Athea's P.O.V.
Nagising ako the next day na sobrang sakit ng katawan. Namimigat ang pakiramdam ko nung bumangon na ako.
Nagulat ako nung nakita ko si Grey na nakahiga sa couch. Tulog pa rin. Tumingin ako sa alarm clock na nasa bedside desk ko.
Thirty minutes past six na. Eight ng umaga ang pasok namin.
Bumangon na ako at ginising ko na si Grey.
"Good morning," bungad niya sakin.
Inirapan ko lang siya.
"Ba't diyan ka natulog? Alam mo ba na may anim na kwarto dito sa bahay at dalawang guest room? Kahit bigyan mo ng tig-i-isang bed yung anino mo, kuluwa mo, at yang katawang lupa mo eh may space pa rin," sabi ko habang kumukuha ng tuwalya.
"Binantayan kita. Ni hindi ka na nga makagalaw kagabi sa sakit ng katawan mo," sagot naman niya.
"Umuwi ka na, may pasok pa tayo. Wala ka namang dalang uniform," sabi ko naman.
"Don't worry. Nung nakatulog ka na kagabi eh umuwi muna ako at kumuha ng extra uniform," sabi niya.
"Okay." Sagot ko naman sabay sara nung cabinet ko.
"Magluluto lang ako ng breakfast," sabi niya sabay bangon at diretso labas ng kwarto ko.
Huminga lang ako ng malalim.
Inunat ko ng konti yung katawan ko pero sobrang masakit pa rin yun.
Pagtingin ko sa katawan ko eh panay pasa ako sa braso at tiyan.
Di ko pa rin maiwasan na hindi mainis kapag may umiinsulto sa mga taong mahalaga sakin.
Wait..MAHALAGA? Tange..
Ayoko lang na may umaalipusta kay Grey. Masyado na siyang maraming ginagawa para sakin kaya naman kahit maipagtanggol ko man lang yung dignidad niya eh okay na para naman masuklian ko yung pagmamalasakit niya sakin..
Teka.. Teka.. Teka..
Kelan pa ako nagkaroon ng pakialam kay Grey? Niyugyog ko na lang yung utak ko para maalis yun sa isip ko.
Kung nagrereklamo siya dahil cold ako sa kanya pwes sorry na lang siya at di na yun magbabago. Kasalanan niya kung bakit hindi na ako ang Athea na dati niyang nakilala.
Tapos pagbalik niya dito sasabihin niya na sorry? After two years siyang mawala babalik siya na parang walang nangyari? Swerte niya..
"Ang tagal mo maligo. Mga babae nga naman ang kukupad.. tsk tsk tsk"
Bigla akong napatalon at nagtakip ng tuwalya sa buong katawan ko.
"ALAM MO BA NA ANG PAGIGING PA MO EH HINDI EXTENDED SA CR NA TO?! KAYA KO MALIGO MAG-ISA!" Sigaw ko.
"Nakahain na yung breakfast. Tsaka don't worry, di ko naman nakita. Tsaka wala ka namang dapat itago sa katawan mo. Makinis naman.."
Tsk. Pervert...
Binato ko siya nung container ng shampoo ko. Pero nakalabas na siya bago pa man yun tumama sa kanya.
After kong makapagpalit eh bumaba na ako sa kusina. Nakaligo na rin siya at nakaupo na sa mesa.
"Ba't mo pa ako hinintay?" Tanong ko sabay upo.
"Masyado naman akong walang ugali kung mauuna ako kumain. Bilis na, baka ma-late pa tayo," sabi niya sabay sign of the cross.
Kahit simpleng bacon, itlog, tinapay, at sausage lang ang breakfast namin eh iba talaga ang lasa kapag si Grey na ang nagluto.
Kumpara naman sa luto ko na minsan sunog..
![](https://img.wattpad.com/cover/218012820-288-k744942.jpg)
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Teen Fiction✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...