in case I need a reinforcement." Patuloy nito.

"Lieutenant, mag-iingat po kayo." Ani ni John.

"We will. Sige na. Umalis na kayo." Agad na din namang umalis si John at Jade dala si Mr. Cruz.

"Kyle, Den, Maghiwa-hiwalay tayo para mabilis nating mahanap si Lucy. We will back here after 30 mins. Okay?" aniya ni Rodulfo.

"Yes, Sir." Matahang sagot ng dalawa nyang kasama. Pagkuwa'y nagsialisan na rin sila para hanapin si Lucy. Agad na binalikan ni Rodulfo sa third floor si Lucy pero wala na naman syang nadatnan doon kaya bumaba sya sa second floor para doon tingnan pero hindi niya din doon nakita si Lucy.

'I hope they did not find you, Lucy.' aniya ni Rodulfo sa isipan.

Patakbo syang naglakad paliko ng hallway at bigla naman syang natigilan ng makitang sapilitang hinihila sa braso si Lucy ng isang lalake na agad nya namang nakilala kung sino ito. 'Walang hiya ka talaga Renato!' aniya ni Rodulfo sa isipan. Hindi naman ito magawang lapitan ni Rodulfo dahil nga maraming tauhang kasama si Renato. Kaya maigi niya lang itong sinusundan. 'Saang lungga mo na naman balak dalhin si Lucy, Renato?'

Maya-maya'y nakita ni Rodulfo si Kyle na pasimpleng sumalubong kina Renato sa hallway. Agad namang sumignal si Rodulfo dito gamit ang face expression nila kaya agad itong naintindihan ni Kyle dahilan para sundan niya rin sina Renato.

Palabas na sila ng Hospital at kitang-kita ni Rodulfo yung pagpupumiglas na ginagawa ni Lucy kay Renato pero wala namang magawa si Lucy dahil bantay sarado siya ng mga tauhan ni Renato.

Bigla namang nasalubong nina Rodulfo at Kyle si Den na kakababa lang ng hagdan.

"Si Lucy yun, diba?" bungad ni Den ng mahagip ng paningin niya si Lucy.

"Tama ka. Sya nga iyon. Kaylangan natin silang masundan nang malaman natin kung saan nila dadalhin si Lucy." aniya ni Rodulfo. Pagkuwa'y lumabas na din sila ng Hospital. Nakita naman nilang isinakay na sa sasakyan si Lucy at paalis na ang kotseng sinasakyan nito.

"Paano na ngayon Sir, wala po tayong sasakyan?" agad na tanong ni Kyle kay Rodulfo. Nagulat naman sila ng may biglang huminto na kotse sa kanilang harapan.

"Lieutenant, Kyle, Den. Sumakay na kayo. Dale." Rinig nilang sabi ni Leo.

Dale-dale naman silang sumakay dito at agad namang pinatakbo ni Leo yung kotse.

"Sundan mo yung puting Van, Leo." Aniya ni Rodulfo.

"Masusunod po, Lieutenant." Tugon nito.

"Nga pala, ba't hindi ka bumalik ng headquarters kasama nila Jade?" pagtatakang tanong ni Rodulfo kay Leo. Utos nya kasi kina Jade at John na mauuna silang lahat sa HQ kasama sina Mark at Leo.

"Pinaiwan po ako ni Jade, Lieutenant. Malakas po kasi yung instinct nya na baka daw maalanganin po kayo at kakaylanganin nyo ng masasakyan. At mukang hindi nga naman nagkamali si Jade." Aniya ni Leo.

LUCYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon