Chapter 7

21 3 0
                                    

Lucas POV:

It's hurt for me seeing Lucy like this. I met her in a short period of time pero yung impact na ibinibigay ng presensya nya sakin ay subra-sobra. I don't want to fall for her kagaya na lamang ng sabi nya sakin but---but I can't stop myself. I don't know if I am just falling into her? Or I am already in loved with her? One thing I am sure about, is that, I wanted to help her. I wanted to help her sa kung ano man ang pinagdadaanan nya pero hindi ko magawa kasi sa tuwing susubukan ko, nagdadahilan sya ng hindi ko maintindihan at kung hindi naman, iniiba nya ang usapan.

I was now sitting beside her at maigi syang tinitingnan na ngayon ay mahimbing nang natutulog sa kama. She's crying unto my shoulder earlier at hindi ko namalayang sa subrang iyak niya ay makakatulog sya sa balikat ko. Ramdam ko yung bigat na dinadala nyang problema sa pag-iyak nya kanina.

She looks like an angel if she was sleeping pero kahit hindi sya tulog mukang anghel pa rin naman sya. Bigla syang gumalaw dahilan para matabunan ng hibla ng buhok nya ang kanyang mala-anghel na muka. Dahan-dahan ko namang inalis ito at nagulat ako ng bigla nyang iniyakap sa bewang ko ang kanang kamay nya. Naalala ko namang bigla yung sinabi niya sakin. Kung mahal kita, hindi kita hahalikan at higit sa lahat, hindi kita yayakapin. I'm a little bit hurt of what she said kaya iniwas ko nalang din yung aking sarili. I slowly took her right hand off of my waist and after of it, iniwanan ko na rin sya sa kwarto at nagtungo sa kusina.

Nadatnan ko naman si Manang Mudelle na naglilinis doon.

"Lucas, oh? Ba't di ka pa nagpapahinga?" agad nitong tanong sakin ng makita niya ako.

"Hindi po ako makatulog Manang." Tanging sabi ko.

"Naku, may pinuproblema ka ba iho? Sabihin mo sakin at baka matulungan kita." Pag-aalalang tanong ni Manang.

"Manang Mudelle, ano po sa tingin niyo ang rason kung bakit ayaw ng isang babae na mahalin sya ng isang lalake?" agad kung tanong sa kaniya.

"Pag-ibig nga naman. Alam mo Lucas, hindi naman talaga ibig sabihin na ayaw ng babaeng mahalin sya ng isang lalaki. Kasi lahat ng babae ay may pangarap na magkaroon ng isang lalaking magmamahal sa kanila ng lubusan. Yung totoong pagmamahal, yung aalagaan sila, ipagtatanggol sila, yung handang itaya yung buhay nya para sa kaniya. Pero minsan, kahit na pangarap nilang magkaroon ng lalaking magmamahal sa kanila ng totoo, mas pinipili nalang nilang umiwas, humindi, kasi naiipit sila sa sitwasyon." Mahabang litanya ni Manang.

"Hindi po ba dapat na ipaglaban imbes na iwasan?" puna ko.

"Hay naku Lucas. Alam mo kasi sa pag-ibig, hindi lahat kayang lumaban. May mga bagay kasi na mahirap ipagpilitan lalong-lalo na kung alam mong hindi maganda yung magiging kakalabasan nito." Sabi pa niya. "Pero sa totoo lang, kung mahal mo naman talaga yung isang tao, you wouldn't care to cross the oceans and mountains in between you two, because in the end, the pain and suffering that you've experience is always worth it." Pagsasalungat ni Manang sa una nyang sinabi.

Manang Mudelle is like a Mom to me. She was already there since I was 8 years old at sya yung nandyan sa tabi ko nung nawala yung kinikilala kung mga magulang. Yung mga banat nya yung nagpapangiti sakin minsan. At sya rin yung kinukunsulta ko sa iba kung mga problema dahil nakakagaan ng loob yung mga salitang binibitawan nya sakin kagaya na lamang ngayon.

"Oh, pano ba yan? Mauuna na akong matulog sayo at inaantok naku." Pauna niyang sabi. "Huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano dyan at matulog kana rin ha?" dugtong nya pa at sabay na nga akong iniwanan sa pwesto ko.

Uminom muna ako ng tubig bago tuluyang bumalik sa kwarto ko. Paakyat naako ng hagdan ng bigla namang tumunog yung cellphone ko. Nakita ko namang si Tanya (secretary ko) yung tumatawag kaya agad ko din itong sinagot.

"Tanya? Napatawag ka?" agad kung tanong dito.

"Sir Lucas, i-inform ko lang po sana kayo na humihingi po ng isang araw sa inyo yung big client po nating si Mr. Iniego. He wanted to discuss important things with you tomorrow morning before he decided to sign the contract of investment to our company." Ani ni Tanya sa kabilang linya.

"Ah ganun ba? How about Adrian? Since sinabihan ko naman si Adrian na sya muna yung maghandle lahat habang wala ako." Ani ko.

"That's what I've said Sir. That you were on leave right now and only the manager can assist him but he wouldn't allow it. So, paano po yan Sir Lucas?" may pag-aalala sa boses na tanong ni Tanya. Matagal din kasi naming inantay to e. Yung mag-invest sa company namin si Mr. Iniego. He was an influential person at malaki ang matutulong nya sa pagpapauswag ng kompanya.

"Sige-sige. I'll meet him tomorrow morning, 10am at Hill Restaurant. Kindly reserved there a table for two persons." Sabi ko.

"Sige po Sir. I'll inform Mr. Iniego right away." Ani ni Tanya. Agad ko din namang ibinaba yung tawag. At pagkuwa'y nagtungo na din ako sa aking kwarto.

I hope everything went well.

>>>>>

Author's Note: Short update lang po ito but I hope na appreciate niyo pa rin po. Hehehe.

(Sa mga nagbabasa po dyan marami pong salamat😘)

LUCYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon